G

814 9 7
                                    

Ella’s Pov

Hindi ako mapakali at sobra akong natataranta matapos akong makatanggap ng tawag mula sa aking kakambal. Dali dali akong nag ayos ng aking bag at umalis. Sa sobra kong pag aalala ay nakabunggo ako ng isang tao. Nasalo naman ako ng nabunggo ko pero tumilapon ang aking bag. Nagkalat ang laman ng aking bag kaya naman dali dali ko itong pinulot.

“Okay ka lang ba Ella?” tanong sakin ni Leo habang tinutulungan akong pumulot ng mga gamit ko. Napatingin ako sa kanya.

“Teka nasaktan ba kita? Bakit ka naiyak?” natatarantang tanong ni Leo. Napahawak ako sa pisngi ko saka ko napansin na naluha nga ako. Bigla naman akong napahagulgol. Niyakap ako ni Leo.

“Leo…… nawawala ang asawa ko. Tulungan mo naman ako.” sabi ko habang humahagulgol.

“Teka huminahon ka muna. Paanong nawala?” tanong nito sakin.

“Hindi ko alam. Tumawag si kuya Daniel sakin at sabi niya kailangan kong umuwi kasi nawawala si Gab.” paliwanag ko kay Leo.

“Nasaan ang mga bodyguard mo?” tanong sakin ni Leo.

“Nauna na sa…..” hindi pa ako natatapos magsalita nang may marinig kaming malakas na pagsabog.

Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko ang kotse ko na ito pala ang sumabog. Natulala ako at hindi makapagsalita. Kung hindi ako nabangga ni leo ay malamang nasa loob din ako ng kotse kasama ang mga bodyguard ko. Itinayo ako ni Leo at inakay sa kanyang sasakyan. Pagkasakay namin ni Leo ng sasakyan niya ay agad itong may tinawagan. Hindi ko na naiintindihan pa ang sinasabi nya dahil sa sobrang tulala ko sa nangyari. Hindi na din nagsalita si Leo sa buong biyahe namin dahil alam niya siguro na hindi ako makakausap ng matino. Nakarating kami sa mansyon ng mga Dela Torre ng hindi ko namamalayan. Inalalayan akong lumabas ni Leo. Pagkalabas na pagkalabas ko ay may yumakap sakin. Napatingin ako sa yumakap sa akin.

“Kuya Daniel….” yun lang ang nasabi ko. Duon na ako napahagulgol. Niyakap naman ako ng mahigpit ni kuya Daniel.

“Salamat at ligtas ka.” sabi nya habang mahigpit pa din na nakayakap sa akin. Siguro ay sinabi na din sa kanya ni Leo ang lahat. Hinayaan lang nila akong umiyak ng umiyak. Nang mahimasmasan ako ay bumitaw ako kay kuya. Saka ako may naalala.

“Ang kambal?” tanong ko kay kuya.

“Huwag kang mag alala at safe sila. Nasa taas sila at binabantayan ng mga yaya nila. Tara na sa loob para mapag usapan natin ang mga nangyayari. Inaantay ka na ng pamilya ni Gab.
Pumasok kami sa loob at tulad ni kuya ay niyakap din ako ng mahigpit ni mama Letty.
Inalalayan niya akong makaupo saka siya tumabi sa akin. Kumpleto lahat ng mga Dela Torre. Nandito din si Tony at may dalawang lalaki sa tabi ni kuya Daniel at Leo.

“Salamat at ligtas ka.” sabi ni papa Emilio.

“Malaking pasalamat ko nga po kay Leo at nabangga niya ako kasi kung hindi po ay baka kasama po akong sumabog sa sasakyan.” sagot ko.

“Mabuti pala at ganun ang nangyari.” sabi ni mama Letty.

“Teka ano pong nangyari kay Gab? Paano po siyang nawala?” tanong ko.

“Ganito kasi yun kambal, pumunta kami sa ospital para pumirma ang mga kaibigan ko sa kontrata para sa nabili nilang shares sa ospital. Nagkapirmahan na sila tapos ay inilibot kami ni Gabriel sa buong ospital. Nagkayayaan kaming kumain. Pinauna kami ni Gabriel sa parking lot at sabi niya sisilipin niya ang pasyente sa operating room. May nakita kasi siyang bagong pasok ng operating room. Nag hintay kami sa parking lot pero walang dumating na Gabriel. Makalipas ang 30 minutes ay napagdesisyunan ko na sunduin na si Gab o alamin kung may problema ba sa pasyente at kung hindi na siya makakasama. Pinuntahan ko siya sa operating room pero wala siya doon. Nagpunta ako sa opisina niya pero wala pa din. Tinawagan ko siya sa cellphone pero ring lang ng ring. Kahit sa staff niya o mga nurse walang nakakita sa kanya na lumabas. Nung hindi siya makita sa ospital ay isa isa ko nang tinawagan ang mga kapatid ni Gabriel pati na si tita Letty kaso hindi pa daw nila nakikita. Isa pa pala ay nasa parking lot pa ng ospital ang kotse ni Gabriel. Pasensya na kambal at hindi ko nabantayan maige si Gab.” malungkot na paliwanag ni kuya Daniel.

“Hindi mo kasalanan ang lahat kuya. Pinapanalangin ko lang na ligtas si Gab. Actually tumawag din sakin si Gab at sinabihan akong mag iingat lagi. Tapos para pa siyang namamaalam.Ayokong mag isip ng masama. Sana ligtas siya.” nag aalalang sabi ko.

“Huwag kang mag alala kambal. Kilala mo naman sila Leo di ba? Maliligtas nila si Gabriel.” sabi ni kuya Daniel.

“Teka may naalala ako tungkol sa pagsabog, parang katulad ng pagsabog nuong bagong panganak ako doon sa ospital. Si ate Monica! Tony nakatakas ba ang ate ko?” lumuluhang sabi ko. Tumango si Tony.

“Magpakatatag po kayong lahat lalo na po kayo tita Letty at lalong lalo ka na Ella. Pinapangako ko sayo na mahahanap ko ang asawa mo. Kumikilos na ang mga tauhan ko. Ikaw Tony, tama ba? Ikaw na bahala mag imbestiga sa nangyari sa pagsabog ng sasakyan ni Ella. Ako na ang bahala na kumilos sa pagsagip kay Gabriel.” sabi ni Leo.

“Teka sasama ako. Gusto kong masagip ang kaibigan ko. Iuutos ko na lang ang pag iimbestiga.” sabi ni Tony.

“Hindi ko kailangan ng pulis sa mission na ito. Intindihin mo ang mga bodyguard mo na namatay. Irerequest ko sa nakakataas sa inyo na itraining kayong mabuti para naman hindi malagas ang mga tauhan mo. Hindi ako nakikiusap sayo. Isa itong utos mula sa nakakataas sayo.” sabi ni Leo.

“Teka sino ka ba? Isa ka lang namang businessman.” sabi ni Tony. Naku hindi alam ni Tony ang sinasabi niya.

“Dahil kaibigan ka ng pamilya ni Ella ay papatawarin kita. Next time kikilalanin mo mga nakakataas sayo para hindi ka magmukhang tanga. By the way I’m Leonard Errol Guerrero o Leo pero sa mga nakakakilala sakin ang tawag sa akin ay Big Boss at lahat ng general ay kilala ang pangalang Big Boss. Hindi ba general?” tanong ni Leo sa kararating lang na tao.

“Yes big boss!” tapos sumaludo ang general kay Leo.

“Ikaw pala yun. Lagi kong naririnig yang pangalang big boss sa mga kaibigan kong mga general. Sira ka talaga Tony, kilala ni daddy mo si big boss.” sabi ni papa Emilio.

“Sorry Sir!” paumanhin ni Tony kay Leo.

Umalis naman agad si Tony para asikasuhin ang kaso ko. Nagring naman ang cellphone ni Leo. Napatingin kaming lahat sa kanya nang marinig namin ang pangalan ni Gab.

“Palibutan niyo maige at Huwag ninyong hayaang mapahamak si Dr. Gabriel. Kung kinakailangan ay patamaan agad ng sniper kung sino man mananakit kay Dr. Gab. Papunta na ako.” sabi ni Leo at pagkatapos ay binaba niya ang cellphone.

“Pwede ba akong kaming sumama?” tanong ng mga kapatid ni Gab.

“Ako din. Parang awa mo na huwag kang tatanggi Leo kung hindi tatakas pa din ako at susundan ko kayo.” pagmamakaawa ko.

“Alam ko naman yun kaya lang sa sasakyan lang kayo. Huwag kayong bababa at huwag kayong aalis sa tabi namin. Ayokong bigyan sila ng pagkakataon na pati kayo ay masaktan. Kaya na namin iligtas si Gabriel. Ayaw na ayaw ko na may iba pang masaktan sa mga mission ko.” sabi ni Leo. Tumango kaming lahat.

Ibinilin ko ang kambal kina mama Letty. Hindi rin naman ako mapapakali. Gustong gusto kong makita si Gab. Sumakay kami ng sasakyan at saka umalis. Si Leo ang kasama namin sa van at ang kakambal ko. Lahat kami tahimik buong biyahe. Nakaakbay sa akin si Seb at pinapakalma ako. Si Leo lang ang nagsasalita dahil may mga kausap siya sa cellphone nya. nang makarating kami sa lokasyon ay agad bumaba si Leo pero hindi pa ito nakakalayo ay biglang sumabog sa malaking bodega. Bigla akong kinabahan at napasigaw ako.

“Gabriel! Kuya Gab!” sabay sabay naming sigaw. Nanlumo ako. Napahagulgol. Hindi ko naintindihan ang mga sinasabi nila. Iyak lang ako ng iyak.

“Gabriel! Huhuhu!” sigaw kong muli habang naiyak. Tumayo ako at nagsimulang lumakad papunta sa bodega ngunit may pumigil sakin.

“Kambal dito ka lang.” sabi sakin ni kuya Daniel sabay yakap sa akin.

“Hindi! Hahanapin ko ang asawa ko! Kailangan ako ni Gabriel!” sabi ko habang nagpupumiglas sa pagkakayakap ni kuya Daniel.
Sobra akong nagwawala at lahat sila pinipigilan ako. Hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid kasi wala akong ibang inisip kundi ang puntahan ang asawa ko. Natigil lang ako sa pagwawala nang marinig ko ang boses ng taong gusto kong makita.

“Nanay!” mahinahong sabi ni Gab. Dali dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Si Gab naman ay panay halik na ulo ko.

"Tapos na nanay. Malaya na tayo. Magiging masaya na tayo." masayang sabi ni Gab.

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon