Twin

20.3K 311 35
                                    

Ella's Pov

Natulala talaga ako ng matagal. Titig na titig ako sa taong nasa harap ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kung hindi lang ito lalaki at maikli ang buhok ay iisipin ko na sarili ko ang nakikita ko. Well given na, matangkad sya at maliit ako.

"Paanong nangyari na kamukha kita?" tanong ko ng mahimasmasan ako.

"Ganyan din ang reaksiyon ko nung una kitang makita. Kamukhang kamukha mo kasi ang anak ko at si Bella. Si Bella ay ang nanay ni Daniel." sabi ni Mr. Gomez.

"Anak po siya ni tita Bella? Pero bakit po magkamukha kami? Ampon lang daw po ako sabi nila papa. Paano pong nangyari yun Mr. Gomez?" tanong ko.

"Enrico na lang. Masyadong formal ang Mr. Gomez. Kaya nga ako nandito, bukod sa pakikiramay ay gusto kong malaman ang katotohanan. Gusto ko sanang hingin ang pahintulot mo na magpaDNA tayo." sabi ni tito Enrico.

"Pwede ko bang malaman kung ilang taon ka na?" tanong sakin ni Daniel.

"26 na ako. Magbibirthday ako sa March 15." sabi ko.

"26 na din ako at March 15 din ang birthday ko." naluha ako sa sinabi ni Daniel. Tama ba ang nasa isip ko? Kambal ba kami?

"Mukhang pareho tayo ng nasa isip. Kakambal ata kita. Sana pumayag ka na magpaDNA." sabi nya.

"Walang problema sakin." sagot ko.

"Tatawag po ako sa ospital namin para matest kayo. Papupuntahin ko na lang ang tauhan ko dito. Hindi pa kasi pwedeng bumiyahe si Ella." sabi ni Gabriel.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka nakadextrose? Dahil ba sa pagkamatay nila lolo at lola?" tanong ni Daniel. Oo nga pala, siya pala ang tunay na apo.

"Nagkasagutan kami nila papa at mama. Nalaman ko na ampon ako. Ang bilis nga ng nangyayari sa buhay ko. Ampon ako tapos ngayon baka kakambal pa kita." sabi ko. Totoo naman eh mula sa pagbubuntis ko, pagpapakasal, tapos malalaman ko ampon ako at ngayon baka kakambal ko si Daniel. Ang bilis ng mga pangyayari at parang hindi kapanipaniwala.

"Ang pinagtataka ko lang po bakit nasabi ni papa ba ang grandparents namin ang may kasalanan? At pwede nyo po ba akong kwentuhan tungkol kay tita Bella." sabi ko kay tito Enrico.

"Sa tingin ko mas maige na makapag usap kayong tatlo. Bababa muna kami ni Faith." sabi ni Gabriel. Hinalikan nya ako sa noo at saka sila umalis ni Faith. Lumapit sakin si Daniel at naupo sa gilid ng kama ko samantalang si tito Enrico ay naupo sa couch malapit din sa kama ko.

"Kasintahan ko si Bella kaso ayaw ng pamilya nya sa akin kasi daw mahirap lang ako pero alam kong hindi yun dahilan. Alam kong may iba pa. Nagkikita kami ng patago. Laging naiyak sakin si Bella at ang dahilan ay ang kuya nya. Nang ipakasal ang kuya nya ay lalo daw itong sumama ang ugali. Hindi ko na nakayanan pa ang mga nakikita ko kay Bella. Itinanan ko siya at nagsumikap ako hanggang sa sinuwerte ang negosyo ko. Itinakwil ng pamilya nya si Bella. Hanggang sa nabuntis siya at namuhay kami ng masaya. Nakita ko ang mga totoong ngiti sa labi nya. Napakaganda ni Bella, bukod pa dun ay sobra siyang mabait at maasikaso kaya sobrang nahulog ang loob ko sa kanya." kwento ni tito Enrico.

"Ganon po ba? Bakit po siya itinakwil? At hindi ko po maisip na magagawa ito ng grandparents ko. Naguguluhan po ako." sabi ko.

"Kahit ako man ay naguguluhan. Sabi ni Bella ay close sila ng mga magulang nya. Hindi ko alam ang nangyari sa kanila bakit nagkaganon. Nadepressed si Bella simula ng mag away sila ng mga magulang nya at ng kuya nya. Hindi nya sinabi sakin ang mga nangyari. Hindi ko siya pinilit sa pag aakala ko na yun ang mas makakabuti. Palagi siyang naiyak kapag nagkikita kami. Naaawa na ako sa kanya kaya itinanan ko na." sabi pa ni tito Enrico. Makikita mo na medyo nagiging emosyonal na siya at may natulong luha na. Pinunasan nya ang luha nya at nagpatuloy sa pagsasalita.

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon