Chapter 8

56 3 0
                                    

Anton's Point of View

"You, stop. And leave my office" saad ko sa babaeng kasama ko ngayon. Hindi ko nga maalala ang pangalan niya.

"But babe --"

"Tatawagan na lang ulit kita. Get out!" May diin kong sabi dito. Agad naman niyang inayos ang suot niyang dress pati ang buhok niya bago tuluyang umalis. Pag bukas niya ng pinto ay nakita ko sa siwang ang babaeng nag hihintay sa labas.

Agad kong inayos ang sarili ko at sumunod na rin sa may pinto.

"She's here. Sunshine is here" ani ko sa sarili ko bago tuluyang binuksan ang pinto. Pinanatili kong seryoso ang mukha ko.

"Come in!" lundag balikat pa niya akong nilingon ng marinig ang boses ko. Pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko siya at hinintay na makapasok.

Bago siya tuluyang pumasok ay nakaupo na ako agad sa office chair ko. Maya maya ay nakita ko na ang kakaiba niyang ganda. Oo, inaamin ko naman na unang beses ko pa lang siyang nakita ay nagandahan na ako sa kaniya. Kahit tanga at hindi marunong tumingin sa dinadaanan niya ay maganda siya.

"Did you see anyting?!" Seryoso kong tanong sa kaniya.

"Yes Sir"

"You what?!"

"I mean, No Sir" natataranda niyang bawi sa kaniyang sinabi.

Lumapit ako sa kaniya na deretso ang tingin sa mga mata niya. Wala siyang ibang ginawa kundi labanan ang titig ko at humakbang paatras hanggang sa  napaatras siya sa may pader. 'wala kanang kawala' agad kong iniharang ang bisig ko sa gilid niya upang tuluyan na siyang hindi makaalis.

"Nakita mo?! Huh?" ramdam ko ang kaba at takot niya pero nanatili pa din siyang deretso na tila di siya natatakot sa akin.

"Wala po sir, hindi ko po nakita" pag tatanggi niya. Alam kong may nakita siya, nakita ko siyang nakatingin sa amin. Pero dahil yun ang sinabi niya ay hahayaan ko na lang.

"Mabuti kung ganun"

"Dito daw po ako mag lilinis ngayon" saad niya habang nakatingin sa akin.

"Yun, sa gilid na yun ay may naliit na storage. Ang Cleaning Storage. Gusto ko ay ang lahat ng gagamiting panglinis ay exclusive lang dito sa loob ng opisina ko. And you are not cleaning just today. You will be my personal Janitress" sabi ko sa kaniya na may ngisi sa labi. Ramdam ko ang pagkainis niya sa mga narinig niya.

Sunshine's Point of View

Ay permanent, sa opisina ng mokong na to. Kung hindi ko lang siya boss ay isasagawa ko na ang plano kong batukan o sapakin siya para naman makabawi ako sa pangbibintang niya na kasalanan ko. Pero dahil natanggap na din naman ako ay hindi ko na para sirain pa ang reputasyon ko.

"Start cleaning now. Miss Sunshine"

"Sir, Shine lang po. Shine" agad kong sabi sa kaniya at pinakita pa ang name plate na nakakabit sa damit ko.

"Whatever! Ayusin mo ang trabaho mo" saad niya at muling umupo sa upuan niya at abala na sa pag pirma pirma ng mga dokumento.

'busy busyhan, kala mo walang ginagawang milagro kanina' ani ko sa isip habang inaayos ang mga mop at nilalagyan iyon ng mga cleaning ditergent.

"Put the right amount of ditergent, masyadong masakit sa ilong!" Agad niyang pag puna sa ginagawa ko. Tinapon ko ang kaunting tubig na may sabon tsaka dinagdagan ng tubig para mabawasan ang sobrang amoy. Kinuha ko muna ang walis tambo at ang duskpan para magwalis walis sa bawat paligid.

'bakit kaya kumuha pa to ng taga linis eh mukhang di naman nagdudumi ang opisina niya'

Tapos nun ay kinuha ko na ang mop at sinimulang pasadahan ang sahig. Sa laki ng opisina niya ay kinakailangan ko pang hilahin ang baldeng pinag lalagayan ko. Nang malapit na ako sa table niya ay bigla akong natapilok.

"Ahhhhh" sabi ko at napapikit. Hinintay ko ang pagbagsak ko sa sahig ngunit isang mainit na bisig ang naramadaman ko at sa pag mulat ng aking mata ay ang maganda niyang mga mata ang bumungad sa akin.

"Anghel ka ba na ibinaba sa lupa at binigay sa akin?"

*****

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon