Chapter 38

36 0 0
                                    

Ilang linggo pa ang nagdaan at medyo nararamdaman ko na ang paghilab ng tyan ko. Kabuwanan ko na, araw na lang ang hinihintay ko.

Excited na akong makita si Ashley. Tama kayo babae ang anak ko. Ashley ang pinangalan ko sa kaniya para pareho sila ng simulang lettra ng pangalan ng tatay niya. Masayang masaya ako ngayon, inaayos ko ang mga maliliit niyang damit sa loob ng isang kabinet. Pati ang mga damit na dadalhin ko sa ospital.

Napalingon ako sa pintuan ng bigla itong bumukas. Pumasok dun si Ethan may dala dala siyang isang malaking kahon.

"Oh? Ano yan?" Tanong ko sa kaniya.

"A gift for my Baby" sabi niya at ngumiti ng malapad kahit na hinihingal hingal pa ito. Ganiyan siya lagi, laging 'for my baby' he really provide everything for Ashley, nung una ay ayaw ko talaga na sya ang gumagastos pero he really wants to give everything. Minsan nga eh napapaisip na lang ako na baka alam na ni Anton na may anak siya sa akin at ginagamit niya lang si Ethan to support me. Pero iyon pinaka malaking pagkakamali ko ang pagdudahan ang lahat ng ginawa niya para sa akin.

Unti unti ko nang narealize na walang Anton Manansala na involve sa actions niya dahil ilang beses na niya akong inalok ng kasal pero paulit ulit ko lang iyong tinatanggihan.

"Ano naman ngayon ang regalo mo sa anak ko?"

"A crib, she needed this" sabi niya habang abalang abala sa pag bubukas ng kahon.

"Kailangan mo ng tulong?"

"No, I just want you to stare at me while fixing this stuff"

"Stare at you? Haha" sabi ko at tinawanan siya. Ngumiti lamang sya bahang patuloy sa ginagawa niya.  Pero tama siya wala akong ibang nagawa kundi titigan siya.

Pakiramdam ko ako ang pinaka swerteng babae sa buong mundo dahil nandiyan siya. He really a father figure. Napaka swerte ng magiging anak niya at magiging asawa niya dahil napaka buti niyang tao.

It was a late midnight nang makaramdam ako ng pagsakit ng tyan ko. Agad kong ginising si Ethan na mahimbing na natutulog sa tabi ko .

"Ethan!" Sabi ko sa kaniya at agad na pinalo palo ang braso niya. Napahawak pa ako ng mahigpit na para iting pinipisil.

"Ouch, wait. What?!" Masungit niyang sabi sa akin.

"Manganganak na ata akooo!!" ? Malakas na sabi ko sa kaniya agad namang nagising ang diwa niya at inalalayan ako.

"Wait me here. Okay?" Sabi niya at tumango tango naman ako sa kaniya habang humihinga hinga para mapakalma ang sarili. Pagbalik niya sa loob ng kwarto ay kasama na niya si Mama at Tita Nerissa.

"Hold my hand, Shine. I'll guide you" agad kong hinawakan ang kamay niya at inalalayan akong makababa ng hagdan. Habang nakasunod naman sa amin sina Mama at dala dala ang mga gamit naming mag-ina.

"Tita, seat on the backseat and hold her. Thankyou. And Tita Nerissa you can take the passenger seat" tumango naman sila at agad na sumakay at mabilis na pinaandar ni Ethan ang sasakyan niya.

Pinagpapawisan na ako ng malamig habang nasa byahe at gusto ko na lang maiyak sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Maya maya pa ay huminto ang sasakyan at agad na may nakaabang na stretcher sa labas ng Emergency room. Pinahiga ako ng mga nurse at agad na pinasok sa delivery room.

After that, I don't exactly know what happened.

*****

Author's Note:

Hello! Its been a while. Medyo naging busy lang ako this past few weeks. Kaya ngayon lang ako nakapag-update. I hope you guys enjoy this one.

I love you all, keep on reading!

~RedHotSilly ❤️

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon