Ella's Pov
Marami na ang nangyari makalipas ang ilang buwan. 7 months na ang tiyan ko at sobrang laki na ito. Nandito ako sa ospital para malaman ang gender ng baby namin. Tama, kambal ang anak namin. Natutuwa nga ako kasi parang kami lang ni kambal. Ngayon pa lang namin malalaman ang gender nito. Ayoko sana kaso pinilit ako ni Gabriel. Gusto ko sana surprise pero sabi nya excited na siya kaya naman eto kami ngayon magpapaultrasound.
"Tingin mo ano ang gender ng mga baby natin?" tanong ni ko kay Gabriel.
"Naku si mama, sana daw girl lahat haha! Alam mo naman sabik magkaroon ng babae sa pamilya yun. Puro kasi kami lalaki." sabi nya.
"Grabe, hindi ako makapaniwala na kambal ang baby natin." sabi ko habang inaalalayan ako tumayo. Tinawag na kasi kami ng nurse dahil nandyan na daw si Faith, galing kasi itong Baler.
Nakakatuwa kasi sila na ng kuya ko. Ay oo nga pala kakatapos lang ng eleksiyon. Nanalo si kuya at siya na ang bagong Mayor sa Baler. Nagprotesta ang pamilya ni David Garcia pero hindi sila nagwagi. Salamat sa tulong ng mga koneksiyon ni Gabriel at ng pamilya nya dahil natulungan nila si kuya Oliver lalo na sa seguridad niya. Sa ngayon tahimik ang pamumuhay ni kuya Oliver at dinadalaw dalaw siya nila Faith at kuya Daniel. Walang pamilya ni David Garcia ang nanggugulo. Sana nga manahimik na sila.
Nahuli din ang gumawa ng krimen sa grandparents ko. Pero hindi naniniwala si kuya Oliver na walang mastermind sa pagkakaaksidente nila grandma. Hindi kasi namin kakilala ang taong yun o walang koneksiyon. Wala kaming maisip na motibo nya. Basta sabi nya lasing lang siya at napagtripan lang. Halos magwala kami ni kuya Oliver nung marinig namin yun. Pero sabi ni Tony baka daw strategy daw un ng mastermind. Natigil ako sa pag iisip ng magsalita si Faith. Naku ayoko na maistress. Kotang kota na ako.
"Oh ano ready na ba kayo?" tanong ni Faith. Nilagyan nya ng gel ang tiyan ko at sinimulan na nya ang ultrasound. Napangiti kami ni Gabriel nang malaman ang gender ng kambal.
Pagkatapos malaman ang gender ng baby namin ay dumiretso kami ng uwi bahay. Naghihintay na kasi ang pamilya ni Gabriel. Pati na rin sina dad at kuya Daniel naghihintay din para malaman ang gender ng mga anak namin.
"Eto na sila!" sigaw ni mama Letty. Excited eh. Inalalayan akong umupo ni Gabriel sa couch.
"Ano ang gender? Panalo ba ako?" tanong ni dad. Pinagpustahan kasi nila ang gender ng mga anak ko. Ang pusta ay tag 50 thousand pesos at ito ay idodonate sa foundation ng ospital ni Gabriel para sa mga may malulubhang sakit na walang pambayad.
Bago nga pala kami umuwi ay dumaan kami sa isang store na bilihan ng mga gamit ng bata. Bumili kami ng tag iisang sapatos at inilagay sa isang puting box para may suspense ang pagrereveal ng gender.
"Ma, ikaw na ang magbukas ng isang box." sabi ni Gabriel. Tuwang tuwa na tumayo si mama Letty at naupo sa tabi namin. Ibinigay namin ang isang box. Napansin kong sobrang excited na ang lahat. Binuksan ni mama Letty ang box at bumungad sa kanya ang isang pink na sapatos. Tuwang tuwa na itinaas ni mama ang pink na sapatos.
"Paano ba yan tama ako sa isa. Yung hula nyo ay parehong lalaki ay magsibayad na kayo haha." masayang sabi ni mama. Pagkatapos ay bumalik siya sa tabi ni papa Emilio.
"Ano ba yan, akala ko pati sa kanila magtutuloy tuloy ang lahi na madalang ang anak na babae. Eto na ang 50k ko. Magbigay ka na din Joseph." sabi ni papa Emilio. Nag abot sila ng tig 50 thousand pesos.
"Paano ba yan talo na kayo haha!" pang aasar ni Seb pagkatapos ay nag apiran sila nila Migs at kuya Daniel.
"Sabi naman sa inyo girl at boy eh. Kasi ganun sila kuya Daniel at ate Ella." proud na sabi ni Migs. Nagkatinginan kami ni Gabriel at napangiti.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (Completed)
RomanceMabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan a...