Chapter 32

18.9K 267 37
                                    

Ella's Pov

Tumuloy kami sa apartment ko pagkatapos namin makausap si Jack. Awang awa ako kay Alex dahil naloko siya ni Jack. Sa totoo lang naniniwala ako kay Jack na nahulog na ang loob nya kay Alex dahil makikita mo ito sa mga mata nya na puno ng pagmamahal.

Nakahiga si Alex ngayon sa kama nya at nagmumukmok. Wala siyang tigil sa pag iyak simula pa kanina. Naiwan naman si Gabriel sa baba.

"Tahan na Alex." pag aalo ko sa kanya.

"Ay naku ang hirap na talagang humanap ng taong tapat na magmamahal sayo. Ang hirap na magtiwala sa tao." sabi ni Jordan. Hindi ako nagsalita pa kasi tama naman si Jordan eh. Maswerte lang ako at nandyan si Gabriel.

"Bakit? Anong nagawa kong kasalanan sa kanila? Huhuhu..." sabi ni Alex.

"Sorry Alex, nang dahil sakin kaya ka nagkaganyan. Sorry talaga." malungkot na sabi ko sa kanya.

"Wala ka namang kasalanan eh. Masasama lang talaga sila. Ay hindi pala demonyo pala sila." sabi ni Jordan.

"Nag aalala ako sa inyo, baka madamay ulit kayo." sabi ko.

"Hay naku, damay na kung damay. Grabe ang sama ni ate Monica mo. Sobra! Biruin mo inutusan ang boyfriend nya para lang gawan ka ng masama. Ay naku may sayad na ata talaga ang ate mo." sabi ni Jordan.

"Alam nyo naniniwala ako kay Jack na mahal na mahal ka nya Alex. Kasi nakita ko ito sa mga mata nya. Ganun din kasi ang tingin sakin ni Gabriel. Kaya nung sabihin nya na ginawa nya lang yun para sayo eh hindi ako magtataka at magagalit. Masakit pero kailangan tanggapin. Isipin na lang natin yung masasayang nangyari sating apat." paliwanag ko.

"Alam mo sis, ang bait mo din ano? Teka ano ba mapapala nila kapag nagawan ka nila ng masama? Worth it ba? Grabe hindi ko maisip kung ano talaga ang dahilan." sabi pa ni Jordan.

"Sorry talaga Alex. Kung alam ko lang na mangyayari to, sana eh iniwasan ko na lang kayo. Hindi nyo deserved na masaktan. Sabihin mo sakin Alex kung paano kita matutulungan para mapagaang ang nararamdaman mo. Lahat gagawin ko para sa inyo." sabi ko.

"Yan naman ang hindi tama. Wala kang kasalan okay. Masakit Ella, masakit huhuhu... Pero ang mas masakit ay yung mawala kayo ni Jordan sa buhay ko. Mahal ko kayong dalawa at dumagdag pa ang kambal. Makakaya ko ito kaya huwag kang mag alala. Kailangan ko lang ilabas ang sama ng loob ko. Huhuhu." iyak na sabi ni Alex.

"Ako nang bahala dito. Hindi ko pababayaan si Alex kaya umuwi ka na. Kawawa naman ang kambal, iniwan mo na maghapon. Magpahinga ka na at baka mabinat ka pa. Kakapanganak mo pa lang Ella." nag aalalang sabi ni Jordan.

"Huwag kang mag alala. Kaya ko ito. Huhuhu." sabi ni Alex.

"Sige na nga. Basta tawagan nyo ako kung may problema kayo ha." sabi ko.

Bumaba ako at nadatnan ko si Gabriel na nakaupo sa sala. Napalingon ito sakin at tumayo para alalayan ako na makababa.

"Kamusta si Alex?" tanong sakin ni Gabriel.

"Ayun naiyak pa din. Gusto ko pa sanang damayan pero pinalayas na nila ako kasi kawawa naman daw ang kambal. Iniwan ko na daw kasi maghapon. Napagalitan pa ako ng dalawa." nakasimangot na sabi ko. Inakbayan ako ni Gabriel at hinalikan sa noo.

"Kaya ni Alex yan. Sa susunod bisitahin natin sila kasama ang kambal. At pag okay na ang lahat isama natin sila sa bakasyon natin." sabi ni Gabriel. Napaharap ako sa kanya.

"Bakasyon? Saan naman yun?" tanong ko.

"Kahit saan. Sa Italy, Singapore o gusto mo sa America tutal may bahay ka naman dun diba." nakangiting sabi nya. Napangiti din ako. Nakalimutan ko na nga pala ang bahay sa America.

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon