Chapter 22

64 2 0
                                        

Andito kami ngayon sa ospital kung saan naka admit si Mama.

Matagal na din kasi simula nung mag undergo siya ng chemotherapy pero may times na napapatigil ang pag-inom niya ng gamot kasi nagigipit ako. Ngayon kailangan ng operahan kasi lumalaki na talaga yung mga bukol.

Kasama ko si Anton sa ospital habang kinukumbinsi ni Tita Nerissa si Mama na mag undergo na ng operation.

"Ayoko nga" mahinang sabi ni mama dahil nanghihina na talaga siya.

"Ang tigas nmn ng ulo mo, Sheila" napapasapo na lang sa noo si Tita Nerissa dahil sa tigas ng ulo ni mama.

"Ate naman. Please. Hindi naman na kailangan" saad ni Mama kay Tita Nerissa. Mababakasan mo na ang stress kay tita dahil sa katigasan ng ulo ni Mama.

"Kausapin mo tong nanay mo, Shine"

"Op-"

"Mrs. Dela Vega, mag paopera na po kayo. Wag nyo na problemahin ang gastusin. Ako na po ang bahala sa inyo" magalang at mahinahon na ani ni Anton kay Mama, napatingin na namn ito.

"Nakakahiya namn sa iyo iyon iho. Hayaan mo na lamang ako"

"Utang ho yun, nababayaran ni Sunshine sa akin" napatingin ako sa kaniya at tumingin na rin siya sa akin. Kung ito lang ang paraan para mapapayag ko si Mama ay sasakyan ko na ang mga matutsyada niya.

"Oo, Ma. Ako bahala sayo. Mababayaran ko namn si Sir Anton. Ang mahalaga ngayon Ma, gumamaling ka" nilapitan ko si Mama at hinaplos ang mukha nya. Itinaas ni Mama ang kamay niya na tila inaabot ang si Anton.

Tinignan ko ito at tumingin din ako sa nakatayong si Anton sa likod ko.

Lumapit siya at inabot ang kamay ni mama

"Salamat, iho" napatingin ako kay Mama at isang malawak na ngiti ang naigawad ko sa kaniya.

"Pumapayag kana? Mama" kahit nahihirapan ay tumango tango siya.

Naramdaman ko ang mahinang paglalabas ng tawa ni Anton. Napatingin ako sa kaniya nakangiti na siya habang hinahaplos ang kamay ni Mama.

Matapos ang mga iyon ay agad kaming nag paschedule sa doktor niya.

"Anton" nilingon niya ako habang ang mga kamay ay nanatiling nasa bulsa ng jacket na suot niya.

"Thankyou, gagawin ko ang makakaya ko para mabayaran ka" sabi ko sa kaniya. Naluluha hindi sa takot o lungkot kundi sa tuwa dahil sa wakas eh mababawasan na ang paghihirap ni Mama.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. At marahang isinabit ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking mga tenga.

Ginawaran ko siya ng isang malawak na ngiti sa labi.

Nanatili siyang nakatingin sa aking mga mata, habang hinahaplos niya ang pisngi ko. Ngumuti muna siya ng malawak sa akin bago tuluyang nagpakawala ng mga salita.

"Hindi mo kailangang paghirapan ang mga bagay bagay para mabayaran ako. Sunshine, makasama ka lang sa araw-araw ay okay na ako" wala akong ibang magawa kundi ang titigan ang maganda niyang mga mata habang deretsong nakatingin sa akin.

Hindi na ako nakapag bigay pa ng sagot sa sinabi niyang iyon. Magkasaay kaming lumabas ng ospital para bumili ng makakain namin sa loob ng silid.

Pag balik ko ay seryoso parin si Tita Nerissa at tila hindi maipinta ang mukha niya.

Deretso lang itong lumabas ng kwarto at walang paalam. Sinundan ko na lang siya ng tingin at mamaya na lamang kakausapin.

*****

Author's Note

Sorry, sa matagal na pag hihintay. Pero okay na din yun kasi last chapter naman chukchakan diba. HAHAHAHAHHA. Tsaka na ulit yun 😉

Enjoy Reading muna.

RedHotSilly <33

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon