I already drank enough para magkaroon ng lakas ng loob na i-congratulate si Ethan and i greet ng Happy Birthday ang baby nila. Nagmadali pa akong pumunta ng mall para bumili ng dress hindi ko na nga tinignan kung magkano ang pwesyo basta ko na lang dinampot ang dress na tingin ko kasya sa bata.
When I saw that kid standing in her mini stage, I'm happy. I don't know why, I'm just happy seeing her enjoying her party. Siguro kasi pamangkin ko pa din yun.
"Anton, nakakarami kana" sabi bg kaibigan kong si Marco, palagi kaming pumupunta dito eh, isa pa sila ang ang may ari ng bar na to.
"Bro, hayaan mo na ako. Kakauwi ko lang o tapos nasurprise pa ako. Deserve ko ang mga alak mo dito. Namiss ko to" sabi ko sa kaniya at muling ininom ang alak na sinalin ko sa baso ko.
"Ethan, Pare! Kamusta?" Napalingon ako sa likuran ko nang banggitin ni Marco ang pangalan ng magaling kong pinsan.
"Bro, tapos na yung party?" Agad kong sabi sa kaniya. Inabot naman niya ang isang baso sa side at nag lagay din ng yelo at nagsalin ng alak.
"Btw, congrats. Hindi mo man lang ako ininvite sa kasal nyo. Ha haha" sabi ko at naramdaman ko na lang ang muling pangigilid ng mga luha ko. Matagal ko na itong tinanggap simula pa lang nang umalis ako. Pero di pala ganung kadali nawala yun. Akala ko okay na ako.
"Congrats, kasi kinasal ka sa babaeng mahal na mahal ko" sabi ko at muling tumulo ang luha ko. Muli kong ininom ang alak na sinalin ko sa baso ko at muli iyong sinalinan ng bago.
"Tama na, nakakarami kana" sabi sakin ni Ethan habang inaabot ang baso mula sa kamay ko.
"ANO BA?! BAKIT BA NAKIKIELAM KA?!" Malakas na sabi ko sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"GUSTO KONG UMINOM, GUSTO KONG MAGPAKALASING, GUSTO KONG BUMAGSAK NA LANG AT MAWALAN NG MALAY. Gusto kong maalis yung sakit dito" sabi ko sa kaniya sabay turo sa dibdib ko.
"Magpapaliwanag ako" sabi niya sakin habang inaalalayan ang balikat ko.
"Ano pa bang ipapaliwanag mo?! I already know" sabi ko habang patuloy na pumapatak ang luha sa nga mata ko.
"You don't anything!"
"Wag mo na akong pag mukhaing tanga, Ethan. Nasa sayo na nga siya di ba? Iwan mo ako dito. Unalis kana"
"Wala kang alam. Wala kang pang alam" sabi niya at pag tingin ko ay may pumatak na luha na din sa mga mata niya.
"Paano ko ipapaliwanag sayo, ayaw mong makinig"
"Hindi ko na kailangan ang paliwanag mo!" Sabi ko sa kaniya at hinawi ang kamay niyang nakaalalay sa akin.
"Kailangan mo ang paliwanag ko" sabi niya sakin at muling hinawakan ang balikat ko.
"PWEDE BA?? BITAWAN MO KO!!" sabi ko sa kaniya at malakas siyang tinulak.
Sinalubong niya ako ng isang malakas na suntok sa mukha kaya nag karoon ng dugo ang gilid ng labi ko.
"GAGO KA BA?!!!" Sabi ko sa kaniya at sinuntok siya pabalik. Natumba siya sa sahig at agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang kwelyo niya.
"Masaya ka na? Diba matagal mo na din siyang gusto? Ngayon na sayo na siya. Ano pa bang inilalapit mo sakin. Pinagyayabang mo ba na yung babaeng mahal ko napunta sayo?! Ha? Ganun ba?" pilit niyang inaalis ang kamay ko sa kwelyo niya.
Bigla niya akong sinuntok ng malaks sa mukha dahilan para mawalan ako ng balanse at makaalis ako sa ibabaw niya.
"EH IKAW PALA ANG GAGO EH!! HINDI MO KO PINAKIKINGGAN"
"WALA NA AKONG DAPAT MARINIG!!" sigaw ko pabalik sa kaniya.
"MERON!!!" napatigil ako sa malaks na sigaw niya at nilingon ko siya.
"SHE'S SICK!!! Anton, may sakit siya. At yung batang nasa party kanina!! ANAK MO SIYA!!" sabi niya sa akin at agad niyang hinampas ng malakas ang upuan na malapit sa kaniya.
Agad siyang lumapit sakit at kinuwelyuhan ako.
"I promised to her not to tell you. She was pregnant when you left. I insist to help her. Yeah, you're right I like her. That' s the reason why I stay with her. Ashley. Ashley is her name" sabi niya sakin at binitawan ako.
"I'm done." Sabi niya at mabilis na nilisan ang Bar na iyon. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin agad akong nanghina at natakpan ko na lang ang mukha ko at hindi na napigilan ang pag-iyak.
I'm such an asshole, hindi ko man lang nalaman. Wala ako nung kailangan niya ako. Napaka gago ko.
Patuloy akong umiyak sa sulok na iyon hanggang sa lapitan na lang ako ni Marco upang alalayan.
*****

BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomanceWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...