Matapos ang ilang araw ay muli kong naramdaman ang pag kirot ng dibdib ko. Hindi ko ito sinasabi kay Mama o kahit kay Tita. Ayoko na mag alala sila.
Si Ethan, after ng birthday ni Ashley ay hindi na siya nag paramdam. After nang lahat ay hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kaniya. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage ang cellphone niya.
"Anak, andito si Anton" narinig kong sabi ni Mama nang kumatok ito sa pinto.
Huminga muna ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili bago tuluyang lumabas at harapin siya.
"My Sunshine, lets go?" agad na nangunot ang noo ko sa tanong niya.
"Bakit saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.
"Sige na anak, sumama kana. Ako na ang bahala kay Ashley" napatingin ako kay mama na kasalukuyan na akong tinutulak palabas nang bahay.
"Hindi kasama ang anak natin? Bakit?"
"Wag na maraming tanong, Shine. Sige na sumama kana" sabi ni Mama at muli akong tinulak palabas. Nakita ko si Anton na pangiti ngiti lang at walang imik hbang pinagmamasdan kami ni Mama.
"Ikaw na bahala sa kaniya, mag-iingat kayo ah" sabi ni Mama kay Anton na nahinawakan pa sa balikat bago tuluyang sumakay sa sasakyan.
"Ako na ang bahala sayo" sabi ni Anton at kinabit ang seatbelt ko. Sabay hinalikan ako sa noo ko. Tinignan ko siya ng deretso nang magsimula na siyang mag maneho.
"Saan ba tayo pupunta? Medyo di okay ang pakiramdam ko ngayon eh"
"Alam ko. Kaya dadalhin kita sa dagat para makapag relax ka kahit konti. Babalik din tayo agad hindi tayo mag tatagal dun" natahimik ako sa sinabi niya. Ganun ba kahalata na hindi okay ang pakiramdam ko. Humarap pa ako sa salamin para tignan ang itsura ko.
"You look good, sabi lang ni Tita na lately parang panay daw ang paghilot mo sa dibdib mo. Nakikita ka raw niya. Shine, magsabi ka lang sakin kung nahihirapan kang huminga. Okay?" Sabi niya tsaka niya ako nilingon at binigyan ng isang ngiti.
"Okay, thankyou" sabi ko at pinaling ang ulo ko sa labas ng bintana at na gulat na lang ako binaba niya iyon at humampas sa mukha ko ang malakas na hangin.
"Baka mas gusto mo yung hangin sa labas kesa sa aircon eh" sabi niya sa akin. Nginitian ko lang siya at sumandal ng ayos binaba niya ng bahagya ang sandalan ng upuan ko. Mas naging komportable ang pwesto ko hanggang sa dalawin ako ng antok.
Naging banayad ang byahe na namin hanggang sa maramdaman ko na ang pag tapik niya sa balikat ko.
"We're here" sabi niya sa akin habang namumukat pa ang aking mata. Rinig na rinig ko ang paghampas ng alon mula sa dagat tila naging musika ito sa aking tenga.
"Hala, teka. Wala akong dalang damit" bigla kong sabi sa kaniya at napatawa naman siya sa naging reaksyon ko.
"Its a plan, Tita Sheila prepare everything for you. So, you dont need to worry. Okay?"
"Talaga? Hmm. Okay" sabi ko at agad na tumakbo papunta sa dalampasigan pero sa paghinto ko ay naramdaman ko ang biglang pagsikip ng dibdib ko. Napahinto ako at tumalikod sa gawi niya para hindi niya ako ganung mapansin.
"Are you okay?!" Sigaw niya dahil napaka lakas ng alon at hangin ay hindi mo basta maririnig ang boses niya.
Nilingon ko siya at tsaka tumango sa kaniya. Nginitian naman niya ako bilang sagot. Pero hindi nawawala ang mabilis na tibok ng puso ko at pasikip ng pasikip ang paghinga ko. Hindi ko alam paano ako kakalma pero ito ang unang beses na inatake ako nang ganito kalala.
"Anton!"
"Anton!!" Malakas na tawag ko sa kaniya at humarap ako sa kaniya na hawak kong ang dibdib ko na animoy ma pipigilan ko ang pag kabog niyon. Mabilis na tumakbo si Anton papalapit sa akin bago pa man ako tuluyang bumagsak ay nahawakan na niya ang kamay ko.
"Lets go" sabi niya at walang pag aalinlangan na binuhat niya ako tsaka tinakbo sa loob ng guest house.
Pag pasok namin sa loob ng kwarto ay may nakahanda na dung oxygen at niligay niya agad sa akin.
"Please, try to relax. Sabi ko sayo I plan everything. Nagpalagay talaga ako ng oxygen dito para incase na kailanganin mo. Dahil nung pinag paalam kita kay Tita ay yun ang bilin niya na wag kang magpagod ng sobra" pinakikinggan ko lang lahat ng sinasabi niya habang pinapakalma ang sarili ko.
"Matagal ko nang naranasan ang sunod sunod na pagkapos nang hangin o kaya ay pag kabog ng dibdib. Ilang buwan na siguro kung bibilangin ay may pitong buwan ko nang nararanasan ito"
"Wala ka bang gamot?" Tanong niya sa akin.
"Ilang linggo ko nang tinigil ang pag-inom" sabi ko sa kaniy at nilingon niya ako.
"Bakit? Anong gamot yun? Bibilhan kita" bakas agad sa mukha niya ang pag-aalala.
"Hindi na, tinigil ko na ang pag-inom. Wala namang nangyayari eh ganun pa din, mawawala lang saglit yung sakit tapos babalik. Mas okay na din to. Kasi nandito kana" sabi ko sa kaniya at inabot ang kamay niya. Tumabi naman siya sa akin at niyakap ako.
"Anton, mag stay muna tayo dito. Kahit ilang araw lang" tumango siya sa akin bilang sagot. Tapos nun ay nakatulog na ulit ako.
*****
BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomansaWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...