Chapter 37

17.8K 275 31
                                    

Ella's Pov

"Ella!" narinig kong sigaw ni ate Karen. Bang! Bang! Napapikit na lang ako ng marinig ko ang putok ng baril. Iniintay ko na may maramdaman akong sakit ngunit ilang minuto ay wala pa din.

"Papa!" narinig kong sigaw ni ate Karen. Naririnig kong umiiyak siya kaya naman napadilat ako. Nakita kong nakatayo sa harap ko si David. Nanlaki ang mata ko ng biglang umubo siya ng may dugo. Agad na lumapit si ate Karen sa kanya at napaupo sila sa sahig. Lumapit din ako sa kanila at lumuhod.

"Bakit? Bakit mo sinalo ang bala na para sakin?" sabi ko. Hindi ko napigilan tumulo ang luha ko.

"Sabi ko naman sayo hindi kita hahayaang masaktan pa. Sa ganitong paraan lang ang alam ko na..... pwede akong makabawi sayo. Sana.... mapa..tawad mo ako..... anak." nahihirapang sabi ni David.

"Huhuhu, huwag na po kayong magsalita. Pinapatawad ko na kayo." sabi ko habang hawak hawak ko ang kamay nya at inilagay ko ito sa pisnge ko. Napahagulgol naman ako ng malakas.

"Pwede... mo pa... ba akong tawa...ging papa?" hirap na hirap na sabi ni David.

"Papa! Salamat po. Huhuhu!" sabi ko habang naiyak pa din. Nawala lahat ng galit ko sa kanya dahil sa ginawa nya.

"Sala...mat. Alagaan mo... maige ang... kambal mo." sabi pa ni papa. Maya maya ay nawalan na ito ng hininga.

"Papa!" sabay naming sigaw ni ate Karen habang nahagulgol kami.

"Anong ginawa mo mama? Akala ko ba mahal mo si papa!" galit na sigaw ni ate Karen kay Eva.

"Maige na yan! Kung hindi rin naman siya tuluyang magiging akin eh di mamatay na lang siya. Mas gusto nya naman yun dahil para magkasama na sila ng Bella nya!" sabi ni Eva.

"Hayop ka! Wala ka talagang kasing sama! Demonyo ka na!" sigaw ko kay Eva. Sukdulan ang galit ko sa kanya.

"Sinisigawan mo na ako!" sabi ni Eva. Lumapit ito sa akin at saka ako sinabunutan.

"Bitiwan mo ako!" sigaw ko. Pinipilit kong makawala sa pagkakasabunot nya pero hindi ko magawa. Nanghihina na ako dahil sa pagkakatali ko sa upuan. Lumapit sa amin si ate Karen at tinulungan ako.

"Bitiwan mo siya mama! Tama na!" sigaw ni ate Karen. Binitawan nya ako at napaupo ako sa sahig. Sinampal nya si ate Karen at napaupo din ito sa sahig sa lakas ng pagkakasampal nya sa anak nya.

"Tama na Ma! Sumuko ka na lang." sabi ni ate Karen sa mama nya. Lumapit sakin si Eva at hinampas ako.  Maya maya ay itinutok nya ang baril sa akin.

"Ma!" saway ni ate Karen sa mama nya.

"Tumigil ka! Siya ang may kasalanan kung bakit kayo nakulong ni ate Monica mo. Tapos ang nanay nya ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito. Buong buhay ko naging kaagaw ko siya sa papa ninyo. Kahit kelan hindi ko naramdaman na minahal ako ni papa nyo!" gigil na sabi nya.

"Tama na po! Tumigil..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang kaming may narinig na putok ng mga baril. Bang! Bang! Bang! Pumasok si Rey sa kwarto.

"Eva! Kailangan na natin umalis dito. Nalalagasan na tayo ng tauhan. Sobrang dami nila. Hindi na natin kakayaning lumaban." sabi ni Rey ang dati kong bodyguard. Hindi na sya dapat igalang.

"Sige dalhin natin ito! Karen umayos ka na at tatakas na tayo." sabi ni Eva.

Kinaladkad ako ni Eva palabas. Itinali nya at ni Rey ang mga kamay ko. Kahit anong pilit kong kumawala ay hindi ko magawa. Paglabas namin ng pinto ay biglang bumulagta si Rey kasabay ng tunog ng pagputok ng baril.

"Aaahhhhh!" sigaw ko. Inilagay nya ako sa harapan nya at tinutukan ako ng baril sa ulo.

"Tama na! Huhuhu." sabi ko.

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon