Gabriel's Pov
Pagkatapos ng meeting ay naging tahimik ang buhay namin ni Ella. Naging abala kami sa pakikipagpartner ng Golden Hospital sa amin. Inatasan ko si Ella na siya ang maging representative ng ospital namin. Nakauwi na pala sila Jordan at Alex kaya naman free na ang asawa kong magjoin sa mission. Wala naman kaming masyadong gastos kasi nag uumapaw ang donations sa mission na iyon. Ang gastos lang namin ay ang mga sahod at expenses ng mga doktor na ipapadala ko. Nagdonate din kami ng pamilya ko ng mga pagkain, mga damit at iba pang mga kinakailangan ng mga mahihirap na tao. Ginagawa naman din namin ang mga medical mission dati pa, kaso medyo kapos sa budget. Ang dami kasing mga naghihirap na tao lalo na ang mga malnourished sa mga tagong lugar. Pero ang pamilya ng Guerrero ay mabilis na nakahanap ng mga magdodonate sa medical mission na ito.
"Ano bang iniisip mo Gab? Ang lalim ah. Huwag kang mag alala mahal ka ni Ella." birong sabi ni Tony.
"Sira ulo! Teka ano na naman ba ang ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Namimiss kita kaya ako nandito." birong sabi ni Tony.
"Siraulo ka! May balita na ba kina Julia?" tanong ko.
"Nahuli na ang ama ni Julia. Ang dami palang pinagkakautangan nito.
"Talaga?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala. Dati kasi kung makaasta sila sa amin ay parang sila ang pinakamayaman sa mundo.
"Oo, daming utang. Sunod sunod nga na nagfile ng reklamo ang mga naloko nila. Kaso walang nakitang ebidensya na kasabwat ang ibang pamilya nito." napailing na lang ako. Matinik talaga ang pamilya nila Julia.
"May isa pa tayong problema kaya ako napapunta dito. Nakatakas si Monica. Hindi namin alam kung paanong nangyari pero iniimbestigahan na namin ng mabuti ang pagkawala nito." sabi ni Tony.
"Ano ba yan Tony mukhang may tauhan kang ahas. Maglinis ka na ng mga tauhan mo." sabi ko.
"Oo nga eh. Medyo pati ako ay napagalitan ng nakakataas. Siya nga pala kaya din ako nandito ay para matanong si Ella. Kailan ba ang uwi nito? Hindi kasi pwedeng sa cellphone ko lang siya kausapin. Kukuha lang ako ng ibang information. Isa pa pala nasaan nga pala yung isang kapatid ni Ella?" tanong ni Tony.
"Si ate Karen ba? Nasa resthouse sa Baguio. Nagpapagaling pa din siya duon." sabi ko.
"Pwede na bang makausap iyon? Kailangan namin ng karagdagang impormasyon. Pwede bang mapuntahan sa Baguio?" tanong ni Tony.
"Pwede na pero kailangan kausapin muna ni Ella bago nyo makausap. Medyo ilag si ate Karen." paliwanag ko.
"Siya pakisabihan si Ella tungkol sa napag usapan natin at isa pa mag ingat siyang palagi ganitong nakawala si Monica. Mukhang may malakas na kinakapitan ito." sabi pa ni Tony.
"Salamat bro!" sabi ko.
"Sige alis na ako. Mag iingat kayo. Kung gusto mo pa ng karagdagang bodyguard eh sabihan mo lang ako." sabi ni Tony bago umalis.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Ella. Medyo napraning ako nang hindi ito sumagot. Hindi ko ito tinantanan hanggat hindi nasagot si Ella. Napawi naman ang pag aalala ko nang sumagot ito makalipas ang 15 minuto.
"Hello tatay, may problema ba? Ang dami mong missed calls." sabi ni Ella.
"Bakit ang tagal mo sumagot?" tanong ko.
"Busy kasi kami ngayon dahil dumating yung ibang mga donations na galing sa ibang bansa. Ako ang nakatoka na tumanggap at magbilang ng lahat ng mga boxes. May problema ba tatay?" sabi ni Ella sa kabilang linya. Natauhan naman ako at nagdalawang isip kung sasabihan pa ang asawa ko ng panibagong problema. Ayoko siyang mag alala.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...