Shine's Point of View
Hindi na ako minessage ni Ethan after niya umalis kagabi. Sinubukan kong tawagan siya pero naka off ang phone niya.
"Mama, pwede po ba tayo mag mall ngayon?" napalingon ako sa anghel na nag salita sa tabi ko.
"Oo naman, tatawagan ko ulit ang Papa mo. Baka gusto niyang sumama" bago ko pa man madial ang number niya at may unknown number ang tumawag sa akin. Sinagot ko ito dahil baka nakitawag o gumamit ng ibang number si Ethan. Pero mas ikinabigla ko nang mabosesan ko ang lalaki sa kabilang linya.
[My Sunshine, I missed you] nang marinig ko ang boses niya at agad tumulo ang mga luha ko.
"Mama, si Papa po ba yan?" tanong ni Ashley at agad na kinuha ang telepono.
"Papa, hello. Papa ko" sabi niya at magiliw na binabati ang akala niyang si Ethan pero ang totoo ay kausap niya ang totoong papa niya.
Nilapitan ko siya at niloud speaker ko pa ang tawag na iyon. Hindi ko alamkung bakit hindi ko magawang ibaba ang tawag na yun.
[Anak?] Sabi ni anton sa kabilang linya. Pinagmasdan ko ang anak ko na tila naninibago dahil hindi naman boses ni Ethan ang naririnig niya.
[Anak, si daddy to. Yung totoo mong daddy] ani niya. Mababakasan mo ang panginginig ng boses niya.
"Anak, aki--"
"Papa, punta tayo sa mall" nagulat ako nang biglang tumugon ang anak ko.
[Talaga? Sige, punta tayo ngayon ah. Hintayin kita]
"Sige po, Papa" sabi ng anak ko at agad na tumakbo paalis. Hindi siya naka ngiti o nagtanong kung sino ba ang kausap niya. Bigla na lang siyang umalis at hindi na rin ako nilingon.
[Sunshine?]
"A-anton?" Pumatak ang luha ko nang banggitin ko muli ang pangalan niya.
[Okay lang ba sayo? Magkita tayo. Hayaan mo akong bumawi]
"Sige, ipakikilala ko ang anak ko sayo. Pero wag mo sana siyang bibiglain"
[Salamat, itetext kita ulit ha. Thankyou] sabi niya at pinatay ko na agad ang tawag.
Pinuntahan ko ang anak ko sa kwarto niya, pag pasok ko ay busy siyang naglalaro ng mga manika niya.
"Anak?" nilingon niya ako tsaka sumagot.
"Mama"
"Anak, yung kausap mo kanina"
"Sabi niya po totoong daddy ko po siya" sabi niya sa akin. Nung mag limang taon siya ay sinasabi ko na agad sa kaniya na si Ethan ay hindi niya totoong Papa. Pero gusto niya pa din na papa lagi ang tawag niya dito. Kaya nasanay na lang siya pero palagi ko siyang nireremind. At pinakita ko rin sa kaniya ang nag iisa naming picture ni Anton sa cellphone ko.
"Anak, sabihin mo lang kay Mama kung ayaw mo tumuloy, sabihin na lang natin sa kaniya" mahinahon kong kinausap ang anak ko.
"Okay lang po ako, Mama. Gusto ko din po siya makita at makilala. Para dalawa na po ang Papa ko" sabi niya at binigyan ako ng malaking ngiti.
Iniwan ko siyang mag-isa sa kwatro niya at paglabas ko ay nakita ko si Mama sa labas ng pinto.
"Narinig ko. Bumalik na siya?" Natigilan ako sa tanong niya. Muling nagbadya ang mga luha ko.
"Deserve naman ng anak ko na makilala ang tatay niya diba? Lalo na ngayon, Ma na lumalala na yung sakit ko, hindi natin alam anytime soon baka wala na ako. Diba?" Sabi ko sa kaniya.
"Ano bang sinasabi mo, makakasama ka pa nang anak ko nang matagal"
"Ma naman eh, alam ko na kung saan ang punta ko. Gusto ko lang na habang nandito ako eh makita ko pang magkasama at magkasundo ang mag-ama ko. Hinintay ko siyang bumalik. Kahit pa sabihin niya na may sarili na siyang pamilya. Handa ako dun Ma. Handang handa na ako dun" sabi ko habang patuloy na pumapatak ang luha sa mata ko.
Niyakap ako ni Mama at hinaplos ang likod ko na para bang pinapakalma niya ako.
*****
BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomanceWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...