Chapter 29

19.8K 297 61
                                    

Gabriel's Pov

"Faith, Kamusta ang mag iina ko?" nag aalalang tanong ko. Walang expression na tumitig sa akin si Faith. Anak ng tipaklong kinakabahan na ako.

"Ano? Faith! Kamusta ang mag iina ko?" sigaw ko.

"Congrats kuya Gab! Daddy ka na ng dalawang naggagandahang mga batang babae. Identical twins kuya Gab and healthy sila. Safe naman ang mag iina mo. Kaya lang kailangan lang masalinan ng dugo ni ate Ella." masayang sabi ni Faith. Napanganga ako sa sinabi ni Faith.

"Anak ng tipaklong ka Faith, tinakot mo ako. Mababatukan talaga kita." sabi ko.

"Ikaw naman kasi, parang hindi ka doktor. Hindi naman grabe ang pagkakabunggo ni ate Ella sa silya. Kaya siya napaanak ng maaga kasi stressed at nagtrigger pa dahil kay Stacey." sabi ni Faith.

"Ikaw na bata ka! Makukurot kita sa singit eh. Pinag aalala mo kami." sabi ni mama.

"Tita, wala ba kayong tiwala sakin. Hay naku! Masyado lang kasing ninerbiyos si kuya Gab." sabi pa ni Faith. Bwisit na babaeng to. Kung hindi ko lang ito pinsan naku matagal ko na sinesante ito. Pero haha biro lang hindi ko masesesante ito kahit hindi ko ito pinsan kasi she's one of the best doctor.

"Oh yung dugo, pwede ka ba kuya Daniel? Malamang ikaw lang ang pinakacompatible sa kanya. Ano okay ka?" tanong ni Faith kay Daniel.

"Syempre, kakambal ko yan eh. Tara na sa loob para masalinan na ng dugo ang kakambal ko." sabi ni Daniel.

"Papasok na din ako." sabi ko. Tapos pumasok kaming tatlo. Sinabihan ko na sila na maghintay na lang sa VIP room malapit sa opisina ko.

Pumasok ako sa loob at agad na lumapit kay Ella na walang malay. Hinalikan ko ang noo nito. Alam kong sobrang nahirapan ito. Inasikaso agad nila Faith na masalinan ng dugo ang asawa ko. Pumunta muna ako sa gilid kung saan nililinisan ang mga anak ko. Parang musika ang mga mahihina nilang iyak. Yung isa tuloy pa din sa pag iyak samantalang yung isa tahimik na. Napakagaganda nila. Mana sa nanay nila. Tama nanay, yan kasi ang gusto ni Ella itawag samin ng mga bata. Nanay at tatay. Pagkatapos malinisan ay inilipat sila sa nursery para makuhanan ng data tulad ng timbang, laki o sukat at iba pa. Nanatili naman ako sa tabi ng asawa ko.

Wala namang gaanong naging problema. Natapos ang pagkuha ng dugo kay Daniel at inilipat kay Ella. Pagkatapos ay inilipat na ng kwarto ang asawa ko. Nadatnan namin sina mama na inaayos ang mga gamit nila Ella at ng kambal. Dahan dahan naming inilapag si Ella sa hospital bed. Lumabas na ang mga nurse na tumulong sakin sa pagdala kay Ella sa kwarto.

"Anak, asan na ang mga apo ko?" tanong ni papa.

"Nasa nursery pa po. Inaayusan pa po sila. Nagbilin na po ako na kapag natapos sila ay dalhin agad dito." sagot ko.

"Excited na akong makita ang mga magagandang apo ko." sabi naman ni mama.

"May naisip na ba kayong pangalan?" tanong ni Seb.

"Hindi ko po alam kay Ella. Pinabayaan ko po kasi siyang mag isip ng mga pangalan kasi po para sakin siya ang may karapatan magbigay ng mga pangalan kasi siya ang naghirap manganak." sabi ko.

"Naku anak tama yan. Di tulad ng iba diyan siya lahat ng nagbigay ng pangalan sa inyo." parinig ni mama kay papa.

"Bakit, maganda naman nga pangalan nila ah." sabi ni papa. Nagkatawanan kaming lahat.

"Huwag kayong maingay baka magising si Ella." saway ni mama.

Makalipas ang isang oras ay nagising si Ella. Inangat ko ang ulunan ng hospital bed para medyo nakaangat ito at para siyang nakaupo.

"Asan ang mga anak natin? Safe ba sila?" tanong ni Ella.

"Dont worrt sweetie, safe sila. Healthy ang mga baby natin." sabi ko.

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon