Gabriel's Pov
"Napapadalas ata ang pagbobonding nila Stacey at ate Ella. Hindi ka ba nagdududa?" tanong sakin ni Joseph.
Nandito kasi silang tatlo sa opisina ko sa ospital. Tama si Joseph medyo napapadalas na ang pag alis ni Ella. Okay lang naman kasi kabuwanan nya na. Maganda na naeexercise sya bago manganak. Simula ng magkaayos sila nuong nakaraang dalawang buwan ni Stacey ay palagi na silang magkasama. Kaya eto ako ngayon, palagi akong nasa ospital. Kasama naman nila ang mga bodyguards ni Ella.
"Oo nga naman kuya, ang hirap kasi paniwalaan." sabi ni Migs.
"Hayaan nyo na malay nyo nagbago na talaga. Matanong ko kayo, bakit ba kayo nandito?" tanong ko.
"Eh dinalahan ka lang namin ng extrang damit at pagkain. Sabi kasi ni ate Ella, may operasyon ka at matatagalan ka daw. Kaya ayan pinabibigay nya sayo. Kumain ka daw ng marami. Dumaan lang kami para ibigay yan." sabi ni Seb.
"Sige alis na kami kuya." paalam nila. Aba ang bilis naman nila umalis. Parang may mali. Hay naku baka masyado lang akong nag iisip.
Tinawag na ako ng nurse kasi handa na daw ang operating room. Mahigit na 10 oras akong nasa operating room. Mabuti naman at successful ang operation. Pagbalik ko sa opisina ko binuksan ko ang pagkain na pinadala ng asawa ko. Mabuti na lang adobo to at hindi madaling mapanis. Kumain ako at uminom ang juice. Nakaramdam ako ng antok dahil na din siguro sa tagal ko sa pag oopera kanina. Nahiga ako sa kama sa opisina ko.
Nagising ako nang may naramdaman akong humahampas sa akin.
"Kuya! Ano ba gumising ka na!" sigaw ni Faith habang pinaghahahampas ako. Dumilat ako at nakita ko si Faith na galit na galit at si Ella ay naiyak.
"Sweetie bakit?" tanong ko. Lalapitan ko sana ng mapansin ko na nakahubad ako nung malaglag ang kumot ko. Napalingon ako sa gilid ko ay nakita ko si Stacey na kakagising lang din.
"Anong ginagawa mo dito!" sigaw ko kay Stacey.
"Pumunta ako sayo para magpacheck up kasi masakit ang ulo ko. Pero pagdating ko wala ka sa katinuan mo. Bigla mo na lang ako hinalikan at kung ano ano na ginawa mo sakin. Tapos ikaw pa may ganang magalit? Huhuhu." Iyak ni Stacey. Bullshit! Wtf ano na naman ito! Tumayo ako at nagbihis at lumapit kay Ella na iyak ng iyak.
"Sweetie, hindi ko alam ang nangyari? Magpapaliwanag ako. Wala akong alam." pagmamakaawa ko. Niyakap ko siya at panay hingi ko ng sorry.
"Bitaw! Bitawan mo ako!" sigaw ni Ella.
"Sweetie...." malumanay na sabi ko. Pero tinitigan nya lang ako ng masama.
Binitawan ko siya at lumapit siya sa harap ni Stacey. Nagulat kami ng malakas nyang sinampal ito. Nagkatinginan kami ni Faith. Napahawak si Stacey sa pisnge.
"Bakit mo ako sinampal? Ako na nga ang ginawan ng masama ng asawa mo tapos ako pa ang sasaktan mo!" sigaw ni Stacey.
"Masyado mo naman kaming minamaliit. Binigyan kita ng chance Stacey pero anong ginawa mo. Masaya ako sa ilang buwan nating pagbabonding. Akala ko okay na tayo pero nagkamali pala ako. Sinabi mo na ginawan ka ng masama ni Gabriel? O baka naman siya ang ginawan mo ng masama? Hindi na ako ang dating Ella na basta basta napapaikot ng kung sino sino. Sa tingin mo mas papaniwalaan kita kaysa sa asawa ko? Ang asawa ko na walang ginawa kundi ang mahalin ako ng lubos." sabi ni Ella. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya mula sa likod. Niyakap ko siya ng mahigpit. Salamat at may tiwala siya sakin.
"Huwag kang mag alala sweetie, hindi ako galit sayo. Alam ko na may plano siyang ganyan. Nakipagsabwatan pa nga siya kay ate Monica eh." sabi ni Ella.
"What!" sabay na sabi namin ni Faith.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...