Chapter 17

51 1 0
                                    

Shine's Point of View

Hindi ko alam kung paanoang mangyayari sa alok sa akin ni Sir Anton, nakakahiya naman kasing humingi diba

Habang abala ako sa pag-iisip ay biglang tumawag si Tita Nerissa sa akin. Lumingon muna ako sa paligid bago tuluyang sinagot ang tawag, nasa kalagitnaan ako ng trabaho ko nang marinig ko ang boses ni Tita sa kabilang linya.

"Shine!" Saad niya na may nanginginig na boses. Hindi agad ako nakaimik at tila hinintay ko ang sunod niyang sasabihin.

Nakaramdam ako ng kaba at takot sa puso ko. Parang ayaw ko marinig kung ano man ang sasabihin niya.

"Ang Mama mo Shine, kailangan na niyang maoperahan, lumalaki na daw ang bukol sa kabila niyang dibdib" umiiyak pa din si Tita. Habang sinasabi sa akin ang mga iyon. Unti unting nang lambot ang mga tuhod ko at napaupo sa kung saang pwesto man ako nakatayo.

Eto na ba ang pagkakataon para tanggapin ko ang alok niya at ibigay o ibalik ang pabor niya? Ito na lang ba ang paraan para kay Mama.

Hindi ko na nagawang sumagot kay Tita at namatay na lang ang tawag. Napabagsak ang luha ko. Masyado nang masakit sa akin na nahihirapan si Mama. Ayokong nasasaktan siya, makita ko lang siya sa chemo niya ay nahihirapan na ako. Nakikita ko lang na unti unti nang nanlalagas ang mg buhok niya ay nasasaktan na din ako.

Hindi ko na malayan pa ang mga nasa paligid ko. Hanggang sa may mabibigat na yabag ang papalapit sa akin.

"What happen?" Agad niyang tanong habang hawak ang magkabila kong braso.

"Sir Anton" saad ko at dali daling tumayo at hinarap siya.

"Kahit ano Sir Anton, kahit anong pabor. Gagawin ko. Kahit ano man ang gusto mo gagawin ko. Tulungan mo lang ako. Kailangan maoperahan ng mama ko. Sir Anton" saad ko sa kaniya at lumuhod sa harap niya at hinawakan ang mga kamay niya.

Nagmamakaawa na ako sa kaniya. Kahit siya naman ang naunang mag alok ng tulong sa akin. Pero alam kong imposibleng walang kapalit ang pag tulong niya.

Hinawakan niya ang mga braso ko at dahan dahan akong itinayo.

"Tell me, kung anong kaya mong gawin." Naktingin ng deretso ang mata ko habang lumuluha.

Ano nga ba ang kaya kong gawin para kapalit ng tulong na ibibigay niya.

"Everything, Sir. Kahit ano po"

Napatigil siya at pinagmasdan akong maigi, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko na nalaglag mula sa aking nakataling buhok.

Tila ang bawat galaw niya ay ineexamine ang kabuuan ko. Tila inaaral niya ang buong itsura ko.

"Resign" saad niya sa akin.

"Po?" agad kong tanong sa kaniya.

"Mag-resign ka na, ngayon na. Mag gawa ka ng resignation letter at ibigay mo sakin.ag resign kana"

"Paano po nakatulong ang pag reresign ko? Sir" hindi ko maiwasang mag taka sa sinabi niya. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"Kapalit ng pag tulong ko. Ay isang magandang trabaho..." Hinintay ko ang sunod niyang sasabihin sa akin.

"Be my girlfriend, always be with me. Kahit saan ako mag punta. And ---" huminto siya at muling hinawakan ang pisngi ko.

"Be my sex slave." Saad niya sa akin. Hindi ko alam kung anong eksaktong salita ang aking sasabihin. Ang alam ko lang ay tumango ako sa lahat ng sinabi niya.

******

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon