Gabriel's Pov
Nagbook agad ako ng direct flight at umuwi ng Pilipinas. Sobra ang pagsisisi ko na pumunta pa ako duon. Nang makarating ako sa airport ay umuwi ako agad sa bahay. Tumakbo akong umakyat sa itaas. Kaso wala duon ang mag iina ko. Tinignan ko din sila sa kwarto ng kambal kaso wala pa din. Bumaba ako para magtanong sa tao sa bahay.
"Ma, nasan po ang mag iina ko?" tanong ko.
"Ewan ko." maikling sagot ni mama.
"Ma, alam ko pong mali ako. Pwede po bang sabihin nyo na sakin kung nasaan ako para naman maayos ko ang pamilya ko. Pinagsisisihan ko na po ang ginawa ko. Gustong gusto ko lang po silang makita." malungkot na sabi ko.
"Sige na nga. Aalis ng bansa ang mag iina mo. Akala namin sa mga ilang araw ka pa sa America. Kaya isasama sila ni Enrico sa Italy." sabi ni mama.
"Ano po? Bakit hindi man lang siya nagsabi sakin?" tanong ko.
"Naririnig mo ba sinasabi mo? Eh ikaw anak, nagsabi ka din ba kay Ella na aalis ka? Ngaun nararamdaman mo na ba ang balewalain ng asawa mo?" tanong ni mama. Tumahimik na lang ako at di na nagsalita. Tama kasi si mama, maling mali ako sa nangyari.
"Ma, pwede nyo po bang bigay sakin ang address, susunod po ako sa kanila." malungkot na sabi ko.
"Subukan mo muna siyang tawagan o di kaya puntahan mo sa coffeeshop. Ang alam ko kasi mamaya pa silang hapon. Kapag wala, eh di tawagan mo si Daniel. Anak, huwag mo nang uulitin ang ginawa mo ha." sabi ni Mama.
"Yes Ma! Hinding hindi na po mauulit. Thank you Ma!" masayang sabi ko bago ako umalis.
Agad akong pumunta sa coffeeshop. Itatry ko muna duon. Nang makarating ako duon ay binati ako agad ng mga staff ng asawa ko.
"Nandito ba ang mam Ella nyo?" tanong ko sa isang staff.
"Ay sir Gabriel, wala po si mam dito. Kaninang umaga po eh nandito si mam pero umalis po agad." sagot nya.
"Eh sina Alex at Jordan?" tanong ko ulit.
"Hindi na din po sila pumasok. Ang alam ko po ay nagbilin po sila sa isang manager dahil baka matagalan po daw sila na magbakasyon." sabi pa nya.
"Sige salamat. Kapag dumaan ulit sila dito pakisabi pakitawagan ako." sabi ko. Tumango lang ang babae.
Umalis ako sa coffeeshop na nanlulumo. Umaasa ako na maaabutan ko ang mag iina ko sa shop. Pagkasakay ko ng sasakyan ay agad kong tinawagan si Daniel.
"Hello Bro, ano atin?" tanong ni Daniel sa kabilang linya.
"Alam mo ba kung nasaan ang mag iina ko? Pwede mo ba sakin sabihin? Parang awa mo na Daniel. Alam ko namang maling mali ako at gusto kong itama ang mga ginawa ko." pagmamakaawa ko.
"Gago ka kasi! Alam mong may sakit pa si kambal pero nagawa mong iwan. Ano bang meron sa pamilya na yun at hindi ka makahindi?" galit na sabi ni Daniel. First time kong marinig na magalit si Daniel. Naintindihan ko naman kasi kakambal nya iyon.
"Parang awa mo na sabihin mo na sakin kung nasan ang mag iina ko." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Gusto ko mang sabihin sayo pero naihatid ko na sila sa airport. Malamang kakaalis lang ng eroplano nila. Kasama si daddy, Jordan at Alex." nanlumo lalo ako sa sinabi niya.
"Bakit hindi ka sumama? Pwede mo bang sabihin sakin ang address nyo sa Italy? Susunod ako para makahingi ng tawad sa asawa ko." sabi ko.
"Sige sasabihin ko sayo bukas. Siyempre kailangan ko muna makausap si kambal bago kita pasunudin. Sa totoo lang nagbilin sya na huwag sasabihin sayo." sabi pa nya.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...