Inayos ko ang resignation letter na hinihingi sa akin ni Sir Anton.
"Bakit bigla ka naman mag reresign?" Tanong ni Lara sa akin. Hindi ko namn pwedeng sabibin na utos yun ni Sir Anton. Kaya nag isip na lang ako ng ibang dahilan.
"Wala kasing mag-aalaga sa Mama ko eh"
"Ganun ba? Sabagay Family first. Pagaling kamo siya ah" saad niya sa akin. Nag paalam naman ako sa kaniya at pumasok na sa loob ng opisina ni Sir Anton.
"Good Morning! Sir Anton. Eto na po ang resignation letter ko" saad ko at nilapag ang isang sobre sa lamesa niya.
"Stop calling me Sir. Stupid. Boyfriend mo na ako. Don't you remember?" oo tama nakalimutan ko nga ata na yun ang kasunduan namin. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil pumayag ako.
"Anton" pag banggit ko sa pangalan niya. Tumayo sya t nag punta sa harapan ko at sumandal sa table niya.
"Come closer" saad niya at lumapit naman ako sa kaniya.
Ginawaran niya ako ng halik sa labi banayad lang yun at sandali. Marunong ako humalik hindi naman si Anton ang unang lalaki sa buhay ko sumubok din ako noo at gaya ng tatay ko ganun din ginawa nila sa akin. Iniwan.
"I like the sound when you call me by my name. Sunshine" saad niya sa akin na tila binubulong ang mga iyon sa tenga ko. Napaatras ako at napahawak sa binulungan niya. Gusto ko ding sabihin na parang gumanda ang pangalan ko pag sinasabi niya. Hindi yung puro stupid diba. Mukha ba akong tanga palagi.
"Saan ako ngayon pupunta. Alam ni Mama nasa trabaho ako" umawang ang labi niya at nag pakawala ng ngiti sa labi.
Muli siyang bumalik sa table niya at may kinuha sa drawer.
"Go to this address and take a rest. Here is my key. I'll be home by 3 pm. Okay" saad niya muli at hinalikan ako sa labi.
Pag bitaw niya at tinago ko na sa bag ko ang susi na ibinigay niya. Nagpaalam na ako at tumalikod sa kaniya.
Di pa man ako nkakalayo ay nag ring ang telepono ko.
Unknown Number.
Napaligom ako sa kaniya at deretso lang ang tingin sa akin habang nkatapat sa tenga ang cellphone niya.
Sinagot ko ang tawag at pinakinggan ang nasa kabilang linya. Humarap ako sa kniya at tinignan din siya.
"Save my number, shine. Call me anytime you want" saad niya mula sa kabilang linya at tsaka binaba ang tawag at umikot na ulit siya at naupo sa kaniyang office chair.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad palabas ng building na iyon at tinignan ang address sa maliit na papel n binigay niya.
Sumakay ako ng Taxi at sinabi ang address dito. Tahimik ako buong byahe at pag tingin ko sa hinintuang luga. Isa din itong building na napakataas.
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor number na nakalagay sa papel pag dating ko ay hinanap ko ang numero ng pintuan.
Ah dito din ako nagising nung nalasing ako. Ito yun naalala ko.
Umupo ako sa sofa at sumandal ngayon ko lamang mapagmamasdan ang tinutuluyan niya. Malinis at napaka organisado ng mga gamit sa loob. Tila maiisip mo na babae ang nakatira at hindi lalaki.
Nakita ko ang ilang picture frame na nakapatong sa isang maliit na na box. Meron silang larawan nung babaeng nakita ko nung nakaraan. Pati picture ng mommy niya..
Wala akong ibang nakita kundi ang masayang larawan ni Anton at bung babae.
Dahil wala akong ibang magawa ay pinaghanda ko na lang siya ng pag kain.
******

BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomanceWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...