Chapter 15

52 2 0
                                    

Ilang araw matapos ang pamamalagi ko sa ospital para bantayan si Mama ay muli na akong nakabalik sa trabaho.

Agad akong umakyat sa floor kung saan ang opisina ni Sir Anton. Kumatok ako ng tatlong beses at pinag buksan ako Ms. Lara.

"Kamusta ang Mama mo? Shine" nagtaka naman ako pero nawala din iyon, siguro ay ipinagbigay alam ni Sir Anton ang nangyari sa Mama ko kaya hindi na rin sila nag tanong kung bakit matagal akong wala sa trabaho.

"Okay naman siya sa ngayon" yun na lang ang sabi ko sa kaniya at nag paalam na din siya na may aayusin pa sa conference room.

Kumatok ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina si Sir Anton.

"Good Morning, Sir" simpleng bati ko at agad na nagderetso sa Cleaning storage para kunin ang mga walis.

"How's your Mom? Hindi na ako nakabalik dumami bigla ang meetings ko. Is she still at the hospital?" Magkakasunod niyang tanong. Napatingin na lang ako sa kaniya na may halong pag tataka.

"Ahm, okay naman siya Sir. Wag kayong mag alala okay lang po kung hindi kayo naka dalaw, salamat nga po pala nung tinulungan nyo po ako nung malasing ako" sabi ko habang panay ang walis sa malinis na sahig.

Hindi naman kasi nagdudumi ang opisina niya pero kailangan linisin.

"Good to hear. After mo dyan maupo ka dito sa vacant seat. I have something to tell you" tumango tango na lang ako bilang sagot sa kaniya.

Bago pa man ako tuluyang makaupo ay may tumawag sa telepono niya kaya hindi agad ako nakaupo sa upuan na inaalok niya.

"Okay, I'll be there by 1pm"

"Tell Lola, pupunta ako. Okay!"

"Hindi pupunta si Celine. I'll hang up"

Pagkatapos niyng sagutin ang mga sinasabi ng nasa kabilang linya ay muli siyang bumalik sa table niya.

"Bakit nakatayo ka pa din? Stupid"  napalunok na lang ako at dali daling umupo sa upuan na nasa harap ng table niya.

"How much money do you need?" nakayuko niyang tanong. Hindi agad ako sumagot at tinignan pa muna ang paligid niya dahil baka may kausap sya sa telepono at sa muling pag tingin ko aa kaniya ay nakatingin na siya sa akin.

"What are you doing?"

"Nothing Sir" napaupo alo ulit ng maayos sa kinauupuan ko.

"Gaano kalaking pera ang kailangan mo para mapagamot ang nanay mo?" Natulala ako sa tanong niya. Hindi ko alam kunv anong isasagot ko saa kaniya. Sigurado ako na malaki ang kakailanganin ko para magkaroon ng regular Chemo si Mama.

"Anong kapalit nito sir?" hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Pero kung ano mang kapalit ay tatanggapin ko. Kahit pa mag linis ako hanggang sa pag tanda ko kahit walang sweldo ay tatanggapin ko.

"I will tell you soon. Just tell me, kung kelan kailangan mo ng pera" mas namuo ang kahihiyan ko sa katawan.

"Go back to your work, Stupid. And please Go back to your sense" sabi niya at lumabas ng kaniyang opisina. Pero bago siya tuluyang makalabas ay may sumalubong sa kaniyang isang magandang babae.

'sya yung babaeng nagpunta dito nung nakaraan' saad ng sarili kong isipan.

"Celine"

******

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon