Nagsalo kami sa isang masarap na gabi, kagabi. Ilang araw na matapos makauwi ni Mama pero kina Tita Nerissa siya tumuloy kaya nmn mag-isa lang ako aa bahay namin ni Mama o minsan ay dito ako umuuwi kay Anton.
Kadalasan pag umuuwi ako dito ay may nangyayari sa amin ni Anton. Minsan ay mas gusto kong umuwi dito dahil naalis niya ang pagod ko. Kahit na nasa isang kumpanya lang kami.
Nauna akong nagising sa kaniya. Pinaglaruan ko ang buhok niya habang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Tumagilid siya paharap sa akin. Muli niya akong niyakap kahit ang mga mata ay nanatiling nalapikit.
"Good Morning" mahinang sabi ko habang patuloy na nilalaro ang buhok niya. Ang mukha niya ay nakasubsob sa hubad kong katawan.
"Hmmm" mahinang ungot niya habang lalong sinisiksik ang katawan sa akin.
Napangiti na lang ako hinaplos ang mukha niya. Inayos ko ang pagkakasandal ko sa headboard. Hindi na ako nag abalang takpan pa ang katawan ko. Tanging ang ibabang parte ng katawan ko n lng ang siyang naktago sa loob ng kumot.
Maya maya pa ay naramdaman ko na ang pag galaw niya at unti unting inangat ang ulo para tignan ako sa mukha.
"Good Morning, My Sunshine" saad niya habang namumungay pa ang mga mata at ginawaran ako ng magandang ngiti sa labi.
Hindi ko alam kung bakit pero napangiti na lang ako ng marinig ko ang buong pangalan ko mula sa kaniya, parang sa muling pagkakataon ay ang sarap pakinggan ng pangalan ko. Parang ayaw ko mag reklamo.
Pero saglit lang din ang tuwang naramdaman ko dahil tila isang kisap matang bumalik sa akinang lahat ng alaala na ginawa ni Papa sa amin.
Gumalaw ako ito ang dahilan para mapaalis siya sa tabihan ko.
"What's wrong?" bakas sa mukha niya ang pag alala dahil kanina lamang ay tila madidinig mo ang mahinang hagikhik ko ngunit biglaang nabago ang pakiramdam ko
"Huh?" agad akong bumalik sa ulirat nang muli kong maramdaman ang paghaplos niya sa mga kamay ko.
"I'm asking you, what's wrong? Is there anything bothering you?"
"Huh? Wala, okay lang ako" simple kong sagot sa kaniya at inaya na siyang bumangon. Sinuot ko muna ang t-shirt na nakapatong sa may side table. Medyo gusto na iyon pero pwede pa naman isuot.
Pag katayo ko muna sa kama ay agad akong nahilo. Agad ko naman naramdaman ang mabilis niyang pag galaw para maalalayan ako.
"You okay?" Bakas muli ang pag aalala sa boses niya.
"Yes, okay lang ako. Nabigla lang siguro ang pag tayo ko" tumango tango siya sa akin. Ngunit hindi niya na ako binitawan pa. Hanggang sa pav pasok ko ng Cr.
"Do you need me to go inside too?" natawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya.
"Why are you laughing? I'm serious. Stupid" lalo akong natawa sa naging reaksyon niya.
"No, hindi. Ako na lang hintayin mo na lang ako sa baba. Okay" tumango tango na lang siya at hinayaan akong pumasok sa loob ng bathroom.
Pag pasok ko ay agad kong sinuri ang sarili sa salamin. 'what's wrong with me nga ba?' tanong ko sa sarili. Pumihit ako para kunin ang face towel na nakasampay sa kabilang corner ngunit sa galaw kong iyon ay nakaramdam ako ng biglang pag sikip ng dibdib ko. Napahawak ako ng mahigpit sa sink at pilit na pinakalma ang sarili ko bago ako tuluyang lumabas ng bathroom.
'Ano bang nangyayari sakin?'
******
Author's Note
Sorry for the late update. Naging busy lang talaga ng sobra sobra. I will try my best to update again. Soon. Well, thankyou for waiting.
RedHotSilly
BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
Roman d'amourWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...