Ella's Pov
Masasabi kong hindi ibibigay ng Diyos ang lahat ng pagsubok na ito kung alam nya na hindi mo ito kayang dalhin. Lahat ng paghihirap ay may katapusan. Sabi nga nila na kung gaano kalaki ang pagsubok na ibinigay sayo ng Diyos ay ganun din kalaki ang tiwalang malalagpasan mo ito. Puro sakit, puro pagsubok at puro hirap man ang naranasan ko, ngayon ay pinalitan na ito ng pag asa. Nandyan na ang tunay kong pamilya na sina daddy, kuya Daniel at kuya Oliver. Ang buong pamilya at kaibigan ni Gabriel. Ang mga kaibigan ko na simula pa nuong umpisa ay kasa kasama ko. At higit sa lahat si Gabriel at ang aming kambal na siyang pinaghuhugutan ko ng lakas.
"Hoy Ella, magsisimula na ang first birthday party ng kambal. Baka gusto mo nang magbihis ng costume nyo. Babatukan na kita. Baka naman magtsuktsakan muna kayo bago kayo lumabas ng kwarto nyo. Aba! Gagawin nyo na naman ba yan katulad ng ginawa nyo nung binyag? Aba huwag nyong paghintayin ang mga inaanak namin." nang aasar na sabi ni Jordan.
"Tsuktsakan?" tanong ko.
"Sampalin kaya kita. Pavirgin lang ang peg? Tsuktsakan, sex yun sis." paliwanag sakin ni Alex. Grabe talaga mga bunganga nitong dalawa, ang lalandi talaga. Inirapan ko na lang sila.
"Sige na magbibihis na. Para matapos na ito. Hahaha! Malamang magkikita pa kayo ni Jack noh. At ikaw Jordan kamusta kayo?" sabi ko sa kanila.
"Ay naku wag mo ngang ibahin ang usapan. Bakit napunta sakin?" tanong ni Jordan.
"Hay naku basta ako nasasabik na makita si Jack ko. Ikaw naman Jordan, pagbigyan mo na kasi si Joseph sagutin mo na. Hindi ka ba naaawa aa kanya?" tanong ni Alex kay Jordan. Nagkibit balikat lang si Jordan at saka umalis. Nagkatinginan na lang kami ni Alex.
"Denial Queen." sabi sakin ni Alex bago siya umalis.
Umakyat ako at pumasok sa kwarto namin para mag ayos ng sarili at para bihisan na din ang kambal. Pumasok ako sa kwarto at nakita ko na binibihisan ni Gabriel, Faith at kuya Oliver ang kambal.
"Malapit nang matapos ang kambal sa pagbibihis. Magbihis na rin kayo ni Gabriel. Kami na ni Oliver ang bahala sa kambal. Dadalhin ko muna sila sa kwarto nila tita Letty para maayusan ang mga buhok nila. Bilisan nyong kumilos ha! Baka magmilagro pa kayo diyan." sabi ni Faith.
"Ikaw! Kung hindi lang talaga kita pinsan ay kanina pa kita binatukan. Panira ka ng diskarte eh. Pwede ba Oliver pagtapos ng kasal nyo maghoneymoon na agad kayo tapos lagyan mo na agad ng laman para manahimik yang pinsan ko. Para hindi na rin kinukuha ang kambal ko." sabi ni Oliver.
"Huwag kang mag alala Gab. Meron na at ibabalita namin yan pagtapos na ng party ng anak mo. Kaya mamadaliin ko na ang pag aayos ng kasal hahaha." masayang sabi ni kuya.
"Oh wow! Talaga kuya, buntis na si Faith? Magandang balita yan! Naku may pagpupustahan na naman ang pamilya natin hahaha." natatawang sabi ko.
"Ay naku, bakit mo sinabi agad kay kuya Gab. Si kuya pa naman ang gusto kong kahuli hulihang makaalam hahaha. Halika na nga Oliver, buhatin mo na si Camilla tapos sakin si Sophia." sabi ni Faith. Mukhang napaglilihian yata si Gabriel hahaha!
Lumabas na sila ng kwarto kasama ang kambal. Nilock ni Gabriel ang kwarto namin. Aayusan pa kasi ang kambal ng buhok sa hairstylist na nasa guestroom.
"Paano ba yan nanay, tayo na lang dalawa. Baka gusto mo nang sundan natin ang kambal." sabi ni Gabriel habang naghuhubad sa harap ko.
"Pasaway ka talaga! Kanina pa nila ako winawarningan dahil sa kalandian mo. Natatakot silang maulit ang ginawa natin nung binyag. Hahaha." natatawang sabi ko. Lumapit sakin si Gabriel at hinalikan ang balikat ko.
"Sige na, nanay. Lets do some quickie. Alam mo namang baliw na baliw ako sayo." nang aakit na sabi ni Gabriel. Habang patuloy na naglalakbay ang mga kamay nya sa dibdib ko papunta sa hita ko.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...