Ella's Pov
Nakatulog ako ng buong biyahe namin papuntang Baler. Sa totoo lang sobrang kaba ko kaya pinatawag ko si Gabriel kay kuya.
"Sweetie, baba ka na." sabi sakin ni Gabriel. Inaalalayan nya akong makalabas ng kotse.
"Bakit masyadong maliwanag ang bahay? At bakit ang daming tao?" tanong ko.
"Halika na sweetie. Mabuti pa pumasok na tayo. Sana pagpasok natin ay huminahon ka lang ha." sabi ni Gabriel.
Nagtataka man ako ay pumasok na rin ako sa bahay. Kaso pagpasok ko ay napako ang akong mga paa sa pintuan. Napansin ko na nasa harap si kuya Oliver.
"Ella! Huhuhu!" sigaw ni kuya. Pagkatapos ay dali dali itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Kuya ano ba to? Bakit ang daming tao? Sinong namatay?" tanong ko.
"Ella, wala na sina grandma at grandpa. Iniwan na nila tayo huhuhu!" sabi ni kuya habang naiyak at nakayakap sakin.
"Kuya hindi magandang biro to!" galit na sabi ko.
"Maganda sana kung biro lang ito, pero hindi bunso. Iniwan na nila tayo." sabi pa nya.
Umalis ako sa pagkakayakap ni kuya. Dahan dahan akong naglakad sa dalawang kabaong na nasa harapan. Nang makarating ako sa harapan ay hindi ko napigilan ang lumuha.
"Grandma, grandpa, hindi po magandang biro ito. Tumayo na kayo dyan!" sigaw ko.
"Sweetie, huminahon ka muna." sabi ni Gabriel. Lumapit ako sa kabaong ni Grandma.
"Grandma, sabi mo ipapasyal mo pa kami ng baby ko. Magbabonding tayo. Sabi mo pa magbabakasyon tayo sa America. Grandma, tumayo ka na dyan! Huhuhu!" hindi ko mapigilang humagulgol. Niyakap ko ang kabaong ni grandma. Inangat naman ako ni Gabriel sa pagkakahiga ko sa kabaong ni grandma at saka niyakap.
"Gabriel bakit? Bakit iniwan nila agad ako. Ang saya lang namin nung nakaraan eh. Sabi ni grandma, aalagaan nya pa kami ng baby natin huhuhu!" Iyak ako ng iyak. Inupo ako ni Gabriel at pinainom ng tubig. Hinayaan nya lang akong umiyak ng umiyak at maglabas ng nararamdaman. Panay ang halik nya sa noo ko.
"Ella, okay ka na ba? Nahimasmasan ka na ba?" tanong ni kuya Oliver. Tumango lang ako.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Gabriel.
"Hindi ko alam. Umalis at may pinuntahan sina grandpa na hindi ko alam. Hindi sila nagpaalam sakin. Pumasok ako sa barangay. Bandang hapon ay nakatanggap ako ng tawag mula sa ospital. Nang puntahan ko ang ospital ay dead on arrival si grandpa pero si grandma nasa emergency room. Halos dalawang oras ako naghintay kay grandma pero paglabas ng doktor ang sabi maraming dugo na ang nawala kay grandma at hindi na kinaya pa ng puso nya. Natulala lang ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nang sabihin nila sakin na parehong nasa morgue sina grandpa ay dali dali akong nagpunta." sabi ni kuya. Grabe ang pagtulo ng luha nya. Alam kong hirap na hirap si kuya na magkwento sa amin. Huminga ng malalim si kuya at pagkatapos ay pinagpatuloy nya ang mga sasabihin nya.
"Nakita ko ang mga ito na may takip na tela. Parang hindi ko kayang buksan ito. Hinihiling ko na panaginip lang ang lahat. Sana binibiro lang nila ako. Pero nang inangat ko ang tela, gumuho ang mundo ko. Nakita kong madaming sugat sina grandpa at grandma. Natagalan ako bago bumalik sa aking ulirat. Saka ko tinawagan si Gabriel. Huwag kang magalit sa kanya. Ako ang nagsabi na huwag munang sabihin sayo dahil baka kung anong mangyari sayo. Hindi ko na kayang mawala ka o may mangyaring masama sayo." paliwanag ni kuya habang lumuluha. Niyakap ko ng mahigpit si kuya Oliver. Nang mahimasmasan siya ay humarap siya kay Gabriel.
"Gabriel, alam kong marami kang koneksiyon. Pwede ba akong makisuyo. Nabasa ko kasi na ang ikinamatay ni grandpa ay tama ng baril. Gusto kong paimbestigahang mabuti ang kaso nila. Kung hihintayin ko lang ang hustisya dito ay baka matagalan o di kaya walang mangyari." sabi ni kuya.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...