Ella's Pov
Takot na takot ako sa nakita ko kanina. Sobra ang panginginig ko dahil dito. Binigyan naman ako kaagad ni Gabriel ng pampakalma. Hindi umalis sa tabi ko si Gabriel. Si Tony at Joseph ang lumabas para makuha ang cctv sa guardhouse. Malungkot ang mga itong dumating ng bahay.
"Anong balita?" tanong ni Gabriel.
"Hindi maganda kuya, nakatakas ang suspek. Nakita sa cctv na umalis agad ito matapos mailagay ang package." sabi ni Joseph.
"Paano ang plaka? Natrace ba?" tanong ulit ni Gabriel.
"Pare, peke ang plaka. Halatang pinagplanuhan ito. Alam mong mahigpit ang inilagay kong security sa inyo pero nakalusot pa din siya. Pasensya na Gab at Ella." sabi ni Tony.
"Okay lang Tony, sobrang laking tulong mo na sa amin. Hindi natin maiiwasan ang ganyan." sabi ko.
"Tama si ate Ella. Maglagay na lang tayo ng karagdagang security dito sa bahay." sabi ni Joseph.
"Magpahinga na kayo. Kami nang bahala ni Tony sa lahat. Mabuti pa sweetie huwag ka munang lalabas ng bahay. Kung may importante kang gagawin sa labas ay magpasama ka sa mga bodyguard mo at isa sa mga kapatid ko. Ang importante lang ay ligtas kayo ng mga bata. Okay lang ba sweetie na iwan muna kita para asikasuhin ang nangyari?" tanong sakin ni Gabriel.
"Oo naman. Huwag kang mag alala kaya ko na. Nandyan naman sina mama Letty. Lumakad na kayo ni Tony." sabi ko. Hinalikan nya ako sa labi saka umalis.
Nagpunta ako sa kwarto ng kambal. Ang himbing ng tulog nila kasama si mama Letty. Nagbibiruan nga ang buong pamilya ni Gabriel, kasi simula daw dumating ang kambal ay naiwan na ni mama Letty ang kusina. Nakakatuwa kasi masayang masaya sila simula dumating ang mga anak ko. Ginising ko si mama Letty para makapagpahinga ng maayos. Kaya ko na naman na alagaan ang kambal.
"Mama, gising na po kayo. Gusto nyo po bang lumipat na sa kwarto nyo? Kaya ko na naman pong alagaan ang kambal." sabi ko. Naaawa na kasi din ako kay mama kasi natutulog lang siya sa upuan na malapit sa kambal. Nagising naman si mama.
"Okay lang naman ako. Magpahinga ka na lang muna. Mukhang nabigla ka pa sa mga nangyari. Nasabi mo na ba yan sa daddy at kuya mo?" tanong ni mama.
"Hindi pa po eh. Nakalimutan ko pong sabihin sa kanila." sagot ko.
"Ibalita mo kaya sa kanila. Naiisip ko lang na baka si Stacey ang may gawa nun." sabi ni mama.
"Imposible po yun Ma. Nasa Italy na si ate Stacey. Nakavideocall pa po namin ni kuya Daniel ito nuong isang araw. May nakamonitor po kay ate duon sa Italy kaya sigurado po ako na hindi si ate Stacey ang may kagagawan nito. Tingin ko po ay nagbabagong buhay na po si ate." sabi ko.
"Mabuti naman kung ganun. Sino nga kaya ang may kagagawan ng lahat ng ito?" tanong ni mama.
"Hindi ko po alam. Wala naman po akong ginawan ng masama at inapakang tao para ganituhin nila ako. Gusto ko na pong mamuhay ng tahimik at masaya kami ng pamilya ko na walang aalalahaning panganib. Ma, kelan po kaya matatapos ito?" naluluhang sabi ko.
"Magdasal lang tayo Ella, anak. Lagi mong tatandaan na pagsubok lang yan. Wala kang ginawang kasalanan sa katunayan ay napakabait mo. Hindi nagkamali si Gabriel sayo. Sadyang may mga tao lang talaga na sobrang sama. Tandaan mo na nandito lang kami para sa iyo." sabi ni mama Letty.
"Thank you po mama Letty kasi nandyan kayo palagi para gabayan kami ni Gabriel tapos ngayon po kayo nag aalaga sa kambal. Sobrang thank you po." sabi ko. Ngumiti lang siya.
Tinulungan ako ni mama sa kambal. Tinuruan nya din ako ng mga hindi ko pa alam tungkol sa pag aalaga ng bata. Nalibang ako sa ginagawa namin ni mama. Natigil lang kami ng biglang tumawag si Jordan. Sinagot ko naman ito agad.
"Hello Jordan." bati ko.
"Ella! Nasusunog ang apartment mo!" natatarantang sigaw ni Jordan sa kabilang linya.
"Ano! Kamusta kayo ni Alex?" nag aalalang tanong ko sa kanya.
"Ayos kami ni Alex. Kaso wala kaming naisalbang mga damit at gamit. Nagmamadali kaming lumabas ni Alex. Huhuhu." sabi ni Jordan habang naiyak.
"Huwag nyong alalahanin ang mga materyal na bagay. Ang importante ay ligtas kayong dalawa. Papunta na ako diyan." sabi ko pagkatapos ay binaba ko ang tawag.
"Ma, puntahan ko po muna sila Jordan. Nasusunog daw po ang apartment ko. Walang daw pong naisalba sila Jordan." paalam ko kay mama.
"Ano? Kamusta na sila? Kung gusto nila ay dumito muna sila kung wala silang matutuluyan." sabi ni mama.
"Ayos po daw silang dalawa pero gusto ko pong makita ang kalagayan nila. Marami po akong gatas na nasa ref. Pwede po bang kayo muna ang magbantay sa kambal?" tanong ko.
"Oo naman. Kung may problema tumawag kayo. Tawagan mo si Gabriel o magsama ka ng isa sa mga anak ko. Siya lumakas ka na." sabi ni mama.
Bumaba ako at tinawagan si Gabriel ngunit hindi siya nasagot. Nakita ko naman na nandun sa sala si Joseph. Sinabi ko sa kanya ang nangyayari at pumayag siya na samahan ako. Habang bumabyahe kami ni Joseph ay nakasunod sa amin ang mga bodyguard ko. Dumating kami sa apartment at nakitang inaapula na ng mga bumbero ang apartment ko. Sunog na sunog ito.
"Jordan! Alex!" tawag ko sa kanila. Lumapit agad sila sakin ng makita nila ako. Niyakap nila ako at nag iiyak. Siguradong takot na takot sila sa nangyari.
"Ano bang nangyari?" tanong ko sa dalawa.
"Wala kaming alam. Nakita na lang namin na umuusok ang apartment. Muntik na kaming hindi makalabas ni Jordan dahil sobrang laki na ng apoy. Wala kaming naisalba Ella." sabi ni Alex.
"Huwag nyong alalahanin yun. Kaya nating palitan lahat ng nawala sa inyo. Ang importante ay ligtas kayo." sabi ko.
Habang kinakalma ko ang dalawa kong kaibigan ay kausap naman ni Joseph ang mga pulis. Natapos ang pag aapula ng mga bumbero at nakaalis na ang mga pulis na nag iimbestiga.
"Ella, pwede ba kami ni Alex na manatili muna sa coffeeshop? Pagnakasahod na kami saka kami maghahanap ng mauupahan." sabi ni Jordan.
"Ano ka ba naman! Ano ko ba kayo, siyempre pwedeng pwede. Kung gusto nyo nga dun na muna kayo sa bahay sabi ni mama Letty yun. Alam nyo naman na welcome kayo sa bahay." sabi ko.
"Hindi na! Nakakahiya kay tita Letty." mabilis na sabi ni Jordan. Napatingin ako kay Joseph dahil titig na titig siya kay Jordan. Gusto nitong magsalita pero hindi na nito tinutuloy.
"May problema ba ang dalawa?" bulong sakin ni Alex. Habang pareho kaming nakatitig kina Joseph at Jordan.
"Ewan ko." bulong na sagot ko sa kanya. Hindi na namin inusisa si Jordan tungkol kay Joseph dahil alam namin na hindi ito sasagot.
Napagdesisyunan na namin na ihatid ang dalawa sa coffeeshop. Pero dadaan muna kami sa mall para mabilihan sila ng mga damit at mga underwears. Wala kasi silang gagamitin dahil wala silang naisalba. Hindi pa man kami nakakasakay ay biglang nakarinig kami ng putok ng baril. Bang! Bang! Bang! Sunod sunod ang putok nito.
"Pasok sa kotse!" sigaw ni Joseph.
Natatarantang pumasok sina Alex at Jordan sa kotse. Patuloy pa din ang pagpapalitan ng putok nila Joseph at ng mga kalaban. Susunod na sana akong papasok ng kotse ng may biglang sumigaw.
"Sir Joseph!" sigaw ni kuya Kit. Isa sa bodyguard ko. Napalingon ako sa kanila. May tama si Joseph sa hita samantalang ang dalawang bodyguard ko ay may mga tama sa braso. Pupuntahan ko sana sila ng biglang may humaharurot na sasakyan papalapit sakin. Napatulala ako dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito. Nagulat ako dahil pagbukas ng pinto ay may lumabas na mga nakamask. Nagpaputok sila sa kinaroroonan nila Joseph at mga bodyguard ko. Tinakpan nila ng puting panyo ang ilong ko.
"Ella!" sigaw nila bago ako nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...