The meeting

630 10 1
                                    

Gabriel's Pov

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Naghahalong kaba at lungkot. Wala na kasi akong makitang pag asa na masasalba ko ang ospital mula sa mga mapagsamantalang tao. Mali man ang mag isip sa tao ng masama pero sa background ni Zandro ay wala akong nakitang magandang ginawa niya. Puro pera lang ang ipinanlalaban niya. Dumagdag pa si Ella, sabi nya sa akin ay huwag akong mag alala pero nawala na lang siya nung umaga na paggising ko. Paano ako kakalma nito.

"Kuya Gab, relax ka lang. Darating din si ate Ella. Baka naman may pinuntahan lang. Tara na sa loob at mag uumpisa na ang meeting." sabi ni Joseph.

Pumasok ako sa loob at nandun na ang ama ko at ang mga kapatid ko. Si mama ang naiwan sa kambal. Wala pa din si Ella. Napansin kong nakangisi si Zandro. Nakakagigil at gusto ko siyang patulan pero para ko na rin binaba ang sarili ko sa kanya. Naupo ako sa dati kong silya. Sila papa at mga kapatid ko ay nasa gilid lang. Nasa lamesa na ang mga shareholders at board members ng kumpanya. Sina Mr. Masuda, Mr. Ramon Del Rosario, Mrs. Uy, Zandro at ang lawyer ni Mr. Gomez. Hindi umaattend si Mr. Gomez simula ng nabili niya ang shares ng dating may ari nito. 10% kay Mr. Masuda, 10% kay Mr. Del Rosario, 10% kay Mr. Gomez at 10% kay Mrs. Uy. Kay Zandro ay 20% at 40% ang sakin. Kaya naman si Zando ang susunod na may karapatang mamuno kung sakaling bumaba ako.

"Wala na dapat pagmeetingan pa. Dapat talaga na bumaba si Gabriel. Grabe ang iskandalo na nangyayari sa kanya. Pati ang kapabayaan nya sa ospital." madiing sabi ni Zandro.

"Bakit ikaw ba may nagawa na para  sa ospital na ito?" sabi naman ni Mr. Masuda kay Zandro. Nanlisik ang mga mata ni Zandro sa kanya.

"Aba! Hindi ba dahil sa kanya ay nakilala ng husto ang ospital. Dahil na din sa mga kakilala nyang mga media. Halos naging kapantay natin ang Golden Hospital." sabi ni Mrs. Uy.

"Eh paano naman si Gabriel? Hindi ba umayos ang ospital at lalong nakilala ang ospital hindi dahil sa may kakilalang media kundi dahil sa mga magagandang plataporma nito. Hindi tulad niyo na puro pamemera ang ginagawa sa mga pasyente sa ospital." pagtatanggol ni Mr. Masuda sakin.

"Eh ano gusto mo puro charity? Paano naman ang kita ng ospital?" sabi ni Mr. Del Rosario.

"Kaya ba puro ka tanggap ng tanggap sa pasyente ng mamahaling gamit? Kotse? Bahay? Ano pa hindi mo nakukuha?" sabi ni Mr. Masuda. Nakakatuwa naman si Mr. Masuda at todo ang tanggol sakin. Hindi kami na kibo ng pamilya ko. Maya maya ay biglang bumukas ang screen na nasa likod ko. Pinapalabas ang asawa ko na kausap ang may ari ng Golden Hospital at ang video na magkasabay sila lumabas ng airport. Meron pa nga mga picture na parang naghahalikan sila.

"Asawa mo yan diba? Hindi na ba kinaya ang sitwasyon mo at nakikipaglampungan na sa bilyonaryo na si Mr. Guerrero?" tanong ni Zandro.

"Aba malandi naman pala ang asawa mo." sabi naman ni Mrs. Uy.

"Magdahan dahan ka ng pananalita Mrs. Uy! Baka gusto mong lumabas din ang baho mo. Gusto mo akong subukan? Magsalita kayo ng masasakit sakin pero sa mga anak ko hinding hindi ako magdadalawang isip na kalabanin kayo." nagulat ako sa pagtatanggol ni Papa kay Ella. Natahimik naman si Mrs. Uy.

Nagpatuloy pa ang video. Napalingon ako nang biglang lumabas si Migs dahil may tumawag. Pumasok si Migs kasama ang technician ng ospital at inayos ang malaking tv screen. Ipinakita nito ang may ari ng Golden Hospital na si Lala Guerrero.

"Naku kayo naman kung ano ano na naman ang iniisip nyo. Kami nga ang nasa video at picture. Nakipagkita ako sa asawa ng may ari ng DT hospital dahil may malaking project kaming gagawin. Hindi pa dapat ako magsasalita tungkol dito kasi kailangan pa ng approve ng ilang mga doktor. Ito ay medical mission na pagpapartneran ng dalawang malaking ospital. Ang DT hospital ang naisip ko na makapartner kasi naniniwala ako sa kabutihan ng may ari nito. Medyo busy si Mr. Gabriel Dela Torre kaya ang asawa nito ang kinakausap namin. Pareho kasi kami ng adhikain na tumulong sa mga pasyente na kapos palad at hindi mamera lang sa ibang pasyente." paliwanag ni Ms. Guerrero.

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon