Chapter 38

748 10 0
                                    

Ella's Pov

Hindi ako pinayagan ni Gabriel na pumunta sa burol at libing ni papa. Isang araw lang nila si papa ibinurol at pagkatapos ay inilibing kaagad. Si kuya Oliver ang umasikaso ng lahat. Masyado pa daw akong mahina. Sabagay totoo naman. Minsan nga kahit ako ay nagtataka dahil bigla bigla na lang akong naiyak. Gabi gabi ay napapanaginipan ko ang lahat ng nangyari tapos kapag nagigising ako ay iyak ako ng iyak.

Napatawad ko na si papa pati na rin si ate Karen. Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng mangyari ang insidente. Si ate Karen ay nasa ICU pa din pero sabi naman ni Gabriel ay stable na si ate Karen. Si Eva at ate Monica ay nakakulong na daw. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na kaya nilang gawin ang lahat ng iyon.

"Kelan ka ba daw pwedeng umuwi?" tanong ni Jordan.

"Di ko alam kay Gabriel. Sabi kasi nya mas mabuti na dito muna ako. Para nababantayan nya daw ako. Di naman ganun kalala ang kalagayan ko kaya siguro lalabas na ako sa susunod na mga araw." sabi ko.

"Di malala? Eh halos kada makakatulog ka nananaginip ka at nagsisisigaw. Physically hindi ka malala pero mentally at emotionally oo. Trust me mahirap labanan ang ganyan kung wala kang guidance." sabi ni Jordan.

"Dami mong alam. Teka asan ba si Alex?" tanong ko sa kanya.

"Pinuntahan si Jack. Magbibigay kasi si Jack ng testimonya. Isa sya sa magiging witness. Hindi sya makakalaya agad pero mapapabilis ang bilang ng araw ng kanyang paglaya. Ikaw? Aminin mo nga sakin kung talagang napatawad mo na si Jack?" tanong ni Jordan.

"Napatawad ko na siya. Pero meron pa din sa puso ko na pag aalala kung kaya ko pa ba siyang pagkatiwalaan ng buo. Nakikita ko sa kanya na sincere sya pero yung doubt ko nangingibabaw. Ang maganda lang ay hindi na ako galit sa kanya. Tinitignan ko na lang sa kanya yung mga panahon na inalagaan nya ako kasama si Alex. Ewan ang hirap iexplain." paliwanag ko sa kanya.

Natigil kami sa pag uusap nang kumatok si daddy at ang kakambal ko. Lumapit sila sa akin at hinalikan ako sa noo. Naupo sa tabi ko si kuya Daniel at si daddy naman ay inayos ang mga dala nyang pagkain.

"Oh paano ba yan, mauna na ako. Aasikasuhin ko muna ang coffeeshop. Balik na lang ako bukas." paalam ni Jordan.

"Sige salamat bestfriend." sabi ko bago umalis si Jordan.

"Nakausap ko si Gabriel kanina bago kami pumunta dito. Dadalhin daw ang kambal mamaya. Si Migs at Seb daw ang magdadala sa kambal. Teka may gusto ka bang kainin?" tanong ni daddy.

"Yung mansanas na lang po daddy. Namimiss ko na ang kambal. Anong oras daw po dadalhin ang kambal?" tanong ko.

"Maya maya lang ay nandyan na ang kambal. Anak, magbakasyon kaya kayo sa Italy. Medyo malaki naman ang bahay ko dun kaya hindi nyo na kailangan pang maghotel." sabi ni daddy Enrico.

"Sasabihin ko kay Gabriel. Alam nyo naman po na busy ang asawa ko sa ospital. Ayoko naman pong makadagdag sa alalahanin pa ni Gabriel. Eto nga lang pong nangyari sa akin ay alam kong dagdag sa alalahanin nya po. Kaya nga hindi na ako tumanggi na magstay sa ospital. Hindi na din ako nagpumilit na pumunta sa burol at lining ni papa. Ayoko na kasing mag alala pa si Gabriel." sabi ko.

"Manang mana ka talaga kay Bella. Ganyang ganyan ang mommy nyo. Nuon kahit may gustong gusto syang gawin o bilihin ay inuuna nya muna na isipin ang nasa paligid nya." malungkot na sabi ni daddy Enrico.

"Nagdadrama ka na naman dad. Eto tissue oh." binigay ni kuya Daniel ang isang pack na roll tissue kay daddy. Grabe talaga itong kuya ko kapag inaasar si daddy. Sabagay, sila ang magkaugali.

"Pag isipan nyong mabuti anak. Kahit ilang linggo lang. Para naman makalimot ka ng kahit kaunti lang sa nangyari sayo." sabi pa ni daddy. Tumango tango na lang ako.

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon