Ella's Pov
Makalipas ang mahigit isang taon simula nang maganap ang mga masasakit na nangyari sakin ay hindi ako umuwi ng Baler. Naghanap ako ng trabaho sa Maynila sa tulong ng aking mga kaibigan na sina Alex at Jordan. Magkakasama kami sa isang apartment. Magkakasama din kami sa coffee shop na aming pinagtatrabahuan. Si Alex ang bakla naming kaibigan ay ang manager ng coffee shop samantalang kami ni Jordan ay mga waitress.
"Mga Sis birthday ni Jack manlilibre daw sya. Dun tayo sa club na pinagtatrabahuhan nya." sabi ni Alex.
"Putcha buti pa itong bakla nating kaibigan may lovelife samantalang tayong dalawa nganga." sabi ni Jordan.
"Wala eh ang haba ng hair ni Alex haha." natawa naman sila sa sinabi ko.
"Oh basta ha punta tayo sa birthday ng baby ko. Mga sis malay nyo duon kayo magkalovelife." sabi ni Alex.
"Basta ako sasama. Ewan ko lang dyan sa isang yan." sabi ni Jordan tapos tumingin silang dalawa sakin.
"Ayoko nga, alam nyo naman na hindi ko na gustong tumungtong sa mga ganyan at isa pa may gagawin ako. Kayo na lang dalawa." sabi ko.
"Gagawin? Hala manunuod ka na naman ng twilight. Ilang beses mo na bang napanuod yang movie na yan. Lumabas labas ka nga para naman sumigla sigla ka. Kung nde sa coffee shop, ay sa bahay lang tuloy mo. Huy! Magpaaraw ka naman." sabi ni Jordan.
"Peklat mo! Maniniwala na sana ako na concern ka pero sabihin mong para maarawan ako, baliw ka din ano? Gabi ang mga nagpupunta sa club at hindi sa araw. Sira!" sabi ko kay Jordan.
"Sige na sis, sama ka na. Minsan ka lang namin makasama. Wag kang magkulong sa bahay natin. Get a life my dear." sabi ni Alex.
"Oo na sige na sasama na ako. Makaget a life ka naman parang sinasabi mo na sobrang boring ang buhay ko." sabi ko.
"Sobrang boring talaga." hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Jordan.
Ganun na ba talaga ang buhay ko sobrang boring? Wala naman ako kasing iba pang gagawin at pupuntahan. Ayokong magkasalubong o magkita man lang kami ng isa sa pamilya ko. Matagal na akong pinauuwi ni kuya pero hindi ako umuuwi. Nagpakasal si ate Karen at Mark. Balita ko din na hindi pala totoo na nagkaanak sila. Gawa gawa lang ni ate Karen ang pagbubuntis nya.
Matapos ang shift naming tatlo nila Alex ay umuwi muna kami sa apartment at nagbihis. Agad din kaming umalis dahil hindi mapakali itong si Alex. Atat na makita si Jack at hindi naman maitatanggi na nagmamahalan talaga sila. Nakarating kami agad sa Zone Club at sinalubong kami ni Jack.
"Mabuti naman at naisama nyo si Ella, akala ko talaga tutubuan na ng ugat yan sa bahay nyo." pang aasar ni Jack.
"Gusto mong mabatukan. Isa ka pa eh. Pero dahil birthday mo ay patatawarin kita haha. Sorry wala akong regalo sayo." pagpapaumanhin ko kay Jack.
"Naku okay lang yan. Masaya na ako kasi nandito kayo. Tara ipapakilala ko kayo sa mga katrabaho at kaibigan ko. Dun tayo sa second floor." pag aaya ni Jack.
"Madami bang papabols dun? Baka naman puro katulad nyo lang. Sayang kaya ang beauty ko, nagpaganda pa naman ako ng bonggang bonga." sabi ni Jordan.
"Naku sis, maraming hunks sa taas. Baka hindi ka magkandaugaga haha." biro ni Jack.
Sinundan namin si Jack papunta sa second floor. Eto namang katabi ko na si Jordan sobrang landi, pagmay nakakasalubong kami na lalaking gwapo ay naku sobrang kinikilig. Nakarating kami sa lamesa ng mga kaibigan ni Jack. Isa isa namang ipinakilala sa amin ang mga ito. Mag isa lang ako na nakaupo at panay inom ng juice. Kasi naman po si Jordan ay may kasayaw nang lalaki at si Alex at Jack ay parang maysariling mundo.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...