Gabriel's Pov
Isinama ko si Ella pauwi ng Manila. Hindi na ako pinigilan pa ng grandparents at kuya nya. Alam ko na mas gusto nila na isama ko si Ella lalo pa at nangyari ang insidenteng iyon. Mukhang walang alam ang mga lolo at lola ni Ella sa mga nangyayari sa kanya.
"Tulog na ba si Ella, anak? tanong ni mama pagkababang pagkababa ko. Inuna kong pakalmahin si Ella at nang makatulog ito ay saka ako bumaba.
"Yes ma." sagot ko.
"Kawawang bata mabuti na lang at nakatulog na siya. Kanina pa nag iiiyak sa sasakyan ang batang iyon. Matagal na bang kinakawawa siya sa kanila?" tanong ni papa.
"Sabi ng mga kaibigan nya, simula pagkabata po ay ganun na nila ituring si Ella. Kaya nga po medyo ilag siya sa tao at hindi nagtitiwala sa iba dahil sa kagagawan ng pamilya niya." sagot ko.
"Mukha namang maayos ang lolo at lola nya pati na ang kuya nya." sabi ni mama.
"Ang kuya nya lang po ang laging nagtatanggol sa kanya. Kaya lang pagnasa trabaho ang kuya nya ay hindi siya mabantayan sa ibang pamilya nya. Ang grandparents po niya ay walang kaalam alam na dumaranas si Ella ng kalupitan. Sa America po kasi sila nakatira." paliwanag ko.
"Kaya ba kinuntsyaba mo kami para mahuli sila sa akto ng pangmamaltrato kay ate Ella?" tanong ni Migs.
"Tama ka Migs. Gusto ko kasi may ebidensya para tigilan na nila si Ella. Sumusobra na kasi sila. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Ella para paulit ulit nilang sinasaktan ito. To the point na ang mga kaibigan nya na ang magsabi na iligtas ko si Ella." paliwanag ko.
"Mabuti na lang pala at nasundan ko sya bago pa nila mabaliktad ang mga pangyayari. Grabe, hindi ako makapaniwala na kayang gawin nila iyon sa kapatid nila." sabi ni Joseph.
"So ano nang plano mo anak?" tanong ni papa.
"Gusto ko muna po sanang pakasalan siya sa huwes para maging legal na siya sa puder ko at para wala na silang habol. Ayoko na po kasi siyang bumalik sa bahay na iyon." sabi ko.
"Maige pa nga pero kailangan mo pa din sabihan ang mga grandparents nya at ang kuya nya." sabi ni papa.
"Siyempre naman po." sagot ko.
"Huwag kang mag alala kuya susuportahan ka namin." sabi ni Seb.
Napangiti ako sa sinabi nila. Iniisip ko palang sobrang saya ko na lalo pa siguro pagkinasal na kami ni Ella. Gusto ko maranasan nya na magkaroon ng ganitong pamilya. Nagpatuloy kami ng paguusap tungkol naman sa mga negosyo namin. Pagkatapos ay nagpaalam na ako para puntahan si Ella sa kwarto. Pagdating ko sa kwarto naabutan ko itong gising pero nakahiga pa din sa kama.
"Hey sweetie. Kanina ka pa ba gising?" tanong ko.
"Hindi kakagising ko lang. Medyo nakaramdam kasi ako ng gutom." sabi ni Ella.
"Sige halika na sa baba para makakain ka na." pag aaya ko.
Inalalayan ko siyang bumangon. Bumaba kami at nagpunta sa kusina. Naabutan namin si Mama na nag aayos ng kusina.
"Ma, may pagkain pa ba tayo? Nagugutom po si Ella." sabi ko kay mama.
"Ganun ba? Ano bang gusto mong kainin Ella?" tanong ni mama. Tumingin sa akin si Ella na parang nagtatanong kung okay lang ba. Tumango ako.
"Naku iha huwag kang mahiya sa akin. Simula ngaun ituring mo na akong ina mo. Huwag kang mag alala aalagaan ka namin dito." sabi ni mama. Napalingon ako kay Ella. Tumutulo na ang luha nito at nagiging emosyonal. Pinunasan ko ang mga luha nito.
"Gusto ko po sanang kumain ng seafood o kahit isda o tuyo po okay na po sakin." nag aalangang sabi ni Ella.
"Naku bata ka, napakamahiyain mo pala. Mabuti na lang at may mga stock pa ako dito. Sige lulutuan kita ng buttered shrimp. Okay na ba sa iyo yun? Gusto mo ba na magsigang din ako ng hipon para may sabaw ka?" sabi ni mama.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...