46

650 5 1
                                    

Gabriel's Pov

"Tatay...." napalingon ako at laking gulat ko dahil nasa harap ko si Ella.

"Nanay! Anong ginagawa mo dito? At kailan ka pa dumating?" tanong ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"May kasalanan ka pa sakin, akala ko ba wala nang lihiman? Bakit hindi mo sinasabi sakin na nagkakaproblema ka? Eh di sana man lang eh nadadamayan kita." nagtatampong sabi ni Ella.

"Ayoko lang na mag alala ka nanay. Isa pa alam kong safe kayo sa Italy kaysa dito. Lalo pa ngayon na wala kaming mahanap na ebidensya na ang pamilya ni Julia ang may kagagawan ng pagkamatay ng pasyente." paliwanag ko.

"Eh anong aksyon ang ginawa ng pamilya nang namatay? Magdedemanda ba o papayag sa settlement?" tanong ni Ella.

"Hanggang ngayon ay nakikipagmeeting ako sa pamilya ng namatay. Malaki ang hinihiling nilang danyos. Kaya ko naman bayaran kaso hindi ko lang matanggap na mga tauhan ko ang may kasalanan. Isa pa, kung magbabayad ako eh para ko na din inamin na hindi mapagkakatiwalaan ang ospital." paliwanag ko.

"Eh anong gagawin mo ngayon?" tanong ni Ella.

"Pinaiimbestigahan ko na ang nangyari. Lahat ng nakarecord sa cctv ay nakatalikod ang babaeng nurse. Tapos yung ibang video nawawala. Kaya feeling ko may nagplano nito." sabi ko.

"Wala man lang bang ibang clue o ebidensya?" tanong ni Ella

"Malinis gumalaw nanay. Papunta daw si Tony ngayon dito dahil may ibabalita siya." sabi ko sa kanya.

Nagpatuloy si Gab sa pagtatrabaho. Ako naman ay nakipag usap sa cellphone at inalam ang kalagayan ng kambal. Hindi naman nagtagal ay dumating si Tony na balisang balisa.

"Bro! Masamang balita!" bungad ni Tony.

"Wala ka man lang bang good news. Puro bad news talaga?" nakasimangot na tanong ko.

"Wala bro. Una sa lahat nahihirapan kami ng team ko na humanap ng ebidensya na plinano ito. Pangalawa hindi pa din mahanap ang nurse. Pangatlo wala akong makitang ebidensya na magpapatunay na pamilya ni Julia ang may kagagawan." sabi ni Tony. Napapikit ako at napahawak sa sintido.

"Anong magandang gawin?" tanong ni Ella.

"Sa ngayon? Tapatin ko kayo, makipagsettle kayo sa pamilya ng biktima para hindi na masangkot ang ospital sa isang malaking eskandalo or worst mapasara ito." sabi ni Tony.

"Mukhang ganun na nga ang mangyayari. May isa pa akong inaalala. Kahit malusutan ko ang tungkol sa pamilya ng biktima eh gusto ng board of members ng ospital na bumaba ako sa pwesto bilang CEO." balita ko sa kanila.

"Ano? Pwede ba yun?" tanong ni Ella.

"Pwedeng pwede yun. Botohan ba ang gagawin?" tanong ni Tony. Tumango naman ako bilang sagot.

"Well goodluck! Umpisahan nyo nang manuyo ng mga board members. Sino daw ang gustong ipalit?" tanong ni Tony.

"Malamang si Zandro." sabi ko.

"Si Zandro Tan? Yung classmate natin na galit na galit sayo dahil sa pagiging laging number two nya?" tanong ni Tony.

"Siya nga." nanlulumong sabi ko.

"Paano ba yan bro, malamang mahihirapan ka nga. Maduming maglaro ang pamilya ni Zandro. Gayahin mo kaya, bayaran mo ng malaki ang ibang board members." sabi ni Tony. Nagulat ako nang biglang lumipad papunta kay Tony ang isang nakalukom na papel. Hinagis pala ni Gab.

"Gago ka talaga! Kelan ba ako lumaban ng hindi patas. Hindi ko hahangarin na manatili sa posisyon na nakuha ko dahil sa bilihan ng boto. Kahit anong mangyari ospital ko pa din yan. Pwede akong bumaba sa pwesto basta maayos ang magmamanage. Kaso si Zandro? Baka huthutan nya lang ang mga pasyente." paliwanag ko.

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon