Gabriel's Pov
Nailabas na ng kulungan si Oliver. Nanatili lang siya dun ng dalawang araw. Mabuti na lang at naalala ko ang bilin sakin ni grandpa bago sila mawala. Humingi siya sakin ng tulong para sa ganitong sitwasyon. Hindi nga siya nagkamali, nahulaan nya, na idadamay nila si Oliver. Ibinigay ko kaagad ang sulat ni grandpa sa abogado ni Oliver at nakadagdag pa ang statement ni Jack na walang kasalanan si Oliver. Nakabalik na din ito sa tungkulin. Maige naman at tanggap ito ng mga kababayan nya.
Lumipas ang isang buwan na tahimik ang buhay namin. Medyo nanahimik ang pamilya ni David. Hindi ko alam kung magandang senyales yun oh hindi. Ang importante lang naman ay handa kami sa lahat ng gagawin nya. Maayos na din si Alex at natanggap nya na ang nangyari sa kanila ni Jack.
"Ano na? Duon na ba talaga sa coffeeshop ang venue ng binyag ng kambal?" tanong ni Alex. Nandito kasi sila ngayon sa bahay dahil pinagpaplanuhan nila ang binyag ng kambal.
"Hindi naman namin kailangan ng malaking venue. Tama na sa atin ang ganung venue. Tayo tayo lang naman eh at kayo kayo lang din ang bisita kasi kayo ang mga ninong at ninang. Hahaha." masayang sabi ni Ella kina Alex.
Nagprisinta sila Alex at Jordan na sila ang mag organize ng binyag. Pumayag naman agad ang asawa ko dahil para daw malibang si Alex. Kahit naman sabihin kasi ni Alex na okay na siya, alam namin na nasasaktan pa din siya.
"Teka paano ba gagawin natin sa ninong at ninang. Lahat ba sila na pareho na magiging inaanak ang kambal?" tanong ni Ella.
"Siyempre ganun na nga ang mangyayari. Kambal yan eh." birong sabi ni Jordan.
Nagkakatuwaan ang magkakaibigan kaya naman ay iniwan ko muna sila at nang makapag usap ng maayos. Mas maganda kasi yan sama sama sila at sa isa't isa humuhugot ng lakas. Makakabuti yan para mawala ang depression nila.
Pumanik ako sa kwarto at nahiga. Nitong mga huling araw ay sobrang busy ko sa ospital. Sunod sunod ang operasyong ginawa ko. Hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil sa katok sa pinto. Luminga linga ako sa paligid. Napabalikwas ako ng bangon dahil wala ang mag iina ko. Mukhang gabi na. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito.
"Kuya magbihis ka! Si ate Ella ayaw umuwi hanggat hindi daw ikaw ang sumusundo! Naku kuya, naglayas si ate Ella dahil wala ka na daw panahon sa kanya. Iniwan nga kay mama ang kambal. Dalian mo na." natatarantang sabi ni Seb.
"Ano?" nagtatakang tanong ko. Kanina lang ay okay kami ng asawa ko ah.
"May tumawag kasi sa kanya. Hindi namin alam kung sino tapos bigla na lang siyang umalis ng walang paalam. Kanina pa tinatawagan ni mama pero ayaw pa din umuwi. Nag away ba kayo ni ate Ella?" tanong ulit ni Seb.
"Ha! Di ba kanina kausap nya lang sina Alex at Jordan para sa binyag ng kambal?" tanong ko.
"Oo kuya pero, ay ewan ko. Puntahan mo na nga lang. Pati kami at naguguluhan sa inyo." sabi ni Seb.
Nagbihis ako at saka bumaba. Nadatnan ko si Migs na pasakay na sa kanyang kotse.
"Migs bakit walang masyadong tao sa bahay? At saan ka pupunta." tanong ko.
"May ihahatid akong mga gamit sa bago kong biniling barko. Eh ikaw saan ka ba pupunta? Tulog na ang kambal kasama nila mama." tanong ni Migs.
"Hahanapin ko si Ella. Pupuntahan ko sa apartment nya o di kaya sa coffeeshop." sabi ko.
"Nag away ba kayo? Gusto mo bang ipagdrive kita? Mukha ka kasing haggard eh." tanong ni Migs. Ano ba naman tong mga ito, kanina pa tanong ng tanong kung nag away kami ni Ella.
"Hindi naman kami nag away. Mabuti pa nga ipagdrive mo ako. Wala pa ako sa tamang wisyo dahil sa kulang ako sa tulog." sabi ko.
"Sige kuya pero daan muna tayo sa pier para sa gamit na ilalagay ko sa barko. Importante kasi yun eh." sabi ni Migs. Tumango na lang ako.
Kahit takang taka ako ay pumasok ako sa kotse ni Migs. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Ella. Naguguluhan ako kasi hindi naman kami nag away para lumayas siya ng ganun. Dumating kami kaagad sa pier.
"Kuya mabuti pa pakitulungan muna akong dalhin ito sa taas. Susunod na lang ako." sabi ni Migs.
"Pero? Ano bang laman nitong bag na ito?" tanong ko sa kanya.
"Ang dami mong tanong kuya. Dalhin mo na sa taas yan para mahanap mo na si ate Ella." sabi nya.
Sumunod na lang ako sa kanya at umakyat ng barko. Pag akyat ko ay medyo madilim ang paligid. Kaya dahan dahan akong naglakad. Nagulat na lang ako ng biglang nagliwanag.
"Happy Birthday to You
Happy Birthday to You
Happy Birthday, Happy Birthday
Happy Birthday to You.Happy Birthday to Gabriel
Happy Birthday to Gabriel
Happy Birthday, Happy Birthday
Happy Birthday to Gabriel."Sabay sabay silang nagkantahan. Sa sobrang busy ko ay nakalimutan ko na pala ang sarili kong Birthday.
"Happy Birthday Sweetie! Make a wish and then blow the candle." sabi ni Ella.
"Thank you sweetie!" sabi ko.
"Nakalimutan mo noh?" tanong sakin ni Ella.
"Oo eh. Medyo busy kasi sa ospital. Bakit dito mo pa ako sinurprise. Pwede naman sa bahay na lang ah." nakangiting sabi ko.
"Eh kasi naman eh, may iba pa kaya akong pakay sayo." sabi ni Ella.
"Naku sweetie ha, isang buwan pa lang ang kambal tapos gusto mo nang sundan ang sila?" nakangiting sabi ko. Joke lang naman yun.
"Ikaw talaga, kung di mo lang birthday, malamang nahampas na kita. Ang laswa mo palagi!" sabi ng asawa ko.
"Gusto mo naman!" masayang sabi ko. Nagkatinginan kami at saka nagtawanan.
"Siya nga pala sweetie, ano nga pala yung ibang pakay mo? Ikaw ha. Baka naman ihuhulog mo ako nyan dito sa barko?" biro ko sa kanya.
"Ikaw talaga! Pero seryoso na ha. Gabriel, simula ng dumating ka sa buhay ko, lalong gumulo ito pero pabor sakin lahat dahil puro sa ikakabuti ko ang lahat. Ikaw ang naging ilaw sakin sa mga panahong madilim ang aking kinalalagyan. Ipinaramdam mo sakin na hindi lahat ay kaya akong saktan bagkus ay kaya akong mahalin ng tapat. Marami akong gustong ipagpasalamat sayo tulad ng pagpapakilala mo sakin sa mga napakabuting pamilya mo. Naramdaman ko din ang pagmamahal ng isang magulang at dumami ang kapatid ko. Hahaha kaso puro lalaki naman. Dahil din sau nakilala ko ang tunay kong pamilya. Pero bakit puro lalaki lahat." sabi nya. Hindi ko mapigilan na tumulo ang luha ko.
"Marami pa akong dapat ipagpasalamat sayo. Gaya ng lagi kang nakaalalay at umuunawa sakin. Nagpapasalamat ako at nakilala kita at bonus pa may kambal tayo. Gabriel, sorry kung nararanasan mo lahat ng nangyayari sakin. Sorry kung puro pagsubok ang nangyayari satin. Wala akong maibigay sayong regalo kasi mukhang nasa iyo na ang lahat. Mayaman ka naman kaya mabibili mo lahat hahaha." biro ni Ella. Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang lumuhod at naglabas ng isang box. Binuksan nya ito.
"Sweetie, tumayo ka diyan." malambing na sabi ko. Inawat ko siyang lumuhod pero nagpumilit siya.
"Kahit naman babae pwedeng gawin to. Ito lang kasi ang alam ko na maibibigay sayo sa lahat ng sakripisyo mo sakin. Pero isa lang maipapangako ko sayo mamahalin kita ng buong buhay ko at magiging tapat ako sayo. Mahal na mahal kita Gabriel." lumuluhang sabi ni Ella.
"Ella...." naluluhang sabi ko. Hindi ko ineexpect na magagawa nya ito. Ngumiti siya sakin.
"Gabriel, will you marry me again?" tanong nya sakin. Ngumiti ako at sinuot ang singsing.
"Of course i will marry you, sweetie. I love you." sabi ko. Tumayo sya at hinalikan ko siya ng buong pagmamahal. Naging mapusok ang paghalik ko. Natigil lang ito ng may mga nagpalakpakan.
"Mamaya na ang honeymoon! Magpakasal na kayo para makakain na kami sa reception!" sigaw ni Daniel.
"Istorbo kayong lahat hahaha." masayang sabi ko pagkatapos ay niyakap ko si Ella.
"Kuya tama na yan magbibihis pa si ate Ella. Sumama ka na samin. Magpapakasal pa kayo." sabi ni Joseph. Napatitig ako kay Ella.
"Are you serious?" takang tanong ko kay Ella. Nakangiti namang tumango ito.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...