Ella's Pov
Nandito pa din ako sa aking kwarto. Masama ang pakiramdam ko. Sabi ni grandma morning sickness daw ito pero hindi lang ito ang dahilan kung bakit masama ang pakiramdam ko. Nasampal na naman ako ni ate Karen dahil kay Mark. Hindi man lang sinabi ni Mark ang totoo kaya naman galit na galit ako sa lalaking iyon. Tumawag kanina si Gabriel, hindi ko alam kung bakit masaya ako pagkausap ko siya. Para bang nawawala lahat ng sakit na dinaramdam ko pagnakakausap ko siya. Hindi ko na sinabi sa kanya ang mga ginawa ni ate Karen sakin. Nagpabili na lang ako ng pagkain sa Jollibee. Grabe natatakam na ako. May isang bagay ang bumabagabag sakin, yun ang makilala ang pamilya nya. Natatakot ako na baka hindi nila ako matanggap.
Nagising ako dahil may humahaplos sa pisnge ko. Nakatulog pala ako ng kakaisip sa mga magulang ni Gabriel. Pagmulat ko ng mata ay nakita ko agad si Gabriel.
"Kamusta ka na sweetie? Masama pa din ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Gabriel.
"Hindi na masyado. Medyo nakapagpahinga na ako kaya okay na ako. Nasa baba na ba silang lahat? Naku tara na baka maghintay ang pamilya mo." nag aalalang sabi ko.
"Huwag kang mag alala. Nag uusap usap sila sa baba. Nasabi na ng grandma mo na masama pakiramdam mo kaya naiintindihan ng mga magulang ko." sabi nya. Inalalayan nya ako na makaupo ng maayos at makasandal sa headboard ng kama.
"Kumain ka muna, nagdala ako ng pinabibili mong Jollibee. Bago tayo bumaba gusto ko nakakain ka na para naman may lakas ka." sabi pa ni Gabriel.
Kumain ako ng dala ni Gabriel. Hindi ko mapigilan na mapaungol at mapapikit sa sarap ng kinakain ko. Pagdilat ko ng mata, titig na titig siya sa akin.
"Bakit? Gusto mo ba?" tanong ko sa kanya habang sinasawsaw ko ang fries sa sundae. Tapos iniaabot ko sa kanya ang fries.
"Hindi! Para sayo talaga lahat yan. Kumain ka ng kumain para mabusog kayo ng baby natin." nakangiting sabi ni Gabriel.
Hmp! Bahala nga siya sa buhay nya. Siya na nga ang inalok tapos tatanggihan nya ako. Masarap kaya ang fries at sundae. Natapos akong kumain at inaya si Gabriel na bumaba. Pagkababa namin ay nag uusap usap ang grandparents ko pati na ang pamilya ni Gabriel.
"Kapatid mo ba lahat ang mga lalaking iyon? Puro ba kayo lalaki sa pamilya nyo?" bulong ko kay Gabriel.
"Oo lahat kami lalaki kaya nga masaya si Mama na mag aasawa na ako dahil may magiging anak na siya na babae." paliwanag ni Gabriel.
Lumapit kami sa kanila at nagulat ako ng bigla akong yakapin ng Mama ni Gabriel. Hindi ko tuloy napigilan na umiyak.
"Naku iha nasaktan ba kita? Pasensya ka na kasi excited lang akong makilala ka." paliwanag ng mama ni Gabriel.
"Sweetie? Saan masakit sayo?" tanong ni Gabriel.
"Wala namang masakit sakin. Hindi ko lang mapigilan na hindi maiyak kasi masyado akong kinakabahan. Natatakot kasi ako na hindi ako matanggap ng pamilya nyo." sabi ko.
"Naku iha, bakit naman namin ikaw hindi matatanggap? Maganda kang bata at sa tingin ko mabait ka kaya huwag kang nerbyosin." sabi ng mama ni Gabriel habang hinahagod ang buhok ko. Lalo akong naluha sa ginawa nyang iyon.
"Naku namang bata ka sobra ka nang iyakin. Makakasama sa anak mo yan eh." sabi ni Grandma.
"Tama si Grandma sweetie, hindi maganda na palagi kang naiyak." sabi ni Gabriel. Oo nga pala doktor pala ang mapapangasawa ko. Tumahan naman ako sa pag iyak.
"Siya nga pala sweetie, siya ang ama ko si Emilio dela Torre, at ang aking ina na si Leticia dela Torre." niyakap naman ako ng ama at ina ni Gabriel.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...