Ella's Pov
Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Nakaupo ako at nakatali ako sa isang upuan. Naluluha ako sa sobrang takot. Nilibot ko ang buong paningin ko pero wala akong maaninag. Gusto kong sumigaw pero may nakatapal sa bibig ko. Nasaan ako?
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Medyo napapikit ako dahil nasilaw ako ng biglang bumukas ang ilaw. Tanging ungol lang lumalabas sakin. Nang dumilat ako ay nakita ko ang dalawang malalaking lalaki. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang isang lalaki, si kuya Rey. Tumulo ang luha ko sa sobrang pagkadismaya. Nagtiwala kami sa taong ito pero trinaydor nya lang kami. Bakit? Maya maya ay may pumasok ulit sa pinto. Lalo akong napaluha ng makita ko kung sino ito. Mama! Ang itinuring kong ina na kaya pala hindi ako magawang mahalin dahil hindi nya ako tunay na anak.
"Magaling hindi ako nagkamali sayo Rey. Tanggalan nyo na ng busal sa bibig yan." sabi ni Eva. Ayoko syang tawaging mama dahil hindi siya karapat dapat. Agad naman na tinanggalan ako ng busal.
"Hayop ka pinagkatiwalaan ka namin pero tatraydurin mo lang kami!" sigaw ko kay kuya Rey. Tahimik lang at hindi sya nagsalita.
"Ang bilis nyo kasing magtiwala eh. Ang tanga nyo, hindi kayo nagbackround check. Madaling nakapasok ang kapatid ko. Nagulat ka no? Oo nakababatang kapatid ko si Rey." nagulat ako sa sinabi nya.
"Bakit nyo ba ginagawa sakin ito? Anong nagawa ko sa inyo?" tanong ko. Hindi ko mapigilan ang umiyak.
"Wala ka naman sanang nagawang masama samin kaso ng dahil sayo nakulong ang mga anak ko! Nakalaya nga si Karen pero ikinulong nyo naman si Monica!" sigaw ni Eva.
"Hindi ako ang may kasalanan sa nangyari! Gumawa sila ng kasalanan kaya pinagbabayaran nila yun. Bakit ako ang sinisisi nyo. Bago pa mangyari yun, anong kasalanan ko at bakit nyo ako pinahihirapan?" galit na tanong ko.
"Sa totoo lang wala kang kasalanan. Hahaha, malas mo kasi kamukha mo ang mama mo." natatawang sabi nya.
"Bakit nasama ang mommy ko dito?" tanong ko.
"Dahil ang mommy mo ang may kasalanan sakin!" sigaw ni Eva.
"Matagal ng patay ang mommy ko. Bakit mo siya sinisisi?" nagtatakang tanong ko.
"Dahil siya pa din ang mahal ni David! Kahit kailan hindi nawala si Bella sa isip ni David! Ang tagal kong itinago ang nararamdaman ko kay David. Hindi nya ako napapansin simula pa lang ng bata pa kami. Naging matalik kaming magkaibigan pero si Bella pa din ang bukang bibig nya. Hanggang sa sumuko ako at nag asawa. Namatay ang asawa ko at nagkaroon ako ng dalawang anak. Pero hindi ko pa din nagbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Nagkaroon kami ng relasyon habang may asawa pa ako at hindi alam yan ng mga magulang nya. Nilason ko ang asawa ko kasi sabi nya papakasalan nya ako kapag hiwalay na ako. Kaso dumating ka sa buhay namin. Lahat ng ang atensyon at pagmamahal ni David ay nasa iyo. Parang hindi kami nageexist sa buhay nya. Kaya gumawa ako ng paraan para mawala ka samin. Sabi ko isasauli kita sa pamilya mo pero nagmakaawa si David at mga lolo at lola mo." galit na paliwanag nya.
"Bakit hindi mo na lang ako isauli? Eh di sana walang hadlang sa inyo!" sigaw ko.
"Dahil ipinangako sakin ni David na hindi siya makikialam sa gagawin ko sayo basta nakikita ka lang nya. Akala mo ba siya ang kaaway nyo? Hahaha! Nagkakamali kayo. Ako ang nagpapatay sa mga lolo at lola mo! Hadlang kasi sila sa mga plano ko!" proud pa nyang sabi.
"Hayop ka! Wala kang kaluluwa! Pati mga matatanda dinamay mo pa. Huhuhu!" sigaw ko.
"Tama lang yun! Kahit kelan naman hindi nila itinuring ang mga anak ko na mga apo nila. Kaya tama lang sa kanila yun!" sigaw nya.
"Ang sama sama mo! Wala kang kasing sama! Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo!" sigaw ko sa kanya.
"Anong magagawa mo? Hahaha! Sige bantayan nyo yan! Huwag nyong papakawalan. Hihingi muna tayo ng malaking pera bago natin papatayin yan." sabi nya sa dalawang lalaki.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...