Ella's Pov
"Bestie susulat ka ha! Huwag mo kaming kakalimutan." sabi ni Jordan. Binatukan ko nga ito.
"Gaga! Para namang aabutin kayo dito ng taon o buwan. Fyi, linggo lang ang binigay ko sa inyo. Dami nyo pang trabaho." sabi ko.
"Ikaw naman, gusto ko lang sabihin yung mga napapanuod ko sa drama kapag naalis yun isang tao na mahalaga sayo." natatawang sabi ni Jordan.
"Ayan kasi kung ano ano na naman ang napapanuod mo. Pwede ba umayos ka nga. Walang seseryoso sayong lalaki kapag ganyan ka." sabi ni Alex.
"Eh hindi naman kaseryo seryoso yung nakilala ko kagabi. Aba! Nagpropose sakin ng kasal pero nung sinabi nya ang kundisyon ay yaya o katulong pala ang gusto. Okay lang siya? Ganda ko kayang yaya. At isa pa napakahilig!" nandidiring sabi ni Jordan. Napailing na lang ako.
"Pasensya ka na anak at hindi kita masasamahan umuwi ng Pilipinas. May importanteng pa kasi akong dapat asikasuhin dito sa Italy." sabi ni daddy.
"Ano ka ba naman daddy okay lang po. Nandyan naman po ang yaya ng kambal. Kaya na po namin ito." sabi ko kay daddy.
"Ako din kambal sorry at hindi din kita masasamahan umuwi dahil may meeting pa ako sa susunod na araw. Pero huwag kang mag alala may kinausap na ako para bantayan ka." sabi ni kuya Daniel. Natawa naman ako dito sa kakambal ko at sa daddy ko. Parehong malungkot na akala mo hindi na kami magkikitang muli.
"Ikaw talaga para kang sira. Ano ako bata? Sige na papasok na kami sa eroplano baka malate pa kami dahil sa mga kadramahan nyo." sabi ko sa kanila.
Niyakap ko sila ng mahigpit pagkatapos ay pumasok na kami ng yaya sa eroplano kasama ang kambal. Hinanap namin ang pwesto namin. Magkatabi kami ng yaya ng kambal. Siya sa may bandang bintana. Maya maya ay may babaeng ibang lahi ang panay daldal at nagpaparinig tungkol sa mga babies na hindi daw dapat isinasama sa byahe. Ano problema nitong babae na ito?
"Can i change my seat?" sabi sa stewardess nung babae sa likuran namin.
"What's the problem Mam?" tanong naman ng stewardess.
"There are two babies infront of me. How can i sleep well if they cry. I want my flight to be peaceful." sabi pa nung babaeng ibang lahi. Aba Karen pala ito, mareklamo. Napakajudgemental. Lahat kaya ng sama ng loob eh sinalo nito? Baka naman mag isa sa buhay at walang anak. Hindi ako nakatiis at hinarap ko siya.
"What's wrong with my two babies? Can you see that they are sleeping peacefully? They'll gonna wake up soon because of your loud voice?" mataray na sabi ko. Aba naman, wala namang ginagawa yung mga anak ko. Patuloy pa din siyang nagdadadakdak. Kahit yung mga nakapaligid sa amin ay nakikisimpatiya sa amin ng mga anak ko. Meron ngang nakipagtalo sa kanya na isang babae at isang matandang lalaki. Nagdidiscriminate sya ng tao. Akala mo siya lang ang anak ng Diyos. Pinabayaan ko lang siyang dumakdak as if i care.
"Mam, there's someone who paid for your seat in the first class. Let me help you with your things." sabi nung stewardess.
"Finally!" sabi nung babaeng maarte. Tama! Grabe ang Kaartehan nya sa katawan. Kung hindi lang talaga dahil sa mga babies ko eh baka nakipag away na ako. Dala dala nya na yung mga bagahe nya nang magsalita ang stewardess.
"Not you Mam! The lady with the twin babies." nakangiting sabi ng stewardess. Mukhang kahit sila ay asar na asar. Nagtawanan ang mga tao sa eroplano.
Kinuha ko ang kambal at ang iba naming gamit. Tapos ay sumama sa stewardess papunta sa first class. Pero bago ako umalis ay nagpasalamat ako sa mga tao na nagtanggol sa amin. Hindi naman kasi dapat ganun ang ugali na parang pag aari mo na ang lahat. Akala ko ako lang ang pupunta sa first class pati pala si yaya kasama daw. Pero bago kami makaalis nakita ko na umakyat ang mga security at pinapalabas ng eroplano si babaeng judgemental.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...