Chapter 19

54 1 1
                                    

Anton's Point of View

Naghanda na ako pauwi sa condo ko. I don't know pero parang naeexcite ako umuwi knowing na nandun si Sunshine. I'm curious ano kaya ang ginawa niya sa loob ng ilang oras.

Well, nag drive na ako pauwi para malaman ang kasagutan sa tanong ko. Habang abala sa pag mamaneho ay di ko maiwasang mapangiti sa katotohanan na nandun siya. Pag baba ko ay walang pag aalinlangan dere deretso lang ako papasok at sumakay ng elevator. Kinuha ko sa bulsa ng suit ko ang spare key ng unit ko.

Pag bukas ko ay nadatnan ko si Sunshine na mahimbing na natutulog sa sofa pinagmasdan ko ang mala-anghel niyang mukha. Lumapit ako sa kaniya at hinawi ang ilang hibla ng ng buhok na nakaharang sa mukha niya.

Bigla akong natawa ng maalala ko ang sinabi niya sa akin nung unang araw niya sa trabaho.

"Mukhang ikaw ang Anghel na nahulog mula sa langit at binigay sa akin, Shine" saad ko habang hinahanaplos ang kaniyang pisngi. Maya maya pa ay gumalaw na ito at nagising.

"Sir Anton?"

"I told you na Anton na lang" sabi ko sa kaniya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Ang haplusin ang mukha niya. Ramdam ko ang kaba niya habang ginagawa ko iyon.

"Shine natatakot ka ba sakin?" Tanong ko sa kaniya at sinubsob ang ulo ko sa mga tuhod ko. Itinigil ko din ang ginagawa ko sa mukha niya.

Naramdaman kong bumangyon siya at umupo sa harapan ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko kaya naman napatunghay ako sa kaniya.

"Hindi ako natatakot, nagugulat lang ako. Hindi ako sanay sa mga ganito ka. Na ang bait bait mo sakin. Alam kong hindi libre ang pagtulong mo. Pero gusto kong malaman mo na hindi ako natatakot sayo" habang hawak ang mga kamay ko at sinasabi niya ang mga linyang yun ay ramdam na ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko.

Nagsusungit lang ako sa office kasi yun ang image na gusto kong makita ng mga empleyado ko. Ayoko kasi natamad sila sa trabaho dahil tingin nila ay okay lang at mabait ako.

Hinaplos haplos niya ang kamay ko. Nanatili akong nakatingin sa kaniya maya maya ay hinaplos na niya ang mukha ko.

"Alam ko na mabait ka. Nararamdaman ko yun, Anton" pagkasabi niya nun ay dinampian niya ng halik ang labi ko.

Nabigla ako sa ginawa niya. Hindi ko ine-expect na mauuna siya. Ginantihan ko ang mga halik niya. At dahan dahan akong tumayo nang hindi hinahayaan na mag hiwalay ang aming malabi. Napasandal siya sa sandalan ng sofa at ipinulupot na niya ang mga kamay sa leeg ko at sinabayan ang mga halik ko sa kaniya.

Nang magbitaw kami ay pinagdikit ko ang aming noo at mula sa vision ko na iyon ay kitang kita ko ang mga mata niyang nakapikit.

"Sorry, pagod ka ata sa trabaho" ani niya at umiwas ng tingin sa akin.

Pinigilan ko ang ulo niyang papalayo ng tingin sa akin agad ko itong itinapat sa mukha ko at siniil muli siya ng halik.

*****

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon