Ella's Pov
Nagising ako dahil nagugutom ako. Wala pa nga pala akong maayos na kain dahil sa pag iisip sa grandparents ko. Napansin ko si Joseph na may ginagawa sa cellphone. Malamang nagmomobile legend ito. Yan kasi nilalaro ng magkakapatid. Tumayo ako kasi gutom na ako.
"Oh ate Ella saan ka pupunta?" tanong ni Seph. Malamang napansin nya akong bumangon.
"Nagugutom ako. Gusto kong kumain." sabi ko sa kanya.
"Dadalahan na lang kita. Ano ba ang gusto mo?" tanong sakin ni Seph.
"Asan kuya mo?" tanong ko.
"Baka nasa baba lang. Mahiga ka na ate, ako na lang magdadala ng pagkain sayo." sagot naman nya. Napangiti naman ako.
"Alam mo natatawa lang ako pagtinatawag mo akong ate. Mas matanda ka kaya sakin, hindi ako sanay. At isa pa ako na lang bababa kasi hindi ko din alam ang kakainin ko eh." sabi ko.
"Siyempre asawa ka ni kuya. Haha! Ako din naman hindi ako sanay. Mababatukan ako ni mama kapag di kta tinawag na ate. Hayaan mo na nga yun masasanay din tayo. Halika na aalalayan na kita." sabi niya.
Lumabas kami ng kwarto. Medyo magaang na ang pakiramdam ko kaysa kanina. Nakita namin na papunta si mama Letty sa balkonahe. Tatawagin ko sana kaso pinigilan ako ni Seph at sinenyasan na huwag maingay. Nakita namin na nilapitan ni mama Letty si Gabriel.
"Anak, nanggaling ako kay Ella. Mabuti naman at tulog pa siya. Nasabi sakin ni Alex ang nangyari. Anak, nahihirapan ka ba?" tanong ni mama Letty kay Gabriel. Titig na titig lang si Gabriel kay mama Letty.
"Anak, pwedeng humingi ng tulong. Nandito lang ako palagi. Kung gusto mong pag usapan ang nangyayari ay nandito lang si mama para makinig." sabi pa ni mama. Yumuko si Gabriel.
"Ma....... Natatakot ako. Hindi ko alam kung paano pa siya pakakalmahin. Alam ko naman na mahirap ang sitwasyon nya ngayon. Madali sating sabihin na tumigil na siya sa pag iyak pero alam nating mahirap mara sa kanya. Pero nag aalala ako sa anak namin at sa kanya. Ma, hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Gusto kong saktan lahat ng nanakit sa asawa ko. Tapos malalaman nyang ampon siya, panibagong problema na naman. Sinaktan siya ng hindi nya kadugo. Ma, gusto kong ipaghiganti ang asawa ko. Gusto ko lang naman siyang sumaya. Gusto ko siyang mapasaya, pero bakit sunod sunod ang problema na dumarating sa kanya. Kakayanin nya pa ba? Natatakot ako mama." malungkot na sabi nya. Tumulo ang luha ko dahil ganun pala ang nararamdaman nya. Naging makasarili din ako kung minsan. Buntis ako at kailangan kong alagaan ang anak namin. Napatingin ako kay Seph at nginitian nya ako.
"Mahal na mahal ka talaga ng kuya ko. Huwag kang maingay at pakinggan na lang natin sila." nakangiting sabi nya.
"Anak, magpakatatag ka. Alam ko na mahirap pero ikaw lang ang tanging masasandalan ni Ella sa mga panahong ito. Aalalay lang kaming lahat sa inyo. Hindi kita masisisi sa paghihiganti mo o makaramdam ka ng sobrang galit dahil natural lang yan. Ang akin lang huwag sanang aabot sa pagiging masamang tao mo. Ayokong makulong ka dahil hindi makakabuti sa pamilya mo yun. Sabi ko nga kung kailangan nyo ng suporta, andito lang kaming pamilya nyo." sabi ni mama Letty habang yakap yakap nya ang asawa ko.
"Isa pa mama, naiisip ko lang na kung ampon siya, bakit sinabi ng mga magulang nya na ang grandparents nya ang may kasalanan?" tanong nya. Ako din naman ay nagtataka.
"Hindi ko din alam anak. Malamang ang mga magulang lang nya ang makakapagsabi ng pangyayari. Kaya lang sa ugali nilang yun, tingin mo kaya makikipagcooperate sila?" sabi ni mama Letty.
"Malamang hindi po." sagot nya.
"Sandali lang anak, naalala mo yung daddy ni Stacey? Hindi ba kakilala nya ang pamilya ni Ella? Naisip ko lang na baka sakaling may alam siya. Cge bababa muna ako para gumawa ng pagkaing may sabaw para kay Ella." paalam ni mama Letty. Napaisip naman ako sa sinabi ni mama. Tama siya, nasabi ni Mr. Gomez na kilala nya ang tita ko. Nakita nya kami ni Seph at ngumiti siya samin.
"Hayaan muna natin siyang makapag isip isip. Halika na at magsikain na kayo." pag aaya ni mama Letty.
"Maiwan na muna po ako dito. Tatanawin ko na lang muna si kuya. Baka gusto nya pa ng kausap." sabi ni Seph kay mama.
Sumunod na lang ako kay mama Letty. Ayoko naman na maging pasaway kasi ayoko na mag alala pa si Gabriel. Lahat na nga ginagawa nya sakin tapos puro problema lang ang binibigay ko. Sa narinig ko ay napagdesisyunan ko na lalaban ako sa lahat ng problema na ito. Una kong iisipin ang anak ko sa sinapupunan ko na nakadepende sakin. Umupo ako sa kitchen counter at hinainan ako ni mama Letty ng pagkain.
"Pagluluto pa kita ng may sabaw. Sa ngayon okay lang ba na ganyan muna ang kainin mo?" tanong ni mama.
"Okay na okay po ito. Salamat po." sabi ko. Sino ba naman ang aayaw sa baked macaroni.
"Naku inuna ko kasi ang mga yan para sa mga bisita nyo na mga makikiramay." paliwanag nya.
"Ano po!" napasigaw ako sa narinig ko. Hala! Ang sosyal naman ng pagkain sa burol nila grandma.
"Mama Letty, masyado na pong matrabaho yan. Pwede na po yung biscuits, kape, juice, mga tinapay at mga kornik hehe. Mapapagod po kayo nyan." sabi ko. Nagpapasalamat ako kasi nandiyan sila at natulong samin ni kuya perp ayoko naman pagurin sila lalo na si mama Letty.
"Naku ate Ella, kelan ba nagpaawat si mama sa kusina. Hayaan mo na siya. Masaya yan sa ganyan lalo na pagnasasarapan ang mga kumakain." sabi ni Migs na kakapasok lang ng kusina.
"Huwag kayong mag alala sa gastos dahil ako ang sasagot sa pagkain dito. Sandali ko pa lang nakakasama ang lolo at lola mo pero napalagay ang loob ko lalo na sa grandma mo. Naaalala ko tuloy ang mga yumao kong magulang. Kaya alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman mo." sabi pa ni mama Letty.
"Mama, penge pa daw po sabi ni Alex. May dumating pa pong mga bisita." sabi ni Migs.
"Pasensya na po kayo at nadadamay po kayo sa problema ko. Lalo na po si Gabriel." sabi ko.
"Ano ka ba naman. Pamilya tayo, malalagpasan natin ang mga problema basta sama sama at nagtutulungan." sabi pa ni Mama Letty habang nag aayos ng mga ilalabas ni Migs na mga pagkain. Lumabas si Migs dala ang mga pagkain. Lumapit sya sa akin at hinaplos ang buhok ko.
"Huwag kang mag alala anak, malalagpasan din natin ito. Kahit napakaraming problema pa yan basta buo tayo ay makakayanan natin ito. Ang importante ay ang baby mo. Alagaan mong mabuti dahil nakadepende pa siya sa iyo. Kapag nag isip ka ng sobra ay maaaring maapektuhan ang bata. Lalo na pag nagkasakit ka ay baka kung ano nang mangyari sa kanya. Nag aalala ako sa inyong mag ina. Alam kong masakit pero lagi mong tatandaan nandito ako para sa inyo. Aalalayan kita." sabi ni mama Letty. Hindi ko na naman mapigilan ang maiyak. Napakasaya ko kasi nakakilala ako ng mga tulad nila.
"Huwag po kayong mag alala. Simula po ngayon ay aalagaan ko po ang sarili ko at ang baby po namin. Ayoko na pong makita si Gabriel na umiiyak. Huwag nyo na lang pong sabihin na narinig ko ang pinag usapan nyo kanina." sabi ko at ngumiti si mama Letty sa akin.
Nang matapos akong kumain ay pumunta na ako sa sala kung saan nakaburol ang lolo at lola ko. Marami ang dumarating na mga tao. Hinaharap ko ang ibang bisita at natutuwa ako sa tuwing sinasabi nila na nakatulong ang grandparents ko sa kanila. Magkasabay naman na bumaba sina Gabriel, Joseph at kuya Oliver.
"Bakit ka bumaba sweetie, kung inaalala mo ang pag aasikaso eh kami na ang bahala." sabi ni Gabriel.
"Dont worry sweetie, bumaba ako kasi nagugutom ako. Hindi ko naman alam ang kakainin ko kaya ako na ang bumaba." sabi ko.
"Teka lang iinom lang ako ng tubig. Babalik ako. Ikaw ba gusto mo ng juice?" tanong ni Gabriel sakin.
"Gatas na lang." sabi ko sabay ngiti.
Nang makaalis si Gabriel, tinanong ko si Seph kung sinabi nya na nakita namin sila ni mama Letty na nag uusap. Umiling ito. Mabuti na lang at hindi ito madaldal. Lumipas pa ang ilang oras at dumating naman sina Faith, kuya Kit at kuya Rey. Umakyat kami sa kwarto ko at chineck up naman agad ako ni Faith. Salamat na lang at okay naman ang baby ko. Nilagyan niya ako ng dextrose dahil sa dehydrated daw ako. Nanatili lang ako sa kama ko at hindi na nagreklamo. Hindi naman ako nabato sa kwarto ko kasi daldal ng daldal si Faith. Nakakatuwa kasi ang saya nyang kasama. Maya maya ay pumasok si Gabriel kasama si Mr. Gomez. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang kasama nila.
"Ella, siya nga pala si Daniel Gomez. Ang anak kong lalaki." pakilala ni Mr. Gomez. Natulala at napanganga ako dahil sa nakita ko. Syet na malagkit! Nananalamin ba ako?
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...