Ethan's Point of View
I saw Anton standing outside. Alam kong narinig niya ang mga hindi dapat niyang marinig. Alam kong nakita niya ang mga hindi niya dapat makita. Hindi ko pinaalam kay Sunshine na dumating si Anton dito at nakita niya si Ashley dahil panigurado mag-aalala lang iyon dahil ayaw niyang makita ni Anton si Ashley.
"Papa, thankyou po talaga sa gift ang ganda ganda po"
"You're welcome, Baby" sabi ko dito at hinawakan pa ang buhok niya at hinalikan siya sa noo.
May takot sa puso na baka huling pagkakataon ko na to para maging tatay sa kaniya dahil anumang oras eh maaaring bumalik na at mag pakilala ang totoong tatay niya.
May parte sa akin na gusto kong ayain ulit si Shine na mag pakasal at ilalis sila sa pilipinas pero kaya ng ilang beses kong pag subok na tanungin siya ay hindi napalitan ang sagot niya.
Kahit alam ni Shine na may pamilya na si Anton sa New York, alam kong siya pa din ang pipiliin niya sa aming dalawa. Kahit ako na yung palaging nandito, ako yung palagi niyang kasama. Pero yung pinili niya araw araw ay yung taong hindi siya pinaglaban.
Nasasaktan ako, hindi dahil hindi ako ang pinili niya. Nasasaktan ako dahil hanggang ngayon ay umaasa pa din siya na may pag-asa pa kahit hindi niya totoong aminin.
"Ethan!" tawag sakin ni Sunshine na hindi ko man lamang namalayan na nasa harapan ko na pala siya
"Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin na may pag-aalala sa mata niya. Hinawakan pa niya ang noo ko para matignan kung masama ba talaga ang pakiramdam ko.
Hinawakan ko ang kamay niya na naka hawak sa noo ko at inilagay iyon sa pisngi ko.
"I'm okay. You don't need to worry. hmm" sabi ko at hinalikan ang likodan ng kamay niya. Tsaka hinawakan yun at sinabayan siyang mag lakad papasok sa loib ng bahay.
Maagang natapos ang party ni Ashley, at masayang masaya yung bata na buksan ang mga regalo niya.
"Anak! Shine" napalingon kami kay Tita na nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.
"Bakit, Ma? Anong nangyari?" Baka agad ang pag-aalala niya.
"Wala naman, anak. Eto kasi oh, nakita ko sa may gate. Wala naman nakalagay kung kanino galing eh" abot ni Tita Sheila sa amin. Isang paper bag na may lamabg regalo sa loob. Gaya ng sabi ni Tita ay walang pangalan kung kanino mismo galing.
"Ako na mag bubukas nito, hindi natin alam kung ano mismo ang laman nito" sabi ko sa kanila. Lumapit naman ang bata sa kaniyang ina na parang naiintindihan niya kung delikado ba o hindi ang regalo.
Dahan dahan kong inalis ang gift wrap ng regalo na iyon at pag bukas ko ay isang plain na kahon ang laman. Pag bukas ko ng kahon ay isang magandang pink dress ang laman nun. At kung titignan ay isa itong mahal na dress na inilagay lang sa simpleng lalagyan.
"Kanino galing? Wala bang kahit na anong letter man lang o card?" Tanong ni Shine sa akin
"Wala eh" pero may kutob ako kung kanino galing ang regalong iyon. Dahil nung umalis siya ay wala namang naiwan dun ang naiisip ko ay baka bumalik siya para iwan lang ang regalo na iyon
"Wow, Mama ang ganda. Pwede ko po bang isuot yung dress?" Tumango na lang si Shine sa kakulitan ng kaniyang anak. Kaya agad naman lumapit si Ashley sakin para kunin ang dress at tsaka lumapit sa Lola Sheila niya.
"Napaka ganda ng Apo ko oh" sabi ni Tita Sheila habang inaayos ang ribbon ng damit na sinunot ni Ashley.
"Mama, princess na ako" sabi niya habang umiikot ikot pa na parang prinsesa.
"Ang ganda ng anak ko"
"Mana sa nanay" sabi ko na may ngiti sa labi. Totoo naman kasi napakaganda niya.
Napahinto ako nang tumunog ang cellphone ko at nakita ang message dun.
"Congratulations and Happy Birthday to your little kiddo!" napalingon ako kay Shine na busy pa din sa pag-aliw sa kaniyang anak.
"May problema ba? Ethan?" Napalingon ako sa kaniya nang marinig ko ang tanong niya at agad na tinago ang cellphone ko sa bulsa.
"Wala, kailangan ko na umalis"
"Aalis kana agad? Papa?" tanong ni Ashley sa akin kaya naman nilapitan ko siya at hinaplos ang ulo niya.
"Babalik si Papa. May kailangan lang ako asikasuhin" sabi ko sa kaniya at hinalikan ang noo niya. Tsaka nag paalam sa buong pamilya niya at tuluyang umalis.
"Let's Talk, Bro" sagot ko sa mesahe niya sa akin. At pinuntahan siya sa bahay nila.
*****
![](https://img.wattpad.com/cover/304624301-288-k504498.jpg)
BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
Roman d'amourWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...