Chapter 42

32 1 0
                                    

Anton's Point of View

Ang sarap sa pakiramdam ang makabalik sa Pilipinas matapos mangyari ang lahat ay sa wakas nakabalik na din ako.

"Son!" napalingon ako kay Dad na prenteng prente sa kaniyang pagkakaupo.

"Hey, Dad!" Sabi ko sa kaniya at lumapit.

"How's New York?"

"Good, a little bit busy with mom's business and busy about my own life"

"Did you already tell her?" tanong niya sa akin. Alam ko kung sinong tinutukoy niya. Dahil siya lang naman ang parati kong bukang bibig noon pa man.

"No, not yet. I was planning too. Naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon" sabi ko sa kaniya at napangiti. Gusto ko na agad siyang makita. Puntahan sa apartment niya at yakapin siya ng mahigpit.

Ipagpapabukas ko na lang muna siguro para mapaghandaan ko kahit papaano.

Yes, I'm talking ahout Sunshine. I missed her so much. Wag na lang natin pag usapan ang nangyari sa amin. Napakahabang kwento kung iisa isahin ko pa ang mga nangyari sa akin.

'Hey, Ethan!' sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko.

[bro, whats up?] sabi niya mula sa kabilang linya.

'palakpakan mga bata' narinig ko mula sa linya niya ang malakas na palakpakan ng mga tao.

'Where are you? Are you attending childrens party? Haha" natatawa kong sabi sa kaniya.

'Ethan, hinahanap ka ni Ashley' sabi ng isang pamilyar na boses mula sa kabilang linya. Agad akong napatahimik at napatulala. Pinatay ko agad ang tawag at nag madaling bumaba para paandarin ang sadakyan ko.

Hindi ako nag kamali siya yun. Kilala ko ang mga boses niya. Agad kong binuksan ang tracker ko at tinrack agad ang location ni Ethan madali lamang ito dahil palaging bukas ang gps niya.

Habang papalapit ako ng papalapit sa location na hindi naman ganung kalayuan ay bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko. Parang sobra akong kinakabahan sa kung anong pwede kong makita.

Huminto ako malapit sa nagaganap na party at marahan akong bumaba at naglakad papalapit sa gate na iyon.

"Anong gusto mong sabihin Birthday Girl?" Sabi nung host na kinakausap yung bata sa maliit na stage.

"Gusto ko mag thankyou kay Mama ko po dahil ang ganda po ng birthday ko po at kay Papa Ethan ko po, ang ganda po ng gift niya po sakin" magiliw na sabi ng bata sa stage.

Mama? At Papa Ethan? May anak na si Ethan? Sinong ina ng bata? Sino yung Mama niya?

Napapikit na lang ako sa kung anong pwede kong maisip. Pinagmasdan ko na lang ang bata na patuloy na naghuhumiyaw sa tuwa dahil maganda ang birthday niya.

Aalis na sana ako nang biglang tawagin ng host ang magulang ng bata at mas ikinabigla ko nang nakita ko si Sunshine na lumapit sa bata at hinalikan ito sa pisngi at maya maya lang ay lumapit na din si Ethan at tumabi sa mag-ina.

Hindi ko napigilan ang pang hihina ng tuhod ko at ang pagpatak ng luha ko.

Naglakad ako at sumakay ng sasakyan ko. Hindi agad ako nakaalis sa lugar na yun bagkus di ko napigilan ang sarili kong umiyak.

Pitong taon na ang bata. Pitong taon na simula nang umalis ako. Kelan pa nagsimula ang sa kanilang dalawa. Kaya ba ganun na lang kadali sa kaniya ang bitawan ako 7 years ago? Ganun ba ako kadaling inawanan at hindi piliin. Pinagsabay niya ba kami? Bakit nagawa akong traydorin ng nagiisa kong pinsan? Bakit nagawa nila akong lokohin?

Sa puntong napuno ng tanong ang isip ko ay nabuo ang galit sa puso ko. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang lahat, sana pala ay hindi na lang ako bumalik ng pilipinas. Pinili ko siya simula noon, pinaglaban ko na siya noon pa man. Pero hindi pala sapat ang mga iyon sa kaniya at nagawa niya pa akong ipag palit sa iba.

*****

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon