The new friend

738 8 0
                                    

Ella's Pov

Inabot kami ng mga bata ng 2 weeks dito sa Italy kasama sina Jordan at Alex. Sumunod din si kuya Daniel pagtapos nyang ayusin ang business ni daddy. Sinamahan nya kaming mamasyal sa Italy. Umuwi naman agad sina Gabriel at mga kapatid nito pagtapos ng isang linggo. Nagkaproblema kasi sa kompanya ni Gabriel at ang iniisip namin ay kagagawan ng pamilya ni Julia. Gusto ko sanang samahan si Gabriel pauwi pero sabi nya mas mabuti na nasa Italy kami. Araw araw naman kami nagtatawagan.

"Sigurado na ba ang uwi natin bukas?" tanong ni Jordan.

"Ayaw mo pa umuwi noh? Bakit gusto mo mag extend?" tanong ni Alex kay Jordan.

"Pwede ba?" natatawang sagot ni Jordan.

"Pwede naman eh. Basta ba hindi ko na sagot ang ticket mo pauwi. Hahaha!" biro ko kay Jordan. Wala naman sakin yun kung gusto pa nila mag extend. Kaya lang naman ako uuwi kasi nag aalala ako kay Gabriel. Hindi ko naman magawang magsaya habang yung asawa ko namumublema.

"Ay wag na! Alam mo naman na may dalawa akong pinag aaral. Di pwedeng sa luho ko ilaan ang kaperahan." sabi ni Jordan.

"Gaga! Kelan ba tayo pinagbayad ni Ella sa mga ganitong bagay. Hindi ka na nasanay sa kanya." sabi ni Alex. Tama naman siya. Sa akin kasi parang libangan ko lang ang coffeeshop. Gusto ko lang kasi na matulungan ang mga dating empleyado ng coffeeshop.

"Mag extend kayo ni Alex. Ako nang bahala sa ticket nyo pauwi. Sa pagkain naman ay hindi kayo papabayaan ni kuya Daniel. Pero umuwi na kayo pagtapos nyo mag explore kasi ang dami nyo nang nakatambak na trabaho." sabi ko.

"Sure!" masayang sabi ng mga kaibigan ko.

"Siya nga pala, nasaan si kuya Daniel?" tanong ko sa dalawa. Kausap nila kasi si kuya bago ako pumanik sa taas para mag empake.

"Nasa baba. May dumating na kaibigan ang kuya mo." sabi ni Alex.

"Kaibigan?" tanong ko.

"Oo at ang gwapo!" kilig na sabi ni Jordan. Tapos nag appear silang dalawa.

"Eh asan ang kambal?" tanong ko.

"Kasama ng kuya mo sa sala." sagot ni Alex.

"Tara na baba muna tayo. Nagugutom ako. May natira pa bang pasta sa baba?" tanong ko.

"Meron pa." sagot ni Alex.

Tinigil ko ang pag eempake ko at saka bumaba. Kasunod ko sila Jordan at Alex. Pagkababa ko ay dumiretso ako sa sala kung saan nandun daw ang kambal.

"Kuya kunin ko na ang kambal. Kumain na ba sila?" tanong ko. Napatingin ako sa kaibigan ni kuya Daniel.

"Oo kumain na sila kambal. Siya nga pala si Leo kaibigan ko." sabi ni kuya Daniel.

"Hi! Nice to meet you. You can call me Ella short for Isabella." sabi ko tapos kinamayan ko siya. Hindi ko alam kung english speaking to kaya nag english na lang ako. Well nasa Italy kami kaya given na mag english kami.

"Di ba sabi ko sayo ang gwapo." bulong sakin ni Jordan. Pagkatapos ay kinuha ni Jordan at Alex ang kambal at pumunta sa kusina.

"Wow magkamukhang magkamukha talaga kayo ni Daniel. Kami ng kakambal ko magkamukha pero hindi ganito ka identical." sabi ni Leo.

"Ay may kakambal ka din? Nakakatuwa naman." masayang sabi ko. Nakakatuwa naman talaga kasi magkaibigan na parehong may kakambal.

"Oo, may kakambal ako pangalan Lala. Isa siyang doctor sa ospital namin." sabi nya. Nang marinig ko ang doctor ay may sumagi sa isip ko. Kasi kanina ko pa siya pinagmamasdan.

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon