Chapter 39

33 0 0
                                    

Ethan's Point of View

Shine is in critical condition. After she gave birth her heart suddenly stop. Pero naka revive siya pero napaka unstable ng condition niya.

There is always a chance na di na niya kayanin o kaya niya pa. But I know her. Lalaban yun para sa anak niya.

"Ethan" napatingin ako kay Tita Sheila na tinwagan ako habang nakasilip ako sa loob ng nursery room.

'Ashley Dela Vega' basa ko sa pangalan na nakasulat sa isang maliit na crib habang abala ang nurse na lagyan siya ng mittens.

"Tita" tugon ko sa kaniya at hinarap sya. Nakangiti lang siya sa akin at tumingin na rin sa sanggol na malamunay na nakahiga sa isang maliit na crib.

"Napakaganda ng apo ko ano" sabi niya sa akin.

"Opo, kasing ganda ng nanay niya" sabay kaming tumawa na parang sumasang-ayon sa isa't isa.

"Ethan" tumingin ako muli sa kaniya at hinintay ang sunod niyang sasabihin.

"Alam mo na ba itong sakit niya?" Napahinto ako sa tanong niya.

"Opo, nung nalaman ko din na buntis siya. Mas nakatulong po sa kaniya yung pagbubuntis niya dahil nakakapahinga siya at nakaiwas sa mga mabibigat na gawain. Yun po ang bilin sa kaniya noon ng doktor, wag mag pagod" tumango tango naman ito at umiwas ng tingin sa akin. Maya maya pa ay narinig ko na ang mga hikbi niya.

"Tita" sabi ko sa kaniya at niyakap siya.

"Paano nakayanan ng anak ko ito mag isa? Hindi ko man lang nalaman" sabi niya sa akin habang patuloy na umiiyak.

"Ayaw niya po na mag-alala kayo. Mabuti po at ligtas siya ngayon anytime soon, magigising na siya at makikita niya ang anak niya" sabi ko dito habang hinahaplos ang likuran niya.

"Salamat Iho, sa pag aalaga mo sa anak ko. Hindi ko alam sa batang yun at ayaw pa niya tanggapin ang alok mo" sabi nito at natawa kaya naman napangiti na lang din ako sa inasta niya.

"Mahal ka nun, Ethan. Ayaw niya lang aminin sa sarili niya. Saglit anak, mauuna na ako sa iyong bumalik sa kwarto niya at baka mamaya eh magising na iyon" sabi niya sa akin at nag simula nang mag lakad papalayo sa akin.

Sana nga Tita tama ka. Sana nga mahal na ako ng anak nyo. Pero kung ano man ang gusto niyang mangyari at kung ano man ang desisyon niya ay tatanggapin ko.

"Mr. Dela Vega?" tawag nung nurse sa  maliit na bintana. Napalingon naman ako sa paligid para tignan kung may iba pa bang tao pero ako lang ang nandun

"Excuse me?" Sabi ko sa nurse.

"Father of Baby Ashley Dela Vega?" sabi nung nurse ng muli akong sumilip sa bintana. Dun ko lang narealize na akala siguro ng Nurse ay Dela Vega ang apilyedo ko.

"Ah, yes po" sabi ko at nginitian siya.

"The baby is ready po, pwede na po natin siyang ilipat sa kwarto ng mother niya" tumango naman ako sa kaniya at agad na inihanda si Baby Ashley at binuhat iyon. Nakasunod lang ako sa nurse hanggang sa makarating kami sa kwarto ni Shine.

"Oh, ang Apo ko" sabi ni Tita at agad na kinuha ang sanggol sa bisig nung nurse"

Pinagmasdan kong mabuti si Tita na magiliw na magiliw na hinehele si Ashley. Habang si Shine ay mahimbing paring natutulog.

"Your Daugther is so beautiful. She looks like an angel" sabi ko sa kaniya habang hinahaplos ang buhok niya.

"Ethan, anak. Halika dito, dali. Hawakan mo naman ang anak mo napaka ganda" napatigil ako sa pag lalakad ng marinig ko ang sinabi niya.

"Oh, bakit ka napahinto? Halika, buhatin mo si Ashley" sabi niya muli sa akin kaya naman lumapit na ako sa kaniya at inalalayan naman niya ako sa pag hawak ng tama sa bata.

Ang sarap sa pakiramdam na kinoconsider nila ako as a father at ang sarap sa pakiramdam na hawak hawak ko siya ngayon.

****


Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon