Chapter 46

41 1 0
                                    

Nandito na kami sa Mall at kasalukuyang nanglilibot si Ashley sa loob ng Toy Store habang ako ay tahimik na tinitignan siya sa malayo at hinihintay ang pag dating ni Anton.

Halo halo ang nararamdaman ko, masaya, natatakot, excited na makita syang muli.

Masaya kasi gusto niyang makita kami at makilala apng anak niya.
Natatakot na baka mag-iba ang timpla ni Ashley o baka hindi tanggapin ng anak ko ang mga mangyayari.
Excited ako dahil makalipas ang pitong taon ay makikita ko ulit ang nag-iisang lalaking minahal ko.

"Sunshine" mahinahong tawag sa akin nang lalaking matagal ko nang hinihintay.

Nilingon ko siya at deretsong tingin niya lang sa akin. Mabilis siyang lumapit at hinawakan ang balikat ko

"Pwede ba kitang yakapin?" Sabi niya habang nakatingin ang kaniyang mga matang nangungusap.

Tumango ako sa kaniya. At nang sakupin ako nang kaniyang nga bisig ay dun na nagsimukang tumulo ulit ng mga luhang pinipigilan kong pumatak.

"Mama!" agad akong kumalas ng yakap sa kaniya at pinunasan ang luha sa akin mga mata tsaka nilingon si Ashley na ngayon ay may bitbit nang laruan.

"Anak, halika dito" bumaba ako upang matapat ko ang taas niya at tsaka hinawi ang mga ilang piraso nang buhok na humaharang sa mukha niya at sinipit ito sa kaniyang tenga.

"Anak ko, ito si Anton. Daddy Anton" huminto ako sandali at nilingon ko si Anton na nakatingin lang sa amin. Maya maya ay bumaba na din siya para matapatan ang taas ni Ashley.

"Anak, siya ang totoo mong Papa" ngumuti ako sa kaniya at tumatango ako para sabihin na okay lang yan. Na hindi niya kailangang magmadaling tanggapin ang lahat.

"Ashley, napaka gandang pangalan. Napakagandang bata. Mana ka talaga sa Mommy mo" sabi ni Anton habang hinahawakan ang kamay nang anak ko.

Ikinabigla ko ang biglang pag-alis ni Ashley sa pag kakahawak sa kamay niya. Miski isang ngiti ay hindi ko nakita sa kaniya. Hahawakan ko sana ang kamay niya para lumayo na kay Anton pero mas ikinabigla ko ang pagyakap niya dito.

Nagsimulang umiyak si Ashley habang nakayakap sa Ama. Marahang tinanggap ni Anton ang yakap ng bata. Kinarga niya ito at tumayo.

"Andito na si Daddy, sorry anak ah. Wala ako habang lumalaki ka." Hindi ko na rin napigilan ang umiyak sa nga salitang naririnig ko.

"Tahan na, anak ko" sabi ko kay Ashley habang tinitignan siya na nakasubsob sa balikat ng Ama.

"Let's buy more toys?" Sabi ni Anton nang tignan siya ng Anak at tumango naman ito.

"Let's Go?" Tanong niya dito at ibinaba na.

Kitang kita ko ang kamay ni Ashley na tila ayaw nang bumitaw sa kapit ng Ama. Pero bigla akong napahinto habang pinagmamasdan sila.

Paano na lang ang Anak ko, pag nalaman niyang may sariling pamilya na ang Daddy niya. Bakit hindi ko agad naisip na may ibang pamilya na siya bago ko ipakilala sa anak ko.

"Mama! Look oh, ang ganda ng toys ko" sabi ni Ashley habang tinataas ang isang magandang manika na hawak niya.

Tsaka ko na lang iisipin ang ibang bagay. Ang maghalaga sa ngayon ay masaya ang Anak ko.

Ilang minuto pa ang tinagal namin sa loob ng Toy Store dahil kulang na lang ay bilin na lahat ni Anton ang lahat ng klase nang laruan.

"Tama na yan, baka ma spoiled mo na ang Anak ko" sabi ko sa kaniya nang pigilan na siya sa pag pili nang iba pa.

"Paano ba yan, Baby? Ayaw na ni Mommy mo na bumili pa tayo ng madami"

"Okay lang po yun, sabi po ni Mommy hindi naman kailangan ng madami. Kasi isa lang naman po ako" napatawa naman si Anton sa sinabi ng bata sa kaniya. Agad siyang nagbayad at tinulungan ko naman siyng bitbitin ang ilan dun. Habang nakakapit sa kaniya ang Anak ko.

"Saan mo gusto kumain?"

"Sa madaming chicken, favorite ko po kasi yun e" sabi ni Ashley at tuwang tuwa habang nag lalakad

Pagkarating namin dun ay agad na umorder si Anton nang Chicken at ibang meal para makakain na kami.

"Mama, hindi na ako lolokohin ng kaklase ko. Kasi sabi nila wala daw akong daddy. Ngayon meron na dalawa pa ang daddy ko" agad nangunot ang noo ko sa narinig ko.

"Niloloko ka nang mga kaklase mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Kasi Mama alam kong magagalit ka e. Okay lang po yun Mama kasi ngayon meron na akong daddy" sabi ni Ashley habang tinuturo si Anton na abala sa pag order sa counter.

"Sa susunod, mag sasabi ka na sa akin kapag may mga nang bubully sayo ah" tumango lang siya sa akin at maya maya pa ay nakabalik na si Anton dala ang mga pagkain na gusto ni Ashley.

"Wowww!, Ang dami po. Yeheyyy!" Masayang masaya ang anak ko na magsimulang kumain pero gaya nang nakagawian naming mag-ina ay nagsimula a siyang mag dasal.

"Daddy, tikman mo" nabigla ako nang bigla niyang tawaging Daddy si Anton at miski si Anton ay nagulat din.

"Ulitin mo nga? Tawagin mo ulit ako. Hindi ko narinig eh"

"Hihihihi, si Daddy nabibingi Mama" sabi ni Ashley habang may makulit na hagikhik.

"Kumain kana lang, Anton. Sige na. Aasarin ka lang niyan" sabi ko sa kaniya at nilagyan nang pagkain ang plato niya. Nagsimula na ding kumain si Ashley.

*****

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon