Gabriel's Pov
Hindi ko akalain na magaganap ang lahat ng iyon ngayong birthday ko. Akala ko simpleng birthday party lang yun pero napunta sa proposal. Ang nakakatuwa pa ay ikinasal din kami sa araw na ito.
Naiwan kami ni Ella sa barko. Nagsiuwian silang lahat pagkatapos ng kainan nung kasal namin. Nakakatuwa nga nung nagproposed si Ella eh nandun pala silang lahat. Kumpleto ang pamilya ko at ang pamilya nya.
"Anong pumasok sayo sweetie at nagawa mong lahat ng ito?" tanong ko sa kanya habang nakaupo kami sa deck ng barko at pinagmamasdan ang paligid.
"Wala kasi akong maisip na iregalo sayo eh." sagot nya.
"Kahit naman anong ibigay mo sakin ay tatanggapin ko. Masaya naman ako kung ano ang ireregalo mo sakin. Hindi ka ba napagod? Baka magkasakit ka pa nyan." nag aalalang sabi ko.
"Alam ko naman yun na kahit anong ibigay ko ay matutuwa ka. Pero gusto ko kasing suklian lahat ng mga pagsasakripisyo mo ng dahil sakin. Deserved mo naman yun eh. Isa pa huwag kang mag alala kasi hindi ako napagod. Nag utos lang ako sa mga alagad ko hahaha." masayang sabi nya.
"Alagad?" tanong ko.
"Oo, alagad. Si kuya Daniel at mama Letty ang nakaassign sa mga foods. Si Joseph naman ang nautusan ko tungkol sa mga kakailanganin sa kasal. Sina Jordan at Alex ang nag ayos ng mga decorations. Si Migs ang nag ayos ng venue. At si Seb ang inutusan kong bumili ng singsing natin. Si Faith at kuya Oliver naman ang sa mga musics. Alam mo ba, nakakatuwa kasi nung malaman nila yung plano ko eh sila pa ang nagprisinta sakin ng mga gagawin nila. Sobra silang excited sa gagawing surprised party slash wedding. Wala akong kahirap hirap hahaha." masayang kwento ni Ella.
Napangiti ako habang natawa siya. Nawawala ang lahat ng pagod at pag aalala ko kapag naririnig ko ang mga tawa nya. Sabihin nyo nang bakla pero kinikilig ako sa ginawa ng asawa ko. Hindi ako nagkamali na siya ang pinakasalan ko. At sobrang pinagpapasalamat ko ito sa Diyos na nakilala ko siya.
"Sana ganito na lang palagi. Yung walang problema. Kelan ba matatapos ang mga problema. Bakit ba kasi ganun kasama si David na iyon. Sa totoo lang ayaw ko nga siyang tawaging papa dahil simula pagkabata ko ay hindi nya na ako itinuring na anak." sabi ni Ella.
"Don't worry sweetie, matatapos din yan. Basta ba sama sama tayo. Ang pinakamainam nating gawin ay mag ingat na lang tayo ng mabuti." sabi ko.
"Sana nga." malungkot na sabi nya.
"Mabuti pa ibahin na natin ang usapan. Gusto mo nang pumasok tayo sa loob ng kwarto ng barko? Tara na honeymoon na tayo tutal bagong kasal tayo." nakangiting sabi ko. Hinampas nya ako pero mahina lang.
"Ano ka ba naman, kakapanganak ko pa lang. Ikaw talaga!" sabi nya.
"Joke lang. Syempre alam ko yan, doktor kaya ako." sabi ko.
"Halika na nga. Gusto mo ba Momol tayo?" tanong nya.
"Momol? Ano yun?" tanong ko.
"Momol, make out, make out lang. Madalas ko yang naririnig kay Jordan eh. Hahaha!" masayang sabi nya.
"Tara sige gusto kong maexperience ang Momol na yan. Hahaha!" sabi ko. Pagkatapos ay binuhat ko siya papunta sa cabin ng barko.
Nagising ako dahil sa pagring ng cellphone ni Ella. Natawag si Oliver. Sinagot ko agad ito dahil ayokong magising agad si Ella.
"Hello bunso." bungad ni Oliver.
"Bayaw si Gab to. Tulog pa si Ella." sabi ko.
"Ah ganun ba. May ibabalita kasi ako. Pwedeng pakisabi na lang sa kanya na may nahanap nang witness sa pagpatay sa grandparents namin. Kasalukuyan namin itong inilagay sa safehouse. Delikado kasi ang buhay nila." sabi ni Oliver.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...