Chapter 25 Last Will

20K 329 21
                                    

Ella's Pov

Lumipas ang isang linggo simula ng mamatay ang grandparents ko ay nailibing na sila kahapon. Nagpapasalamat nga ako sa buong pamilya ni Gabriel lalo na kay mama Letty. Biruin mo wala kaming naging problema ni kuya Oliver sa mga inihain sa mga bisita sa burol hanggang sa libing nila grandma. Masakit at hanggang ngayon ay hindi ko tanggap na wala sila. Pero ang mas iniintindi ko na lang ay ang baby ko. Ayoko na kasing makitang pang umiiyak si Gabriel. Nandito pa din kami ni Gabriel sa Baler. Nagsiuwian na ang pamilya ni nya maliban kay Faith. Nakiusap kasi ako kay Gabriel na samahan muna namin si kuya Oliver pansamantala.

Nakuhanan na din kami nila kuya Daniel at dad ng DNA samples. Trip lang nila na pareho silang magpaDNA. Umuwi muna si dad at natira si kuya Daniel. Maayos naman ang relasyon nila kuya Daniel at kuya Oliver.

"Kuya Daniel, may lovelife ka na?" tanong ko. Habang nanunuod kami at kumakain ng french fries na luto nya sa sala. Si Gabriel naman ay tulog pa.

"Bakit mo naitanong?" tanong din nya.

"Ano ba yan, nagtanong ako tapos magtatanong ka din. Sige na nga, naitanong ko lang kasi ayun oh, si kuya Oliver lumalovelife na. Sabi ko na nga eh, bagay sila ni Faith. Ikaw ba may girlfriend ka na ba?" tanong ko ulit sa kanya.

"Well tama ka bagay sina kuya Oliver at Faith. Kung tungkol sakin naman ay wala akong girlfriend. Nagkaroon ako dati pero niloko nya lang ako kaya naman nagfocus na lang ako sa trabaho." sagot nya.

"Pareho pala tayo. Niloko din ako ng boyfriend ko at pinagpalit nya ako sa ate ko. Pero pasalamat ako at nangyari yun kasi hindi ko makikilala si Gabriel. Wala na akong mahihiling pa. Kaya ikaw kuya, okay lang yan. Malay mo dumating na ang tamang babae para sayo." sabi ko. Ngumiti lang siya sakin. Alam ko ang ganyang ngiti. Pilit na ngiti at nagpapanggap na okay ka. Habang titig na titig ako sa kanya ay nagulat ako ng may biglang humalik sakin. Pagkatapos ay tumabi siya sakin at humilig sa balikat ko.

"Inaantok ka pa? Bakit ka bumangon?" tanong ko kay Gabriel.

"Wala ka kasi sa tabi ko." simpleng sagot nya.

"Pwede ba huwag kayo dito. Maawa kayo sa single. Nilalanggam na tayo dito oh." sabi ni kuya Daniel.

"Ang arte mo noh. Mag asawa ka na rin kasi." natatawang sabi ko.

"Naku hindi makakailang kambal nga kayo. Pareho kayo ng ugali eh. Kaya nga di na kayo maghiwalay. Nagseselos na ako kasi lagi na kayong magkasama." paawa effect naman tong si Gabriel.

"Pwede ba kambal, pakibatukan ang asawa mo para sakin." sabi ni

Habang nagbibiruan kami ay nakarinig kami ng sigawan sa labas. Tumayo kaming lahat pero nagpaalam muna si kuya Daniel na may kukunin sa kwarto nya at pagkatapos ay umakyat. Sinilip namin kung ano meron sa labas. Pagbukas ni Gabriel ng pinto nakita namin na inaawat nila kuya Kit at kuya Rey ang pamilya ko na makapasok. Nagsisisigaw si mama at pinaghahahampas naman nila ate Monica ang mga bodyguard ko.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Gabriel.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Bakit pinagbawalan mo sila na papasukin kami?" galit na tanong ni papa.

"Huminahon nga po kayo. Bago kayo magalit sakin, gusto ko lang sabihin na hindi ako ang nagbawal ng pagpasok nyo dito dahil wala akong karapatan. Pwede nyo namang tanungin si Oliver dahil siya ang binilinan ng mga magulang nyo." sabi ni Gabriel.

"Ilabas mo yang Oliver na yan! May karapatan kami sa bahay na yan. Nandito ang abogado nila papa kaya papasukin mo kami!" madiing utos ni papa.

"Ano ginagawa nyo dito?" tanong ni kuya Oliver na kakalabas lang kasama si Faith.

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon