Chapter 39

744 12 2
                                    

Ella's Pov

Kinabukasan ay pinauwi na rin ako. Nakapagsession na ako kay doktora Julia bago umuwi sa bahay. Sa totoo lang ang weird ng nararamdaman ko kay doktora pero binalewala ko na lang. Isa pa kaibigan siya ni Gab pati na ng mga kapatid nya. Ayoko naman na magtamang hinala tapos mapapahiya si Gab kapag mali ako ng kutob. Kasalukuyan akong nasa coffeeshop at isang linggo na ang nakakalias simula nang umuwi kami sa bahay. Nagpaalam ako kay Gabriel na gusto kong bisitahin ang coffeeshop. Hinatid kami ni Gabriel at kasama ko ang kambal. Kasalukuyang natutulog ang kambal sa office ko. Binabantayan naman sila ng isang staff ko.

"May problema ka ba Ella? Alam mo kanina ka pa tulala dyan. Libre magsabi ng problema sa amin." tanong ni Alex habang nakain kami ng donut with coffee.

"Wala naman." sagot ko.

"Alam mo hindi ka marunong magsinungaling. Kitang kita sa mukha mo na may problema ka. Gusto mo batukan muna kita para matauhan ka. Kelan ka pa natutong maglihim sa amin? Okay lang yung sexlife nyo ni papa Gabriel ang lihim mo noh, naintindihan namin yon. Bakit hindi na masarap si papa Gabriel?" tanong ni Jordan. Binatukan naman siya ni Alex.

"Ikaw talaga puro ka kalokohan. Teka ano nga kasi problema mo Ella? Sabihin mo na bago makabuo ng kwento si Jordan kakahula ng problema mo." sabi ni Alex.

"Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko dun sa kaibigan ni Gabriel. May tiwala ako kay Gabriel, pero dun sa babae feeling ko nasa loob ang kulo." pag amin ko.

"Bakit may nakita ka na bang motibo para mag isip ka ng ganyan?" tanong ni Alex.

"Wala naman. Siguro nagseselos lang ako sa sobrang closeness nilang dalawa. Alam kong mali ang mag isip ng masama sa iba kaso hindi ko mapigilan." sabi ko.

"Gets kita girl. Pero wag ka muna mag eeskandalo hangga't wala kang matibay na ebidensya." sabi ni Jordan.

"Sobrang pagmamahal mo yan kay Gabriel. Natatakot ka na mawala sayo si papa Gabriel kaya ka nakakapag isip ng ganyan sa ibang tao. Mabuti pa magrelax ka muna. Para maalis ang mga masasamang elemento na pumapasok sayo." natatawang sabi ni Alex.

"Grabe ka!" natatawang sabi ko.

Pagkatapos naming kumain ay inayos namin ang mga inventory sa coffeeshop. Ang tagal ko nang hindi nag aasikaso dito. Nasa opisina kaming magkakaibigan nang kumatok ang isa sa staff ko.

"Mam, nandiyan po si Sir Gabriel. Tawag po kayo." sabi nya bago umalis.

"Oh nakakapagtala naman na hindi pumasok si papa Gabriel sa opisina. Dati rati dumidiretso sya pagsinabi sa kanya na nasa opisina ka." sabi ni Alex. Tama sya nakakapagtaka lang.

Lumabas kami ng opisina. Nandun pa din naman yung isa kong staff na nagbabantay sa kambal. May pinapagawa kasi ako sa kanya kaya nasa loob sya ng opisina. Habang naglalakad ako ay napasimangot ako ng makita ko si Gabriel kasama si Julia.

"Girl sino yung kasama ni Gab?" tanong ni Jordan.

"Si doktora na sinasabi ko sa inyo." nakasimangot na sabi ko.

"Ay iba din ang feeling ko. I support you bestfriend." sabi ni Jordan. Napailing na lang si Alex.

"Behave okay." paalala ni Alex.

Nang makalapit kami sa kanila ay ngumiti ako ng pilit. Humalik sa labi ko si Gabriel.

"Sino sya Gab?" tanong ni Jordan.

"Ah siya nga pala si Doktora Julia Romero. Kaibigan ko at doktor ni Ella. Julia sina Alex at Jordan, mga kaibigan ni Ella." pakilala ni Gabriel sa kanila.

"Susunduin mo na ba ang mag iina mo?" tanong pa ni Jordan.

"Hindi pa naman. May kailangan pa kaming pag usapan ni Julia. Dito na lang kami magmemeeting. Nasabi ko kasi sa kanya ang coffeeshop ni Ella. Na curious sya kaya andito kami." paliwanag ni Gab kay Jordan.

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon