Gabriel's Pov
Kausap ko si Tony para sa pag uupdate ng kaso ng grandparents ni Ella. Marami akong tinawagan na mga kakilala na makakatulong sa kaso.
"Kuya Gabriel!" sigaw ni Joseph. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong buhat buhat ni Joseph si Ella na walang malay. Dali dali ko itong kinuha at binuhat para ilagay sa kwarto namin. Dahan dahan ko siyang inihiga sa kama.
"Ano bang nangyari?" tanong ko kay Joseph.
"Sinundan ko si ate Ella papunta sa kwarto nyo dahil sabi mo bantayan ko muna. Nandun siya sa katabing kwarto nyo ng bigla siyang sumigaw. Tinatawag nya ang pangalan mo. Tumakbo naman ako, mabuti na lang at dumating ako agad. Nakita ko si ate Ella nahalos pabagsak na sa sahig. Buti nasalo ko. Nandun sa loob ng kwarto ang mga magulang nya. Ang nakakainis ay tinitigan lang nila si ate Ella." sabi ni Joseph. Mabuti na lang pala at napabantayan ko si Ella sa kapatid ko.
Tinawagan ko agad si Faith para papuntahin dito. Doktor ako pero hindi ako espesyelista sa mga buntis.
"Hello kuya Gab, anong kailangan mo?" tanong ni Faith.
"May importante ka bang operasyon sa mga susunod na araw?" tanong ko.
"Wala naman. Bakit? Dumaan ako nga pala sa inyo kuya, sabi ng katulong wala kayong lahat. Saan kayo pumunta?" tanong pa nya.
"Ako nang bahala sa mga schedule mo sa ospital. Kailangan kita dito sa Baler. Kailangan ko na may magbabantay sa kalusugan ni Ella. Sumakit na naman ang tiyan nya. Stress sya ngayon at alam kong maaapektuhan ang anak namin." sabi ko.
"Ano? Saan sa Baler? Sabi ko naman sayo kuya huwag mong bibigyan ng ikakaistress si ate Ella." sabi ni Faith.
"Hindi naman ako. Namatay ang grandparents nya kaya siya stress. Ipapasundo na kita kina Migs." sabi ko.
"Ano? Hala! Anong nangyari? Huwag mo na akong ipasundo. Text mo ang exact address. Mas madali kung ako na mismo ang pupunta. Magtatagal lang kapag pinasundo mo ako." sabi pa nya.
"Sige text ko sayo ang address. Pagdating mo na lang, dito kita sasabihan ng nangyari." sabi ko.
"Sige kuya kukuha lang ako ng mga damit ko tapos pupunta na ako dyan. Ipainom mo ang gamot na ibinigay ko sayo para kumapit ang bata. Pagkatapos pakalmahin mo sya. Mas maigeng paliwanag mo sa kanya na naaapektuhan na ang anak nyo para mahimasmasan. Malamang magulo pa utak ni ate Ella sa ngayon." paliwanag ni Faith.
"Sige gagawin ko paggising nya. Salamat." sabi ko.
"Sige uuwi muna ako. Kita na lang tayo dyan." sabi nya.
Nang matapos na kami mag usap ni Faith ay tinawagan ko naman ang mga bodyguard ni Ella. Kapag kasi ako ang kasama ni Ella ay pinauuwi ko muna sila sa pamilya nila. Pinapunta ko na rin sila dito para pagmay ganito na namang sitwasyon, nababantayan si Ella.
"Papa Gabriel, asan si Ella? May naghahanap kasi ang ibang bisita ng kamag anak nila, eh dali dali namang umalis ang pamilya ni Ella. Ayoko namang gisingin si Oliver." sabi ni Alex.
"Alex kayo na muna ang bahala sa mga bisita. Sabihin nyo na lang nagpapahinga saglit ang mga apo dahil wala pang tulog." sabi ko.
"Inantok ba ang buntis? Hehehe sabi nga, ganyan daw talaga kapag buntis. Pero paggising nya pakisabi labasin ang mga bisita ha." nakangiting sabi ni Alex.
"Baka hindi ko muna pababain si Ella. May nangyari kasi sa kanila ng magulang nya at yun ang aalamin ko. Nahimatay si Ella at hindi siya magkakaganun kung simpleng bagay lang." paliwanag ko.
"Ano! Kamusta si Ella?" tanong nya.
"Sa ngayon wala pa ding malay. Pinapunta ko na yung doktor nya na pinsan ko para mabantayan siyang maige. Alam naman nating hindi madali sa kanya na tanggapin ang pagkamatay ng mga lolo't lola nya. Asahan ko sana na kayo munang bahala." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...