Lala

585 8 1
                                    

Ella's Pov

Halos hindi na nauwi sa bahay si Gab. Sobrang nag aalala na ako sa kanya. Kahit pa sabihin niya na okay lang na bumaba siya sa pwesto eh alam ko na mabigat sa dibdib niya kung gagawin niya iyon. Mahal niya ang ospital kaya naman alam ko na napakahalaga na siya pa din ang mamahala dito. Pinaghirapan ito ni papa Emilio kaya naman mahal na mahal ito ni Gab. Hindi man ito ang number one na ospital sa bansa eh napanatili naman ni papa Emilio at Gab na makilala ito sa buong bansa. 

“Oh my God! Ikaw nga! What a small world. Kaibigan pa ni kambal ang kakambal mo. Naikwento ka na sakin ni kuya Leo.” sabi nung babaeng kadarating lang. 

“Maupo ka nga muna bago ka magdadadaldal diyan. Hindi ka na nagbago, ganyan ka pa din pala kapag excited ka.” natatawang sabi ko. 

Naupo naman siya kaagad. Nasa coffeeshop ako at dito namin napagdesisyunan na magkita ni Lala, ang kakambal ni Leo na naging kaibigan ko. Nagpumilit kasi siya na makipagkita. ibinigay pala ni Leo sa kanya ang cellphone number ko. Dito ko napagdesisyunan na makipagkita kasi kailangan ako sa coffeeshop. Wala pa kasi sila Jordan at Alex kaya ako muna ang natingin. 

“Asan na ang mga anak mo? Balita ko kambal din daw ito.” tanong ni Lala

“Nasa loob ng opisina ko. Gusto mo bang duon na tayo mag usap? Kaso tulog pa ang kambal ko.” sabi ko.

“Okay lang dito. Wala naman problema sakin kung may makakita sa atin ng nag uusap. Ang sakin lang eh baka maging issue pa sa board meeting ng asawa mo dahil alam mo na, gagawa at gagawa sila ng tsismis para mapag away ang dalawang ospital which is hindi naman dapat. Nagtayo tayo ng ospital para tumulong hindi dahil sa rivalry at pataasan ng ego.” sabi ni Lala.

“Well may naisip na ako kapag nagkataon na ganun ang mangyari.” ikinuwento ko sa kanya ang naisip ko. 

“Wow ang galing ng naisip mo. Tama yan, don’t worry susuportahan ko kayo. Ang swerte ng asawa mo sayo. Sobrang bait mo at mapagmahal na asawa. Hindi mo naman dapat gawin sa asawa mo yan dahil puro stress lang ang aabutin mo pero you choose to help him.” sabi ni Lala. 

“Maswerte din naman ako sa asawa ko. Ipinaglaban nya ako at tinulungan nung mga panahon na hindi ko pa kilala sila daddy at kuya Daniel. Medyo masama ang naging experience ko sa kinagisnan kong pamilya.” paliwanag ko.

“Oo nabalitaan ko na nga yan kay kuya Leo. Don’t worry dahil malaki din naman ang utang na loob ni kuya sa kuya mo ay tutulungan namin kayo. Siguro naman naexplain na ni kuya ang secret nila kaya may idea ka na kung papaano ka nila matutulungan.” sabi ni Lala.

“Oo nagbibigay na kami ng update ni Leo sa isa’t isa. Ayaw ko nang patagalin pa ang paghihirap ng asawa ko. Nag aalala na ako sa kanya ng sobra. Kaya naman gusto ko siyang matulungan at salamat at nakilala ko si Leo.” sabi ko. 

“Mam Ella, gising na po ang kambal sabi ni Rita. Dadalhin po ba namin sila dito?” sabi nung isang empleyado ko. 

“Hindi na. Papasok na kami sa opisina ko. Pakidala na lang yung mga inorder ko sa opisina.” sabi ko. Tapos tumayo na kami ni Lala at pumunta sa opisina ko. Pagpasok namin sa opisina ay nadatnan namin si Rita na karga karga si Sophia. Nagulat kami ng biglang tumili si Lala. tapos ang nakapagtataka eh ang reaksiyon ng kambal kasi nanlaki ang mga mata nila nung tumili si Lala pero bigla silang humagikgik.

“Grabe, hindi naman pala nagsisinungaling si kambal. Akala ko masyado siyang exaggerated nung sabihin nya sakin na mga mukhang manika ang kambal mo. Akala ko talaga filter lang yung picture na sinend sakin ni kambal.” natatawang sabi ni Lala habang nilalaro naman si Camilla na nasa stroller. 

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon