Lumipas ang araw, buwan, at mga taon napaka bilis ng panahon dahil ngayon ay 7th Birthday na ng prinsesa ko.
"Mama ko!" Agad na sigaw niya at patakbong lumapit sa akin.
"Oh, anak ko bakit?" Sabi ko sa kaniya at hinawi ang ilang hibla ng buhok niya.
"Andito na si Papa" sabi niya at agad na tinuro ang gate at dun ay may nakahintong sasakyan.
"Kanina mo pa ba siya hinihintay?" Tumango lang siya sa akin at ngumiti
"Sabi ko sayo diba dadating yun. Busy lang yun nakaraang araw kaya di siya nakakapunta dito diba" tumango lang siya ulit at nilingon na ang gate.
Pagtingin ko rin sa gate ay nakita ko ang isang matangkad at gwapong gwapo sa black long sleeves niya na nakataas hanggang siko kasama pa ang black pants niya. Napaka linis tignan, suot din niya ang eye glasses niya na bumagay sa nakapagandang ayos ng buhok niya.
"Papa koooo" sabi ni Ashley at mabilis na tumakbo papalapit sa kaniya.
Agad naman niyang kinarga ang bata at hinalikan sa pisngi.
"Sorry, ngayon lang nakauwi si Papa ah"
"Okay lang po yun, okay naman po ako dito eh" sabi niya at may pa thumbs up pa. Napatawa naman si Ethan at tumingin sa akin.
"Ikaw? Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at nag thumbs up din.
"No, I mean. Right now! Are you okay? You look so pale" sabi niya sa akin na kita na ang pagaalala sa mukha niya.
"Oo,okay naman ako. Pagod lang siguro sa pag aasikaso ng nga tao dito"
"Di ba ang sabi ko eh, wag kang mag papagod alam mo naman ang kondisyon mo diba?" Sabi niya sa akin
"Di naman sobrang pagod, isa pa espesyal ang araw na iyo sa Anak ko" sabi ko sa kaniya at hinawakan ang pisngi ng batang karga niya.
"Bihis kana Ashley, suot na natin yung maganda mong dress" sabi ni Mama na kinuha si Ashley kay Ethan.
"Shine!" Napalingon ako sa kaniya ng tinawag niya ang pangalan ko. Tumingin lang ako at hinihintay ang sasabihin niya.
"He's Back" naestatwa ako sa narinig ko.
"Ano bang sinasabi mo dyan. Halika kana ayusin na natin yung ibang mga party needs ni Ashley. Okay?" Saad ko sa kaniya na parang okay lang ang lahat pero ang totoo niya ay nang marinig ko ang sinabi niya ag bumilis ang tibok ng puso ko. Parang gusto kong itanong asan siya. Pero mas lamang yung wag niya sana kaming makita. May sarili na siyang pamilya hindi na dapat niyang makilala ang anak ko.
"Shine, He's Back. Anton is back!" Sabi niya muli sa akin napatigil ako sa ginagawa ko at nilingon ko siya.
"Hayaan mo siyang bumalik, hindi niya dapat malaman na may anak siya sa akin. Wag mo nang uulitin sa kaniya" sabi ko at agad na binitbit ang mga plato at dinala iyon sa kabilang side ng party.
'hindi ako handa sa kung ano man ang mangyari, hindi ko napaghandaan ang pagbabalik niya.' hindi ko na namalayan ang pagpatak ng hula ko sa isipin kong nandito na siya ulit.
"Hello, everyone. Let's all welcome our birthday celebrant, Ashley Dela Vega" ani ng host at agad namang nagpalakpakan ang nga kaibigan ng anak ko.
*****
BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomanceWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...