The reason

842 14 0
                                    

Ella's Pov

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Inaantok pa ako pero naalala ko ang kambal. Kailangan ko palang tumawag kay daddy. Nauna na kasi sila. Nung sinabi ni mama Letty na umuwi si Gab at mukhang malungkot eh nagpasya akong makipagkita bago lumipad sa Italy para magbakasyon. Hindi ko din naman matiis si Gab. Nasabi sakin ni Tony na may dahilan si Gab. Natuwa nga ako kay Tony kasi nung nabalitaan nya na nagkaproblema kami ay sinadya nya akong puntahan sa coffeeshop. Sinabi ni Tony na pakinggan ko muna ang paliwanag ni Gab bago ako magalit sa kanya. Kaya eto ako at nagpaiwan pero susunod naman dapat ako kaagad sa Italy kaso itong si Gab eh parang ewan. Hindi ko nga alam kung nakailan kami kagabi. Kaya eto pagod na pagod ako. Iminulat ko ang mga mata ko at humarap kay Gab.

"Goodmorning nanay!" nakangiting sabi ni Gab. Tapos humalik sa labi ko.

"Kanina ka pa ba gising?" tanong ko.

"Hindi ako masyadong nakatulog. Nag aalala ako baka mawala ka sa tabi ko." sabi ni Gab.

"Seryoso ka? Anong ginawa mo? Tinitigan ako magdamag?" birong tanong ko.

"Paano mo nahulaan?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Seryoso ka tatay?" tanong ko. Tumango lang sya. Napailing naman ako at hindi makapaniwala sa pagtango nya.

"Nanay, gusto mo ba munang mag almusal bago ko sabihin sayo ang lahat o ngayon na? Gusto kong malaman mo lahat. Kahit ang pamilya ko hindi alam ang nangyari sa akin nuon at kung bakit hindi ako nakatanggi nung sabihin na kailangan ng tulong ko ni uncle Gino." sabi ni Gab.

"Ang dami mo na kayang sinabi. Kaya ituloy mo na. Medyo pagod pa nga ako dahil sa ginawa natin kagabi at tinatamad na tumayo kaya okay lang na mag usap muna tayo." sabi ko sa kanya. Actually kahit ano pa ang sabihin ni Gab ay mapapatawad ko naman siya. Mahal ko eh.

"Sige uumpisahan ko na. Nung college ako ay kaibigan ko na si Tony pati na si King. Kilala mo naman si Tony at ang ugali nya di ba? Si King naman ang pinakabata sa aming magkakaibigan. Sobrang bait nya at tahimik na kabaliktaran ni Tony. Ako naman ay suplado. Nung nagkaroon ng party si papa ay ipinakilala sakin si Julia. Nanduon sina Tony at King dahil inimbitahan ko sila. Ipinakilala ko naman si Julia sa mga kaibigan ko. Nung umpisa ay medyo mahiyain pa si Julia pero nung tumagal ay lumabas din ang pagiging spoiled brat nya. Simula ng makilala namin si Julia ay hindi na siya gusto ni Tony. Ako naman suplado kaya hindi ko siya masyadong kinakausap. Hanggang sa nagulat na lang kami ni Tony nung naging sila ni King nung naging intern na kami. Kaming tatlo nila King at Julia ang nagkasama sa isang ospital kasi si Tony nag abogasya. Matalino si King kaso nadistract kay Julia." kwento nya.

"Hindi nyo alam na naging sila o di nyo napapansin na nagdedate sila? Hindi nagsasabi sa inyo si King?" sunod sunod na tanong ko.

"Hindi. Masyadong malihim si King hanggang sa isang araw nagulat na lang ako dahil nalayo na sakin si King. Nagagalit na sya sakin ng hindi ko alam ang dahilan. Alam mo yun, bigla bigla na lang siyang magpaparinig. Minsan nga nag iinuman kami dahil birthday ni Tony tapos nagalit sya at nagpaparinig. Hanggang isang araw ay kinompronta namin siya ni Tony. Nalaman namin na nahuli nya si Julia na kausap ang kaibigan nito at sinabi na hindi siya mahal at kaya lang naman siya nilapitan ay nang dahil sa akin." kwento pa nya.

"Teka dahil sayo? Ibig sabihin gusto ka ni Julia?" tanong ko.

"Oo tama ka. Kinausap kong maige si King at sinabi ko na hindi ko papatulan si Julia. Pagtapos nuon ay naging okay kaming magkakaibigan. Then one day, nagising na lang ako sa isang kwarto katabi si Julia nuong nagkayayaang mag inuman ang mga intern na doktor. Mga lalaki lang kami pero nagtaka ako kasi nagising ako na katabi si Julia. Being a spoiled brat ay sinabi nya sa mga magulang nya para panagutin ako. Balak nang sabihin ng daddy ni Julia sa pamilya ko ang nangyari sa amin ni Julia kaso nahuli ko siya na buntis na. Salamat kasi nahimatay siya at dinala namin sa doktor. Kahit alam namin ni Julia na hindi ako ang ama ay pinagpipilitan pa nya na ako daw ang ama." paliwanag nya

Fallen For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon