Chapter 2

85 6 0
                                    

"Ano?! Tutunganga na lang kayo? Ang babagal nyo!! Wala na kayong ginagawang maayos!!" tama ba na pumasok pa ako ngayon. Mukhang mainit ang ulo ni Boss ngayon.

"Ano Sunshine? Hindi kaba nasikatan ng araw at late ka ngayon!??" sigaw niya sa akin ng mamataan niya ako sa pinto.

"Sorry po, last na to" saad ko sa kaniya.

"Puro ka last, ilang last mo na ba yan? Kung paulit ulit lang ganiyan ay umalis kana sa restaurant ko!" napayuko ako sa mga sinasabi niya. Last na nga to eh, kasalanan bang may asikasuhin akong nanay na may sakit.

"Di na mauulit talaga" saad ko sa kaniya.

"Naku! Wala nang next time umalis kana hindi kita kailangan sa negosyo ko!!" aba teka, ginagawa ko nmn nang maayos ang trabaho ko.

"Sandali lang naman ho, maayos naman ho ang trabaho ko"

"Maayos? Kala mo kung sino kang magaling na empleyado eh palpak ka din naman. Umuwi kana lang at mag alaga ng nanay mo!"

"Aba teka naman, akala mo kung sino kang magaling na negosyante, eh kaya lang naman gusto mong mag tanggal ng empleyado kasi konti lang kumakain dito. Hindi nga masarap ang luto ng chef nyo!" Saad ko balik sa kaniya tatanggalin na rin nmn niya ako ay pagkakataon ko na para ibalik ang walang kwenta niyang pag mamando sa amin. Akala mo kung sino nang mayaman, dinamay pa niya si Mama ko ah.

"Aba at bastos ka pala, umalis kana dito!! Alis!!!"

"AALIS NA TALAGA AKO!! AALIS AKO" saad ko ay binagsak ang apron ko sa harap niya. Lumabas ako ng resto at nag lakad lakad. Nang makalayo ay napasigaw at sabunot na lang ako sa sarili ko.

"Tanga, tanga, tanga mo, Shine. Saan ka ngayon kukuha ng pera" nag papadyak kong saad sa sarili. Napapatingin ang mga taong dumadaan sakin kaya naman inayos ko na ang sarili ko.

Pumasok ako sa loob ng isang convinient store at bumili ng maiinom. Maghahanap na lang siguro ako ng panibagong trabaho.

Hindi ako pwedeng bumalik sa bahay dahil paniguradong matatanong lang ako ni Mama kung bakit ang aga kong umuwi.

Nagpunta na sa isang malapit na computer shop at nag paprint ng bagong resume. Damihan ko na siguro para maraming mapasahan, more chances of winning.

"Isang PC nga po" saad ko sa tagabantay ng computer shop.

"Dyan sa 3 buhayin mo na lang dyan sa baba" saad nito sa akin at agad namang pinindot iyon para mabuhay. Saglit lamang ay nabuhay na ito at inayos ko na ang resume na ipapasa ko.

'Shine, bigyan mi ng liwanag ang buhay mo' ani ko sa aking isip bago maedit ang resume ko.

"Boss, paprint ako mga apat na kopya. Salamat"

Agad naman inasikaso ng taga bantay ang pinaparint ko kaya naman mabilis lang din akong natapos.

"Boss, lagyan mo na din ng folder kada isa."  Tumango lang ito at nilagay na sa foldet ang bawat piraso ng resume ko.

"Singkwenta lahat" inabot ko ang bayad at agad na nag lakad lakad upang makahanap ng mapapasukan na trabaho.

Agad akong napatigil sa pag lalakad nang mapatapat ako sa isang mlaking building.

Hiring: Janitor/Janitress
Look for Ms. Gretchen Mendoza
0991*******7

Ayos trabaho to. Bumili muna ako ng Pineapple juice sa katabing bangketa nito.

"Manang, sampung piso nga" inayos ko muna ang buhok ko bago kinuha ang baso at tinikman. Muli ko iyong binaba para ayusin ang damit ko. Pinagpagan ko uoang magmukha akong magalang.

Nanglagay ako ngkaunting lipstick sa labi ko at tingnan iyon sa salamin.

"My Juice pa pala ako. Salamat Manang" kinuha ko ang juice at nag lakad papunta malapit sa building ng biglang may sumulpot n lalaki at

At

At natapunan ko siya ng juice pati ang suot kong blouse ay natapunan din. Paano ako ngayon nito makakapag apply.

*****

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon