Pagkatapos namin sa mall ay sumakay na kami sa sasakyan niya. Sa sobrang pagod ni Ashley sa pag lalaro at pag iikot ay agad siyang nakatulog. Nagkaroon ako nang pagkakataon para itanong ang tungkol sa pamilya niya.
"Anton?" Tawag ko sa kaniya na hindi man lang ako nag abalang lingunin siya. Busy sya sa pag mamaneho palabas ng parking lot.
"Hmm?" tugon niya sa akin at ramdam ko ang pag-silip niya.
"Paano mo sasabihin ngayon sa pamilya mo na may anak ka sakin?" alam kong sumusulyap siya sa gawi ko kahit hindi ko siya lingunin.
"I will tell them later" simpleng sagot niya sa akin.
Bakit ba parang hindi man lang siya nababahala sa kung anong sasabihin ng asawa niya o nang mga anak niya kung malaman nila na may anak siya sa labas.
"Agad agad? Hindi mo man lang pag-iisipan ng mabuti?" tanong ko sa kaniya at sa puntong ito ay deretso lang ako nakatingin sa kaniya habang hinihintay ang sagot niya.
"Don't worry, I know everything is alright" agad na ngunot ang noo ko. Parang hindi niya iniisip kung anong mararamdaman ng pamilya niya.
"Hindi mo man lang ba naiisip kung anong mararamdaman nang anak mo o nang asawa mo? Sasabihin mo lang sa kanila agad. Paano kung di nila matanggap. Paano na ang anak ko. Ayokong masak--"
"Shhh, walang masasaktan. Si Ashley lang ang anak ko at --"
"Eh, ang asawa mo maiintindihan ba niya na may anak ka sa laba--"
"Shine, Sunshine. Relax. Okay? Wala akong asawa" ikinabigla ko ang sinabi niya at deretso ko siyang tinignan. Gumilid siya sandali at tsaka ako nilingon.
"Di ba umalis ka? Nakaplano na ang lahat sa inyo ni Celine noon diba? Anong nangyari? Bakit hindi natuloy ang kasal nyo?"
"Okay, listen. Alam kong madami kang tanong sa isip mo ngayon pero bibigyan kita nang isang sagot bago ko sagutin nang deretso lahat ng tanong mo. Una kong sagot sa lahat ng tanong mo ay kasi Mahal kita. Pangalawa, hindi na tuloy ang kasal namin kasi mahal kita. Pangatlo, anong nangyari? Wala, wala silang nagawa kasi Mahal kita. Kulang pa ba ang sagot ko sa tanong mo?"
Agad na nanggilid ang mga luha ko, parang hindi maproseso ng utak ko ang lahat ng sinasabi niya.
"Paano nangyari yun?" tanong ko sa kaniya. Dahil alam kong hindi pwedeng dahilan ang mahal niya lang ako.
Inalis niya ang seatbelt niya at hinarap ako.
"Pinaghiwalay tayo ni Mommy, pinipilit niyang ipakasal ako kay Celine. Sinubukan ko naman na pakisamahan siya ulit. Nag date kami for few months, tinanggap ko ang wedding plan ni Mommy kasi alam kong wala na akong magagawa. But suddenly, Celine call off the wedding. And sinabi niya na she get drunk and have sex with her bestfriend and got pregnant. Pinalaya ako ni Mommy pero ayaw niya ako pabalikin. Binigyan niya ako ng kondisyon na makakabalik ako dito once na pinatakbo ko ang kumpanya namin sa New York, uuwi na dapat ako after 4 years pero nag karoon nang nga problema na kailangan kong sulusyonan. Nag stay pa ako dun and yes 7 years had past pero wala akong idea na nag karoon tayo ng anak." Mahaba niyang kwento sa akin. Tapos nun ay hinawakan niya ang kamay ko.
"I'm sorry, wala ako nung kailangan mo nang makakasama sa pag papacheck up hanggang sa pag-aalaga at pag papalaki sa anak natin. Sorry, wala ako sa tabi mo habang hinaharap mo yung sakit mo. Yes, Ethan already told me about you being sick. Sunshine, can you please let me do everything for you and for our baby?" Hindi ko alam kung ano ang eksaktong sasabihin ko. Nagsimula nang tumulo ang nga luha ko. Tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya.
'Hindi ko alam kung hanggang kelan, pero hanggat may pag kakataon ay mamahalin kita, kayo ng anak natin' tanging sabi nang isip ko na hindi ko masabi sa kaniya.
Hinalikan niya ako sa labi nang tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Pumikit ako para mas maramdaman ang halik na matagal ko nang hindi natikman.
I miss him so much. I miss his kisses. I miss his hug. I miss everything about him. I miss him.
Tinugon ko ang mga halik niya pero hindi din naman iyon nagtanggal.
"I love you, My Sunshine" sabi niya at hinawakan ang pisngi ko tapos nun ay sinilip niya ang anak kong mahimbing paring natutulog.
"I love you anak" sabi niya at hinipo pa ang mahimbing na natutulog na si Ashley tsaka niya kinabit muli ang seatbelt niya at nagsimulang mag maneho, inuwi niya kami sa bahay at nakita siya ni Mama at dun niya ipinaliwanag muli ang lahat nang nangyari.
Masayang natapos ang araw ko at nang anak ko. At nang makauwi siya ay nag message siya sa akin at gustong tawagan ang bata dahil miss na daw niya agad ito.
Masaya lang kaming nag-usap sa telepono na parang teenager, inabot kami hanggang sa paglalim nang gabi.
*****
BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomansaWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...