Chapter 50

77 2 0
                                        

Anton's Point of View

Matapos ang ilang buwan. Ay mas lalong lumala ang sakit ni Sunshine. Nagstay na lang siya sa bahay kasama ang family niya, ako at ang anak namin. Dito muna ako nag stay sa kanila dahil gusto ko siyang maalagaan at makasama palagi.

Pinoprovide ko lahat ng needs niya, medicine, medical expenses lahat lahat pero wala kong hinihinging kapalit kundi ang gumaling siya.

Alam kong lumalaban siya. Iniinom naman niya ang mga gamot na nirereseta sa kanya ng doctors niya. Kaya alam kong may pag-asa pa.

"Anton!" mabilis akong napalingon kay Tita Sheila nang tawagin niya ako.

"Si Shine, hindi makahinga. Halika tulungan mo ako" sabi niya sa akin at agad naman akong tumakbo papunta sa kwarto niya.

Nakita ko siyang nakakapit sa side table ng kama habang hinahaplos ng anak ko sa likod ang kaniyang ina.

Agad akong lumapit sa kanila at kinabit ko kaagad kay Shine ang oxygen niya. Tsaka diya pinahiga ng ayos sa kama.

"Did you already take your medicine?" Tanong ko sa kaniya habang punong puno nang pag-aalala ang boses ko. Hindi ko maiwasang hindi maipakita ang labis kong pag-aalala sa kaniya. Tumango naman siya sa akin.

"Wait, check natin ang pulse rate mo" sabi ko sa kaniya at tumayo pero napahinto ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napalingon naman ako sa pinto nang lumabas si Tita Sheila at Ashley tsaka tuluyang sinara ang pinto na tila binibigyan kami ng privacy ni Sunshine para makapag-usap. Nilingon ko si Shine na mahigpit pa din ang kapit sa kamay ko.

"Love, saglit lang yun. Kukunin ko lang" umiling siya at hinihila ako bilang sensyas niya para umupo ako.

Sinunod ko ang gusto niya. Umupo ako muli sa tabi niya hindi niya parin binibitawan ang mga kamay ko.

"May aaminin ako sayo" sabi niya tapos ay marahan siyang bumangon para mapasandal ng ayos sa upuan.

"Ano yun? Tell me. What is it?" tahimik siya sandali na tila humuhugot ng lakas ng loob.

"Hindi na ako umiinom ng gamot"

"Ano?!" Napabigla kong sabi sa kaniya at napatayo.

"Bakit?! Ayaw mo na ba gumaling? Ha?!" nagsimulang tumulo ang mga luha sa mga mata ko at ganun din siya. Biglang bumigat ang pakiramdam ko nang marinig kong hindi niya iniinom ang mga gamot niya.

"Kampante na kasi ako *crying* na nandyan kana. *inhale* may mag aalaga na sa anak ko. *sob* naging handa na ako. Wag na natin ipilit pa *inhale* tandaan mo Anton na mahal na mahal na mahal kita *sob* " hindi ko na napigilang umiyak habang tinutignan siyang nahihirapan habang nagsasalita.

"Please, love. One last try. Ha?" sabi ko habang patuloy na umiiyak.

"Labas tayo bukas, gusto kong makita ang totoong sunshine *inhale* gusto kong makita ang pag angat ng araw bukas. Pwede mo ba akong pagbigyan?" tanong niya sa akin habang hinahawakan ang mga kamay ko.

Marahan aong tumango sa kaniya bilang pagsang-ayon sa hiling niya. Ilang sandali pa ang nagdaan ay unti unti siyang nakatulog. Hinayaan ko lang na nakakabit ang oxygen sa kaniya para makahinga.

At sa pag lalim ng gabi ay hindi ko siya hinayaan na mag-isa sa kwarto. Hinayaan ko lang siya magpahinga.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para ayusin ang hinanda kong mga gamit. Alas kwatro na ng madaling araw maya maya ay gigising ko na siya para makaalis na kami

"Sunshine" tapik ko sa kaniya kasabay ang mahinang pag tawag sa kaniya dahil baka magising si Ashley. Iminulat niya ang mga nanghihina niyang mga mata na deretsong tumingin sa akin.

"Let's go. Malapit na mag sunrise" sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya at tumango sa akin tsaka ko siya inalalayan para maka bangon.

Hinayaan ko muna siya saglit na nakaupo dahil plano kong dalhin ang oxygen niya pero pinigilan niya ako.

"Hindi na natin kailangan niyan" sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Tara na, baka maabutan tayo ng pagsikat ng araw" tumango ako sa kaniya at inalalayan siyang tumayo.

Paglabas namin ay agad kaming pumasok sa loob ng sasakyan at agad na nagmaneho. May malapit na place dito ang kitang kita ang sikat ng araw.

"Hindi ito kasing ganda ng ibang lugar na pwede nating puntahan pero ito lang ang nakita kong malapit na kitang kita ang sikat ng araw" tumango lang siya sa akin at ngumuti kita ko ang pagod at hirap niya sa mga oras na yun. Ang sakit sakin, gusto kong umiyak pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko.

Matapos kong ilatag ang sapin na aming uupuan ay inalalayan ko na siya para tumabi sa akin. Pinulupot ko ang akin braso payakap sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya.

"Anton?" Sabi niya habang deretsong nakatingin sa unti unting nagliliwanag na langit.

"Mmm?" tanging tugon ko habang hinihimas ang mga kamay niya na banayad na nakalapat sa aking hita.

"Mahal na mahal kita" agad na tumulo ang luha ko nang marinig ang mga salitang iyong mula sa kaniya.

"Naalala ko pa nung natapunan mo ako ng juice kasi nabangga mo ko. Galit na galit ka sakin nun. Tapos nag apply ako sa kumpanya nyo kahit na sumagi sa isip kong makikita kita araw araw kubg sakaling matanggap ako. Nagulat ako nung isa ka pala sa mga mag iinterview saakin" pagkukuwento niya at muling bumalik sa mga alaala ko ang lahat.

"Hanggang sa nagkaroon tayo nang kakaibang relasyon. Nung una pumayag ako para lang talaga kay Mama pero habang tumatagal, pumapayag ako kasi gusto ko. Mahal na pala kita" patuloy lang sa pag patak ang mga luha ko habang pinakikinggan siya.

Marahan niyang inangat ang kaliwang kamay niya at ipinatong sa kanang balikat ko na para bang niyayakap niya ako.

"Alam mo bang ilang beses akong inayang magpakasal ni Ethan. Pero palanging hindi ang sagot ko sa kaniya"

"Bakit naman, inaalagaan ka niya nung panahong wala ako"

"Isa lang din ang sagot ko sayo. At yun ay mahal na mahal kita" sabi niya at mas lalong inihilig ang kaniyang ulo sa aking balikat tila nasilaw sa sikat nang araw.

"Anton.... Natatakot ako. Natatakot ako na masaktan kita. Natatakot ako na iwanan ang anak ko. Pinaghandaan ko na ito pero natatakot ako" panandalian siyang tunahimik at hinawakan ko ang braso niya.

"Don't be scared. Embrace me, Sunshine" pagkasabi ko sa kaniya nun ay mas lalo niyang iniyakap sakin ang mga bisog niya at ang mukha niya ay nakaharap na sa leeg ko na para bang hinahalikan niya ito. At sa pagkakataong humigpit ang yakap niya ay ganun din kabilis lumuwag at unti unti nang nawalan ng lakad ang mga kamay niya.

Sa puntong pabagsak na ito ay agad kong sinalo at hinalikan ang likuran nang kaniyang mga palad.

"Mahal na mahal din kita, My Sunshine" kasabay nun ang dere deretsong patak ng mga luha ko.

*****

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon