Chapter 30

19.2K 282 21
                                    

Ella's Pov

Kahit papaano ay nakaramdam din naman ako ng awa. Kahit paano naman ay may pinagsamahan pa din kami. Anong nangyari? Bakit siya namatay.

Binasa ni Gabriel ang sulat ni Mark. Humihingi ito ng tawad sa lahat ng nagawa nya lalo na sakin. Nakalagay pa nga duon na minahal nya ako at mahal pa din hanggang ngayon pero sabi nya tanggap nya na na kay Gabriel ako liligaya. Sinabi nyang masaya na siyang nakikita akong masaya. Nagbilin din siya kay Gabriel alagaan ako.

Pero ang nag alala ako sa sinabi nya na bantayan naming mabuti ang kambal. Alam nilang kambal ang anak ko? Si kuya lang ang nakakaalam nito at ang pamilya namin. Pwera sa pamilya ni David Garcia kaya paano nila nalamang kambal ang anak ko.

Dalawang araw na kami dito sa ospital at nagpapalitan ang mga kapatid ni Gabriel pati na si kuya Daniel sa pagbabantay samin. Hindi nila kami iniiwan mag isa dahil na din sa sinabi ni Mark.

"Migs, pwede ka nang umuwi." sabi ni Joseph na kakarating lang kasama si kuya Daniel.

"Sige kuya, ate Ella balik na lang ako ulit." sabi ni Migs. Sinilip muna ang kambal bago umalis.

"Wala bang kahina hinalang lumapit sa inyo? Alam mo nakakaalarma yung sabi ng ex mo. Hindi man lang sinabi kung sino at paano nila nalaman na nanganak ka na at isa pa paano nya nalamang kambal ang anak mo. Sabi mo wala kang sinabihan bukod samin." sabi ni kuya Daniel.

"Wala nga. Sana nga si Mark lang ang may alam. Eh paano kung buong pamilya ni David ang nakakaalam. Natatakot ako para sa mga anak ko." sabi ko.

"Huwag kang mag alala ate Ella, hindi ka pababayaan ni kuya at siyempre kasama kami sa pagbabantay sa inyo." sabi ni Joseph.

"Salamat." sabi ko.

Lumipas ang 2 oras at dumating si Gabriel. Meron kasi siya ngayong operasyon at gusto ng pasyente na siya ang mag opera sa kanya. Lumapit sakin si Gabriel at humalik sa noo ko. Pagkatapos ay sinilip ang mga baby.

"Sweetie, gusto mo na ba umuwi at sa bahay na lang magpahinga?" tanong ni Gabriel.

"Pwede na?" masayang tanong ko at ngumiti siya sakin.

"Pwedeng pwede na. Mas magansa nga yun maaalagaan kayo ni mama." sabi ni Gabriel. Masayang masaya ako sa narinig ko. Atleast makakakilos na ako ng maayos at isa pa nabuburyo ako sa ospital.

Nag ayos kami ng mga gamit at saka kami lumabas. Wala namang problema sa bills o kung ano man kasi si Gabriel ang may ari ng ospital hahaha. Nauna nang lumabas si kuya Daniel at Joseph kasi pumunta kami kay Faith para magpaalam. Malapit na kami sa labas habang hawak hawak ko si Sophia habang hawak naman ni Gabriel si Camilla. Lumapit sa amin sina kuya Daniel at Joseph para kunin ang mga gamit ng mga bata nang bigla kaming makarinig ng pagsabog. Boom!!!! Nanlaki ang mga mata namin dahil sumabog ang sasakyan namin. Napaluha ako kasi buti na lang at hindi pa kami nakakasakay. Mabuti na lang din at bumaba sina kuya Daniel at Joseph.

"Kuya Daniel huhuhu...." nag aalalang sabi ko. Hinawakan ko ang kamay nyang napakalamig. Tulala sila ni Joseph. Niyakap siya ni Gabriel. Ilang minuto din silang nakatulala.

"Tang ina! Buti lumabas tayo kundi patay na tayo." sigaw ni Joseph.

"Hindi ako makapaniwala. Damn! Muntik na ako! Muntik na tayong mamatay!" sigaw ni kuya Daniel na kababalik lang ng ulirat.

Humahangos na dumating si Faith. Ipinakarga ni Gabriel si Camilla kay Faith at pagkatapos ay may tinawagan. Agad nagsidatingan ang mga pulis, bumbero at si Tony.

"Mauna na kayo sa bahay. Isama mo si Daniel at mga pulis. Padating na sila Migs at duon na kayo sumakay. Eeskortan na lang kayo ng mga pulis. Kailangan kong manatili dito para sa mga itatanong pa ng mga pulis." sabi ni Gabriel.

"Mag iingat ka Gabriel." sabi ko.

Dumating naman agad sina Migs at Seb na may dalang sasakyan. Agad na pinasakay nila kami ng mga bata. May 3 mobile na  kaming kasama. Dalawa sa harap at isa sa likuran namin. Nasa likuran din ang 2 bodyguard ko. Maayos kaming nakarating sa bahay. Pagdating namin agad kaming sinalubong nila mama Letty at papa Emilio. Kinuha sakin ni Seb si Sophia at napayakap ako ng mahigpit kay mama Letty. Napahagulgol ako dahil na din sa pagkakashocked ko sa nangyari.

"Tahan na. Mabuti at ligtas kayong lahat. Magpasalamat na lang tayo sa Diyos at walang napahamak sa inyo." pag aalo sakin ni mama Letty.

"Natakot po ako. Buti na lang at nagpaalam muna kani kay Faith at buti na lang po lumabas sila kuya Daniel at Joseph. Kung nagkataon po...." hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil hindi ko matatanggap kung yun ang mangyayari sa kanila.

"Halika na kayo sa loob at makapagpahinga. Baka mabinat ka pa nyan." sabi ni papa Emilio.

Dinala namin sa kwarto namin ang mga bata. Mabuti na lang at hindi nag iiiyak ang kambal. Kasama ko sa kwarto ko ngayon si kuya Daniel, Migs at Seb. Dumating si daddy Enrico at agad niyakap kami ni kuya Daniel. Naluha ako sa pag iyak ni daddy.

"Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama sa inyong dalawa. Hindi ko kakayanin kapag may isa sa inyo ang napahamak. Nawala na sakin si Bella at ayokong may mawala pa sa inyo. Lalo ka na Ella, ngayon ka lang namin nakasama." sabi ni daddy. Napaiyak akong lalo kasi ramdam ko ang kanyang pag aalala.

"Ayos na po kami dad. Siguro ay sinagip kami ni mommy. Kung nakikita nya lang tayo ngayon, sigurado akong masayang masaya na siya." sabi ni kuya Daniel.

Ilang minuto din kaming magkakayakap. Nang kumalma si daddy ay pinagmasdan nya ang kanyang nga apo. Hindi ito nakadalaw kaagad sa akin kasi inasikaso nyang mapaalis ng bansa si Stacey. Binigyan na ni dad ng ultimatum si Stacey at sinabihan na hindi makakatungtong sa Pilipinas hanggat hindi siya nagbabago.

"Ang gaganda ng mga apo ko. Ano nga palang mga pangalan nila?" tanong ni dad.

"Si Sophia po yung nasa kanan at si Camilla po yung nasa kaliwa." sagot ko.

"Ipinangalan mo sa mommy mo yung isa sa kambal?" tanong ulit nya.

"Obvious po ba? Sophia nga dad diba? Magdadrama ka na naman ba? Sabagay matanda ka na." pambabara ni kuya Daniel.

"Ikaw! Kahit kelan ka panira ka ng mood. Saan ka ba talaga nagmana? Kung hindi lang talaga kayo magkamukha ni Bella, iisipin ko na napalitan ka nung sanggol ka palang." sabi ni dad. Natawa naman ako sa usapan nila. Lagi silang ganyan pero hindi naman seryoso silang dalawa. Minsan nga napupunta pa sa kalokohan ang usapan eh.

"Ay sorry Migs at Seb, nandyan pala kayo. Nakalimutan namin. Pagpasensyahan mo na yung dalawa." sabi ko.

"Ayos lang yan ate Ella. Ang saya nga eh. Halatang close na close silang dalawa." sabi ni Seb.

"Sa tingin nyo, sino ang may gawa sa inyo nun?" tanong ni Migs.

"Wala akong idea. Para sakin sila David Garcia lang naman ang pwedeng may motibo dito." sagot ko sa kanya.

"Tama! Kung nuon ay nagawan kayo ng masama ni David eh lalo pa ngayong may dahilan silang magalit. Napunta sa inyo ang mana ng grandparent nyo. Pati pagkakatalo sa pagiging mayor." sabi ni dad.

Habang nag uusap usap kami ay nagring ang cellphone ni Migs. Sinagot nya agad ito. Tahimik lang na nakikipag usap si Migs kay Joseph. Teka mukhang ako ang pinag uusapan nila. Panay kasi ang tingin sakin ni Migs.

"Nahuli na daw ang suspek! Kaso may problem eh.. Kilala mo ate Ella ang suspect." sabi ni Migs.

"Sino?" nag aalalang tanong ko.

"Si Jack! Yung boyfiend ni kuya Alex." sabi pa nya.

"Ano!" buong pagtataka ko.

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon