Ethan's Point of View
I was here in my condo focusing on my work. I didn't even notice that its already past midnight. Huminto ako at sumandal sa aking upuan habang hinihimas ang sintido tsaka marahang inalis ang eye glasses ko. I was about to take a nap when my phone suddenly ring. Nakita ko dun ang pangalan ni Shine.
Agad kong sinagot ang tawag niya.
'hello?' mahinahong bati niya sa kabilang linya. Parang panandaliang nawala ang pagod ko nang marinig ko ang boses niya.
"Yes? Hello" narinig ko ang mahinang hagikhik niya nang sumagot ako sa kaniya.
'busy ka?' napakunot naman ang noo ko sa tanong niya.
"No, I'm not." Masaya ako kapag ganitobg tinatawagan niya ako kahit na busy o pagod na ako.
'nagising ba kita?' matutulog pa lang sana ako dahil tumawag siya ay nagising muli ang diwa ko para sagutin ang tawag niya at kausapin siya
"No, bakit? Do you need anything?" Agad kong tanong sa kaniya. Bukod sa gusto ko siyang makita ay gusto ko din ibigay kung anong gusto niya.
'hindi kasi ako makatulog eh' sabi niya sa pinaka malambing na boses na meron siya
"What do you want me to do?"
'nagugutom ako' sabi niya habang humihina ang boses sa pag sasabi. Napangiti na lang ako dahil naisipan niya akong tawagan dahil nagugutom siya.
"What do you want? Dalhan kita dyan"
'hindi na. Okay lang'
"Hindi okay yun, di ka dapat nag papagutom anong gusto mo?"
'Vanilla Ice cream with soy sauce' sabi niya na maririnig mo yung saya sa boses niya.
"That's unhealthy" agad kong sabi sa gusto niyang kainin, ice cream in the middle of the night.
'gusto ko lang naman kumain. Babay na' nalungkot ang boses niya at agad na pinatay ang tawag. Napasapo ako sa noo ko bago tuluyang kinuha ang jacket at ang susi ng kotse ko.
Naghanap ako ng bukas na convinient store para bumili ng vanilla ice cream.
Nang makabili ako ay agad akong dumeretso sa kanila. Nasa labas na ako ng bahay niya naka dalawang tawag na ako sa phone niya pero di niya pa din sinasagot. Sinubukan kong tawagan ulit siya sa pangatlong pagkakataon.
"Bakit ba?" Masungit na sabi niya pagkasagot niya ng tawag.
"Are you crying?" Tanong ko sa kaniya pero agad naman niya itong tinanggi
"I'm here. Open the door" sabi ko sa kaniya
"Seryoso ka ba?" Tanong niya na tila ayaw niyang maniwala na nandito ako ako. Maya maya ay nakita kong nabuhay na ang ilaw sa sala, diko na siya sinagot pa sa tanong niya pero hindi niya pinatay ang tawag. Kaya malaya kong naririnig sa kabilang linya ang bawat hakbang niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na sabi niya ulit sa akin.
"Bring you the vanilla ice cream that you wanted?"
"Sabi mo bawal" sabi niya sabay nag pout na parang isang bata
"Pwede pero konti lang ah" agad na nag liwanag ang mata niya at agad akong hinila papasok sa loob ng bahay.
Agad kaming dumeretso sa kitchen at nilapag niya agad sa table yung ice cream at kumuha siya agad ng baso. Abalang abala siyang gumawa ng sundae niya. Ice cream with soy sauce.
Shine's POV
Di din niya ako natiis, ang dami ko pang iniyak dahil ayaw niya ako bigyan ng ice cream pero pupunta pa din pala.
Nag salin ako ng ice cream sa dalawang baso habang nakaupo siya at naghihintay sa akin.
Pagkatapos kong magsalin ay nilagyan ko ng soy sauce ang ice cream ko at yung kaniya ay hinayaan ko lang na plain dahil baka ayaw niya. Pag lingon ko sa gawi niya ay nakapahalumbaba siya sa table at naka tulog na. Pagod na siguro siya, marahan kong binaba ang ice cream sa table at inusod ko ang upuan sa tabi niya at dun umupo. Kinuha ko ang ulo niya at nilagay sa balikat ko habang abala ako sa pagkain ng ice cream ko ay mahimbing naman siyang natutulog.
Hindi ko alam kubg anong nagawa ko at binigyan ako ng panginoon ng isang taong makakasama ko sa lahat bg pinagdadaanan ko ngayon.
*****
BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomanceWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...